CHAPTER THIRTEEN

1915 Words
PABAGSAK na isinarado ni Benedict ang pinto ng office nila. Sabay-sabay pang napalingon ang mga kasama ni Rachelle na nangunguha ng mga order ng costumer na nakaupo sa nakakalat na lamesa. Inayos ng binata ang kurbata, matapos na mag-alis ng bara sa lalamunan. Dire-diretso itong naglakad papunta sa main door ng Restaurant, ngunit bigla siyang napatigil ng mahagip niya ang bulto ni Rachelle na naglalakad sa direksyon niya. May dala-dala itong tray na naglalaman ng mga pinagkainan ng mga costumer na kalalabas lang din. Halos iisang singhap ang nagmula sa bibig ng mga nakakita sa pagkakasalampak at pagtapon ng mga hawak ng dalaga. Maging si Rachelle ay nagulat sa nangyari. "Are you blind Ms. Madriaga para hindi ako makita? o sadiyang tanga ka lang na banggain ako, kahit alam mong masasagi mo ako!"Paangil nitong sita sa babae. Naipinid ni Rachelle ang bibig, gusto niyang magprotesta at sabihin na wala naman siyang ginawa. Agad na nilapitan siya ni Xyrus. "Pasensiya na Sir Benedict, pagsasabihan ko na lamang si Rachelle na ayusin ang trabaho niya."agap nitong sabi. Tinitigan naman ito ng binata habang panay ang punas sa nabasang suite nito. "Kung hindi aayusin ng kasamahan mo ang trabaho niya ay baka samain na siya sa akin. Pati ikaw idadamay ko. . ."malamig na tugon ni Benedict. Pagkatapos masabi ng binata iyon ay tuloy-tuloy na itong umalis sa harapan nila at lumabas ng Restaurant. "S-Sana hindi kana nakialam Kuya Xy,"mahinang anas ni Rachelle. Matapos nilang pumasok sa pantry at iniligay sa basurahan ang mga nabasag na pinggan at baso. "Ano ka ba, ayos lang iyon. Saka alam ko naman na hindi mo talaga ginawa ang ibinibintang ni Sir Benedict."naiiling nitong sabi sa dalaga. "B-Bakit mo nasabi?"Nagugulumihan na nausal ni Rachelle. "Obvious naman na siya ang sumagi sa iyo, nakita ko iyon. Maging sina Lyla at Russel ay napuna rin iyon. Sadiyang nanadiya iyan si Sir Benedict sa'yo. Alam niya kasing hindi tumatalab ang pang-se-seduce niya sa'yo. . ."mahaba nitong litaniya. Natahimik naman si Rachelle at hinarap na nito ang hugasin sa lababo. Sa totoo lang naisip na niya iyon ang magiging dahilan ni Bimbi. Dahil lang naman sa pagtapak niya sa pride nito. Sino man lalaki ang makakaranas sa pinalabas niyang panggagago sa p*********i nito'y hindi lang galit ang igaganti sa kaniya. Kung 'di isusumpa pa siya. . . ILANG araw ang lumipas, pinilit tinatagan ni Rachelle ang sarili. Para patuloy siyang makapagtrabaho sa QUIDYSABE. Tuluyan na niyang nakabisado ang mga trabaho sa loob ng restaurant. Dahil na rin sa pagta-tiyaga ni Xy at ng ibang mga katrabaho niya. Malaki rin ang pasasalamat ni Rachelle, dahil kahit abala si Quinx sa pagaasikaso ng kasal nito kay Lilina ay ito pa rin ang nagtiyagang nagtrain sa kaniya. Dahil magmula ng araw na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Bimbi ay hindi na siya kinikibo nito. Pero lagi pa rin naman itong pumapasiyal sa Restaurant, kasama ang iba't ibang babae nito. Minsan ayaw na niyang magpakita kapag naroon ang binata, ngunit tiyak magtataka ito. Ayaw niyang maapektuhan ang performance niya sa trabaho sa naging issue nila nito. Kapag naroon si Bimbi at ang isa sa mga babae nito'y lantaran ang paglalandian ng mga ito sa harapan niya sa may second floor. Pero ipinagkibit na lamang niya ng balikat ang nakikita kahit minsan ay naalibadbaran siya sa tuwing mahuhuli niya ang paghahalikan ng mga ito at ang paghaplos naman ng kamay ng mga babaeng kalampungan nito sa katawan ng binata. Magmula rin ng araw na nagkasagutan sila ni Benedict ay hindi na kinikibo ng binata si Sancho. Kahit ang huli na ang nag-oopen ng topic ay sasagutin lamang nito ng una. Pagkatapos niyon ay wala ng namamagitan na usapan sa magkaibigan. Hindi aakalain ni Rachelle na malaki ang mababago dahil sa ginawa niyang p*******t dito. Hindi inaasahan ni Rachelle na ganoon kalaki ang magiging epekto niyon sa binata. Agad ang pagdako ng dalaga sa katabi na si Quinx ng ibigay sa kaniya ang isang folder na naglalaman ng mga inventory nila. "Miss Madriaga, mamayang hapon bago ka lumabas ay i-check mo ang storage room. Kung ano ang mga out of stock na, maliwanag ba. . . "dikta nito na tinapik-tapik pa siya. "Sige sir."nakangiti niyang sabi. "By the way, your doing great this last few weeks. Dahil diyan ay magiging permanente ka na rito sa QUIDYSABE. . ."anunsiyo ni Quinx na hinawakan pa siya sa braso nito. "Wow! Thank you Sir!"Galak na wika ni Rachelle. Hindi na tuloy napigilan nito na yakapin si Quinx sa sobrang katuwaan, parang maiiyak na siya. Akala ng dalaga ay wala ng pag-asa na tumagal pa siya sa pinagtratrabuhan pero maling-mali pala siya. Hinagod naman ni Quinx ang Likod ni Rachelle, maging ito man ay napangiti sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng babae. Isang tikhim ang umagaw sa pansin ng dalawa, sa bungad ng hagdan pababa sa first floor ng Restaurant. Naroon lang naman si Benedict, nakapulupot ang beywang nito sa isang sopistikadang babae. Agad nakilala ni Rachelle iyon. Michelle Dimitri ang ngalan ng babae, isang kolehiyala. Sa mga babaeng dinadala ni Benedict ay ito ang pinakamadikit sa binata. Mukha naman mabait at may breeding ito kaysa sa ibang mga babaeng dinadala nito roon. "Hindi ba aalis ka Quinx?"agad na paalala ni Benedict sa kaibigan. "Ah oo nga pala, muntik ko ng makalimutan may lakad pala kami ni Lilina. Sige Miss Madriaga, bahala ka na rito. Tawagan mo na lamang ako kapag nagkaaberya rito." Tumango naman si Rachelle. Patalikod na siya ng madinig niyang muli ang tinig ni Bimbi. "Don't worry Quinx, Ms. Madriaga don't need to do that. Dahil maghapon akong mag-e-stay kasama ng "girlfriend" ko. . ."diretso nitong sabi nahimigan pa ni Rachelle ang pagdidiin nito sa salitang girlfriend. Ewan niya, pero parang may dumaan na mabigat na bagay sa dibdib ni Rachelle. Marahan tinapunan ng dalaga ang direksyon ni Benedict, magkausap sila ni Michelle. Ngunit sa kaniya nakatitig ang mga mata ng binata. May napansin siyang emosyon doon, agad na siyang naglakad. Tila wala siya sa sarili, habang bumaba ng hagdan. Nakahinga lamang ng maluwag si Rachelle ng nasa loob na siya ng pantry. Ayaw maalis sa utak niya ang nasa isip. "Bakit mo ito ginagawa Bimbi, para ano para pagselosin ako?"naibulong sa sarili ni Rachelle. Mabilis niyang inayos ang sarili at inabala ang buong maghapon niya sa pag-aasikaso sa mga costumer ng Restaurant. . . PASADO ALAS-NUEBE na ng matapos sa pag-i-inventory si Rachelle. Nag-inat siya, dahil sa pangangalay ng likod niya sa matagal na pagkakayuko. Nahahapo siyang naglakad sa may pinto upang buksan iyon, ngunit nagulat siya ng mahinuha niyang naka-lock iyon. "Hello! May tao pa ba diyan?!"malakas niyang sigaw. Nagbabakasali si Rachelle na may makarinig sa kaniya mula sa loob. Ngunit mukhang malabo iyon, dahil natitiyak niyang umuwi na ang lahat. Maging si Mang Danilo. Matapos pa ang ilang pagsigaw ni Rachelle ay nanghihina siyang naglupasay sa sahig. Unti-unting nagsituluan ang luha sa magkabilang mata niya. "Ang saklap naman, mukhang bukas na ako makakalabas dito."humihikbi niyang anas. Napahagulhol na siya pagkalipas ng ilang segundo. PATULOY lamang sa pagtitig si Bimbi sa mukha ni Michelle na puno ng kolerete. Habang patuloy na kinakain ng babae ang kahabaan niya. Kasalukuyan silang nasa office ng QUIDYSABE. "Ooh! Bimbi your d**k is so huge!"napapantiskuhan na sigaw ng babae. Kitang-kita niya ang nasisiyahan na mukha nito. Bigla ay bumilis ang t***k ang puso ni Benedict ng kagiyat na lumarawan ang magandang mukha ni Rachelle. Muli niyang naramdaman ang pamilyar na damdamin na tanging si Rachelle lamang ang nakakapagpalabas. "Ellechar. . . "mahinang anas niya. Kaya upang magmulat ng mata si Michelle at lumipad ang pansin nito sa lalaki. "Again Bimbi? Sino ba iyan Ellechar na iyan at sa tuwing magse-s*x tayo siya ang nasa isip mo. . ."badtrip na sabi nito. Agad na itong tumayo at inayos ang sarili. Tahimik naman na nakaupo sa may swivel chair nito ang binata. "Pwedi ba yayain mo na lamang ako ulit na maging girlfriend mo kapag nakalimutan mo na ang babaeng iyan. . . please Bimbi, ayaw kung masaktan sa huli dahil ginawa mo lamang ako panakip butas."pagtatapos ng babae at dali-dali na siyang iniwan nito. Agad naman hinilamos ni Benedict ang mukha gamit ang palad. Tuluyan na niyang isinarado ang zipper niya. Walang gana siyang lumabas ng office, didiretso na sana siya sa may main door ng makaulinig siya ng boses sa loob ng storage room. Agad niyang sinusihan iyon. Tumambad sa kaniya ang nakatalikod na si Rachelle na patuloy pa rin sa pag-iyak. "A-Anong ginagawa mo pa rito?"tanong ng binata. Agad naman napatayo si Rachelle at napaharap sa kaniya. "Ah... s-sir, k-kasi inasikaso ko po ang pag-i-inventory. . . "eksplika ni Rachelle na agad umiwas ng pansin sa kaniya. Napasinghap pa siya ng dumampi ang daliri ni Bimbi at pininunasan ang dumaloy na luha sa pisngi niya. Hindi na nakapagsalita si Rachelle ng bigla siyang kabigin at yakapin siya ng boss niya. "Ellechar, I'm sorry sa mga nagawa ko t-this past few weeks. Alam mo bang kahit ibang babae ang kasama ko, ikaw pa rin ang tumatakbo sa isipan ko. Kaya please, bago pa ako mabaliw tanggapin mo na ang offer ko. Be my girlfriend . . ."pagsusumamo ni Benedict. "P-Please S-Sir Bimbi, kung pwedi lang ay huwag niyong ipilit sa akin ang bagay na iyan. . ."diretsa niyang sabi. Agad ng humiwalay sa pagakakayap ng boss niya si Rachelle. Muli, nakita ni Rachelle ang sakit na rumaan sa mga mata ng binata. "Bakit ba ang hirap sa'yong tanggapin ang ino-offer ko. Promise! Magbabago ako para sa'yo. Ibibigay ko ang lahat ng oras at mga bagay na makakapagsaya sa'yo. . ."puno ng sinseredad na pangako ni Benedict dito. Masuyong hinawakan nito ang palad ni Rachelle at dinala iyon sa labi nito. Parang gusto ng bumigay ni Rachelle, ngunit sa huli nanaig sa kaniya ang takot na sumugal sa isang relasyon na hindi niya alam kung kaya niyang mapandigan. Mas nanaig kay Rachelle ang pag-alala sa kalagayan ng ina niyang nangangailangan ng tulong niya. "Sorry Sir Benedict, pero wala ho akong panahon sa pakikipag-relasyon. . . "tuluyan nasabi ni Rachelle at agad na umalis sa harapan ng boss niya. Mabilis ng kinuha ni Rachelle ang mga gamit sa may pantry at akmang maglalakad na ito sa highway ng biglang pumarada ang itim na Volvo ni Benedict sa harapan niya. "Hop in! ihahatid na kita. Don't worry, gusto ko lang masiguro na safe kang makakarating sa apartment mo." Mataman nag-isip si Rachelle, sa totoo lang ay mahihirapan siyang makakuha ng masasakiyan ngayon dahil Sabado. Maraming magsisi-uwian sa mga probinsiya. Hanggang sa pinairal ni Rachelle ang pagiging practikal. "Huwag kang mag-alala starting today ay hindi na kita kukulitin sa bagay na iyon. But Ellechar, I hope we c-can be friends. . . "may kaba at pag-aasam sa tinig na bigkas ni Benedict. Nakatuon ang pansin nito sa harapan. Pero ramdam ni Rachelle na nakikiramdam ang binata. Hindi maintindihan ni Rachelle ang lumbay na nadama, ngunit kasabay niyon ang tila paru-parong nagliliparan sa may tiyan niya sa tuwing malapit si Benedict sa kaniya. "Sure boss, ayos lang . . ."mayamaya'y sagot niya. Halos gustong himatayin ni Rachelle nang mapagmasdan niya ang tuluyang paglawak ng ngiti nito na parang sinagot na rin niya ito. "Thanks! huwag kang mag-alala magiging good boy ako. . ."assurance pa ni Bimbi, kasabay ng pagkindat nito sa kaniya. Mabilis na lamang ibinaling sa labas ng bintana ni Rachelle ang pansin. Upang maitago sa lalaki ang pamumula ng magkabila niyang pisngi sa mga sandaling lumipas. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD