CHAPTER 1: THE FIRST ENCOUNTER
I'm Gabrielle Cruz, Gab for short. Ulila na ako sa mga magulang. At mula pa noong namulat na ako at si Lola na ang nag-aalaga sa akin. Dito kami sa mansyon ng mga Buenavista nagtatrabaho at nakatira sa bakuran nila.
Nasa 3rd year college na ako ngayon at kumuha ng kurso tungkol sa bisnes. Balang araw kasi, gusto ko magkaroon ng sariling negosyo. Kung papalarin ay gusto kong magtrabaho sa ibang lugar. Minsan ko rin naman inaya si Lola na manirahan sa ibang lugar pero ang tanging nasabi niya lang ay ayaw niyang lumayo sa lugar na ito dahil napamahal na siya rito. Lalo at matanda na rin si Lola, ayaw na niyang iwan kung saan siya lumaki. Kung magkakaroon man daw ako ng pagkakataon na makapagtrabaho sa isang lugar ay papayagan niya ako.
Ilang beses din naman kaming binigyan ng offer ni Senyora na tumira sa mansyon pero hindi pumayag si Lola. Ang pangaral nita palagi ay huwag abusuhin ang kabaitan nila. Hindi naman din masama ang offer ni Senyora sa amin, ngunit kahit tinatanggihan ni Lola at hindi naman nagbago ang pakikitungo sa amin.
Simple lamang ang buhay namin ni Lola. magta-trabaho sa mansyon sa umaga hanggang matapos ang mga gawain sa gabi, saka kami uuwi sa kubo, pag minsan ay mas maaga. Nakasanayan ko na rin ang mga gawain kaya madali nalang din sa akin ang mga iyon.
"Hi, I'm Nina, bago lang kami dito, san ka nakatira?" sabi ng dalagang babae sa akin habang naglilinis ako sa bakuran.
Maganda at maamo ang mukha niya, matangos ang ilong at mahaba ang buhok. Mas matangkad siya sakin ng kaunti kaya't medyo tiningala ko siya nang hinarap ko. Maganda ang mga mata niya, makurba at makapal ang hibla ng pilikmata gayundin ang porma ng kanyang kilay. Ang kutis niya parang porselana sa sobrang puti na bumagay sa mapupula niyang labi, kung pagtatabihin kami, talagang mangingibabaw ang kaputian niya.
"Ako si Gab, doon kami nakatira sa maliit na kubo na yun" habang tinuturo kung saan si Lola Milagring ay nagwawalis sa di kalayuan.
Dito kasi kami pinatuloy ni Senyora sa lupain nila, may isang kubo sa di kalayuan, malapit sa mga puno ng mangga. Mabait ang pamilya ng Buenaventura. Hindi sila matapobre at hindi madamot. Miminsan nga lang sila mamalagi dito sa probinsya dahil sa Maynila sila nakatira. Kung hindi naman ay sa ibang bansa sabi ni Lola. Ngayon ko lang din nakita ang anak ni Senyora na si Nina maliban kay Ally na kapatid niya.
"Wala kasi akong kakilala dito, si Ally naman may sariling mundo yon, kaya hayaan mo na. Ilang taon ka na pala?" aniya.
"Ah, 16 ako, ikaw ba?" Ngumiti ako, at ngumiti din siya.
"16 din ako! Si Ally kasi 17 na siya, kaya di niya ako sinasama kung saan siya pumupunta" aniya na may konting inis pero agad ding ngumiti nang humarap sakin.
"Ah ganon ba, halika ipapakilala kita sa Lola ko!" Nagsimula kaming tumakbo papunta sa aking Lola
"Lola, may bago akong kaibigan, si Nina po, Nina siya ang lola ko, si Lola Milagring."
"Magandang umaga Nina. Ikaw ang anak ng Senyora hindi ba?"
"Ah opo Lola. Wala po kasi akong kausap, kaya lumabas muna ako ng mansyon."
"Ganon ba, o siya, maiwan ko muna kayo at magpapahanda ang Senyora mamayang tanghali. Wag kayong lalayo ha, kundi mapapagalitan ako kay Senyora. Gab, wag kung san san pupunta?"
"Opo Lola!" halos sabay naming sabi.
Habang nag-uusap kami, inaya niya akong pumunta sa mansyon nila. Habang naglalakad kami, namamangha pa rin ako sa mga mwebles na nandoon, at ang mga bagong painting na isinasabit palang. Ilang beses na rin naman akong nakapasok dito dahil dito nagtatrabaho ang Lola simula pa noong bata pa ako. Hindi naman nagagalit ang Senyora sa akin o sa amin ni Lola. Basta ang bilin ng Lola, wag pakikialaman ang mga gamit.
"Halika na!" sabi ni Nina, habang inaantay ako sa enggrandeng hagdaan.
"O sige, pero hindi ba magagalit ang Mommy mo?" tanong ko.
"Nope! Mommy knows you naman" tumakbo siya papunta sa akin at dahan-dahang hinila ang kamay ko habang ginigiya kung nasan ang kanyang ina.
"Mommy, siya po si Gab, you know her right? She's my new friend. Doon lang kami sa room" aniya habang nakangiti sa kanyang ina.
"Yes hija. Of course I know Gab. Bata palang to, palagi na 'to dito!" na agad na ngumiti sa akin. "Saan nga ba si Ally?" ani niya.
Ngayon ko lamang yata nakita ang mga anak ni Senyora. Dalawa pala silang magkapatid. At Ally? Babae ba yun?
"I don't know Mom, he left me kanina. You know Ally too well Mom."
....ahhh, lalaki pala si Ally, 'he' daw sabi ni Ally. Dahil maganda si Nina, malamang ay pogi rin yon.
"Ang batang yon talaga, sige hija. I will call you once the food is ready. Gab, you can eat with us later" nakangiti sa akin.
"Sige po Senyora, salamat po."
"Tara na Gab!"
Naglakad kami sa grand staircase nila papunta sa pasilyo kung saan ang mga kwarto. Naglakad kami hanggang sa dulo kung saan makikita ang malaking painting ng mag-anak. May kwarto sa tapat ng kwarto ni Nina, medyo nakaawang, ngunit hindi ko na sinilip pa, hinila na rin kasi ako ni Nina papasok sa kwarto niya.
Pagpasok namin, nakita ko kung gaano kaluwang ang kwarto niya, mas maluwang pa kaysa sa kubo na tinitirhan namin ni Lola. Kulay pink ang tema ng kanyang kwarto. Napakaganda at ang ayos ng mga muwebles na nakalagay doon. Mamahalin at mga antique ang mga ito, kaya kahit may katagalan na ay matitibay at kalidad. Nakakamangha dahil ngayon lang ako nakapasok sa kwarto dito sa mansyon.
Habang nasa kwarto kami ni Nina, nagkwento siya ng mga karanasan niya. Mga napuntahan na nilang mga bansa, kung saan siya nag aaral, at marami pang iba. Base sa mga kwento niya, mabait siya at hindi siya matapobre gaya ng mga magulang niya. Kaya panatag din ako sa kanya. Ang gaan din kasi ng pakiramdam ko sa kanya, tila ba ang tagal na naming magkakilala.
May kumatok sa pintuan, at pumasok ang isang binatang lalaki. "Nina, Mom is calling us, food is ready. And, uh, call your friend" at nagkatinginan kami.
"Yeah, sunod na kami, by the way this is Gab, my new friend, Gab this is my kuya, Ally."
"Hi, I'm Ally." Saka siya naglahad ng kamay para sa handshake.
"Hello, nice meeting you din, A-Ally, uhm, K-Kuya Ally?" nag-alinlangan man ako ay tinanggap ko ang kamay niya. Ang lambot non, mas magaspng pa yata ang kamay ko dahil na rin sa mga gawaing-bahay na madalas kong ginagawa
"Call me Ally instead, drop the formalities" ika niya nang hindi ngumingiti sa akin. Na nagpatigil naman bahagya ng paghinga ko at kumalabog ang pintig ng puso ko.
May kakaiba akong naramdaman, unang pagkikita palang namin pero bakit parang pamilyar siya. Napahawak ako sa puso ko, dahil sa bilis ng t***k nito.