BABABENG DI KINIKILIG ( Chapter 3 )

2870 Words
TITLE : Babaeng Di Kinikilig Genre : Romcom By : Admin shoji2496 [ C H A P T E R 3 ] Inis ang nararamdaman ko matapos ako ipahiya ng Pipay na yun. Kasalanan ko bang ang pangit ng pangalan niya? Sinong hindi matatawa doon? Ganito kasi kababaw yung saya ko pagdating sa mga walang kwentang bagay. Idagdag mo pa ang kilos niyang parang semento kung maglakad. Napansin kong nakatingin yung mga lalaking humarang sa akin kanina sa labas. Iba yung dating ng mga ngiti nila sa akin. May halong pang aasar at kantyaw. Kaya mas lalo pa akong nainis. Isang oras din akong nagtimpi sa ganung sitwasyon. Isang oras akong nag isip kung paano ko rin mapahiya sa harap ng klase yung Pipay na yon. Isang oras akong wala sa sarili. Bakit ganito? Bakit ko nga ba tinutuon yung kaunting oras ko sa mga walang kwentang bagay na di naman ganun kahalaga sa buhay ko? Bakit nga ba? Sa totoo lang hindi ako tinuruan ng magulang ko na maging pasaway, pero ang bilin ng Daddy ko, kapag binully ako ng babae wala akong ibang paraan kundi kuhanin yung puso niya. "I think its time to end our lesson for today, i hope on our next class wala na akong makitang malate. Kung alam niyo ng late kayo, wag na kayo kayong pumasok sa klase ko. Naiintindihan nyo?" babala naman ni Ms. Lazaro sa klase. "Yes po" sagot namang sabay sabay ng ilan sa mga classmates ko. Paglabas ni Ms. Lazaro ng pintuan ay agad namang tumayo si Pipay at hinarap ako muli. Tumitig siya sa akin sa pagkakaupo ko habang inaayos ang gamit sa bag ko. Natigil ako at dahan dahan kong pinukaw ang tingin ko sa mga mata niya. Lumapit naman ang apat pang babaeng tigasin sa kanya saka muli pang tumitig rin sa akin. Ano reresbakan ako? Mga patawa! Hindi ako masisindak sa inyo no, mga ulol! "Bakit?" hindi ko pinahalata sa kanila yung nararamdaman ko pero natatakot ako kung ano pwede nilang gawin sa akin. Nakatingin parin ang ibang mga classmates namin sa amin. Inaantay ang mga susunod na mangyayari. "Anong pangalan mo labs?" nagsalita si Pipay, nanlilisik na naman ang mga mata sa akin. Teka? Bakit tinawag akong labs neto? Timang ba sya? May gusto ba siya akin? Grabe naman siya mag confess, agad agad ha? "Labs?" puno ng pagtataka ang boses ko. Natawa ako kaunti at napailing nalang. Tinuloy ko ang pag aayos ko sa bag ko pero nagulat nalang ako bigla ng may humawak sa braso ko. "Oo labs, yan ang tawag sa mga taong malalabo ang mga mata, boy labo!" klarong klaro niyang sinabi sa akin yang mga salitang yan sa tainga ko. Panay naman hiyaw ng classmates ko sa amin, na tila ba kinakantyawan ako. "Bitawan mo ako, mylabs." sagot ko namang nakangiti sa kanya. Kumunot yung noo niya. Ramdam ko yung pagtataka niya sa sinabi ko. "Mylabs?" tanong naman nung isang kasama niya na nasa likuran nung Pipay. "Oo mylabs, sorry malabo kasing magsalita itong bunganga ko ha? Gusto kasi nitong tawagin kita ng mylabs e. Nagustuhan mo ba?" medyo nilagyan ko ng kaunting pang aasar yung boses ko na siya naman mas lalong kumunot pa ang kanyang noo. "Ah ganun ah!" bilis naman niyang binitawan ang braso ko saka nito tinutok ang kamao sa mukha ko na akma niyang susuntukin ito. "Subukan mo, sige subukan mo, mahahalikan talaga kita! Sige gawin mo." sabi ko na napatawa, at umupo ng pag ka relax relax. Nagtilian naman yung mga babaeng classmates ko. Nakarinig rin naman ako ng mga nag-boo sa amin. Napapikit ako ng ilang minuto at hinintay ko kung makakaya ba niya akong bigyan ng suntok. Pero wala! "Ano, di mo kaya? Hahalikan nalang kita gusto mo?" usisa ko pa sa kanya na tawa ako ng tawa, nakapikit parin ako sa sandaling ito. Pero bakit parang may mali, antahimik naman na ata. Wala na yung tili at kantayawan. Aba teka. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. What? Andyan na pala yung sunod na teacher namin. Bwisit! Nagtawanan naman yung mga classmates ko sa akin dahil sa biglang ayos ko sa pagkakaupo ko. Nakaramdam na naman ako ng hiya. Nakakainis! "What's your name?" tanong nung teacher namin sa akin na sobra ang tinis ng boses. Mas matinis pa ang boses kay Ms. Lazaro. "Ki--King Jasper Marquez po ma'am" napakamot ako ng ulo sa sobrang pagkahiya. "Okay Mr. Marquez, tutal our subject is Housekeeping. Maari mo bang i-konekta ang salitang halik sa housekeeping?" nagkibit balikat siya, at tumitig sa akin. Tinginan naman ang mga classmates ko sa akin. Nag aantay ng sagot mula sa pagbuga ng mga salita sa bibig ko. Kaya naman, tumayo ako ng dahan dahan sa kinauupuan ko at nag isip ng pu-pwedeng isagot sa tanong ni Teacher. "Ahm, ahm..." nagba-buckle ako, loading pa rin yung isip ko. Pambihira! "Do you have any idea?" sambit na naman ni teacher na naghihintay pa rin ang sagot ko. "Ahm, okay. Let me give a certain definition each letter from the word KISS. So that's maybe impossible to connect it to the subject which is Housekeeping, but i'll try my utmost best. So I'll start from letter K. K- keeping the establishment clean and order specially in our I - Industry which is hospitality, can give the customers an excellent S- service. I think that would give them also a worthy S- satisfaction. Sagot ko naman sa kanya dire-diretso. Ewan ko kung tama, pero minabuti kong naibigay ko sa kanya yung sagot na gusto niyang marinig sa akin. Tumahimik ang klase. Inaantay ang sasabihin ni teacher. Tintignan ako ng may kapreskohan yung mga limang lalaking humarang sa akin sa labas. Ganundin ganun din ang mga babaeng tigasin. "Okay, very good. I do hope, na kapag pumasok na ako sa classroom. Itigil nyo na yung atensyon sa ibang tao ha. Nakakadistract. Si--sino ba yung hahalikan mo Mr. Marquez?" nagtanong na naman siya. Paano to? Ituturo ko ba yung Pipay na to? Baka 'di na naman ako tatantanan nito pagkatapos ng klase. Malalagot na naman ako sa kanya. Pero bahala na, ansarap naman niyang sagarin sa asar. "Si Pipay Esperanza po ma'am" napakapormal kong sinagot si teacher. Lumingon ako sa paanan kung saan nakaupo sa tabi ko si Pipay, napansin kung pinanlakihan niya ako ng mga mata. Nakakatuwa yung itsura niya. Parang tarsier sa sobrang laki ang mga mata. Nagulat ata ang mylabs ko. "Maari ka bang tumayo Pipay?" inikot ikot ang mga mata ni teacher sa klase na animoy hinahanap at hinihintay kung sino ang tatayo. Ilang minuto pa ay nagulat ako, nakaramdam ako ng sakit sa tagiliran ko. Kinurot ako ng Pipay na yun! Lintek! Pagtapos nun ay tumayo siya ng dahan dahan sa kinauupuan niya. Nakakainis ang bwiset. "So ikaw ang gustong halikan ni Mr. Marquez, so i'll do the same. Maari ko bang malaman yung sagot mo sa sinabi ni Mr. Marquez?" nakakibit balikat parin si teacher. "Alin po ba doon sa sinabi niya ma'am?" nagsalita siya ng malumanay. Akala mo ang anghel anghel ng boses ni Pipay. Warfreak naman. "Doon sa hahalikan ka niya." "Sorry, wala akong balak." sagot ni Pipay sabay tingin sa akin at umirap pa ng pagkagrabe grabe. "Maaari mo bang ikonekta din yang sagot mo sa subject nating Housekeeping?" banaad sa mukha ni teacher yung excitement sa pwedeng isagot ni Pipay. Syempre, hihintayin ko kung paano sya sasagot. Kung kasing tigas rin lang ba niya ang sasabihin niya. Ilang segundo pa ay nagsimula na siyang magsalita. "I won't give an answer to none sense people, sorry." Tumingin sa sakin "I'd rather kiss an ugly pillar than him. One thing I have to tell, I took care of myself just to avoid unneccessary people. That kiss is a bullshit." tumingin sya akin na parang pinapamukha na kasalanan ko pa. Ambisyosa naman itong Pipay na 'to. Hindi ba niya alam nang dahil sa akma niyang pagsuntok sa sa akin kaya ko nasabi yon? Pakialam ko sa pangangalaga niya sa labi nito? At tinawag pa niyang bullshit yung halik ko? You're a bullshit either way! At kung alam mo lang, wala rin ako balak na halikan ka talaga. Kase, isa kang sementadong babae! "Enough, okay i get--- the point." utal na saad ni Maam. "Sana sa susunod, wag na kayo gumawa ng eskandalo sa classroom ha? Kabago bago niyo palang sa university specially sa department natin ganyan na binibigay niyong impression sa isa't-isa. Haynako sasakit ulo ko sa inyo! Lalo na't ako magiging adviser niyo ngayong first sem? I see many of you, na talaga nga namang magbibigay ng sakit ng ulo. Pero i do hope, na nagkakamali lang ako. By the way, uulitin ko, I'm your adviser for the the whole semester. My name is Chelle Moreno. Be good, and i'll be good. Okay?" dire-diretso namang pahayag ni Ms. Moreno sa amin. Dahan-dahan namang umupo si Pipay sa kanyang upuan. Nanlilisik pa rin yung mga tingin sa akin. So ano na namang problema niya sa akin? Pakialam ko sa labi niya? Pakialam ko sa kanya? Diko naman sya hahalikan talaga e, isa lang 'yong paraan para matakot siyang suntukin ako, ganun naman kaming mga lalaki e. Pwera nalang kung desperada siya at gusto niya ako, tignan lang natin balang araw kakainin mo 'yang bullshit mo. Natapos ang klase namin ng tatlong oras. Dire-diretsong tatlong oras. Gutom na ako, kailangan ko ng dumiretso sa canteen para maibsan yung gutom na nararamdaman ko. Di na ako pinansin nung Pipay na yun pagkatapos, umalis sila kasama yung mga babaeng tigasin na katulad niya. Mga mukhang semento. Maya't maya ay. "Pre sama ka samin? Kakain kami." lumapit sa akin yung isa sa mga humarang sa koredor sa akin. Napaisip ako kung ano na naman bang plano iniisip nila sa akin. "Ano bang plano niyo? Pagtripan ako?" sagot kong bruskong brusko ang dating. "Pre, nakikipagkaibigan lang. Nakakabilib ka nga kanina e, lakas ng loob mo." nagpatuloy parin magsalita yung nakasalamin din na katulad ko. "Ako nga pala si Sonn ang pinakagwapo sa lima, si Andre ang pinakamatalino naman sa amin, si Jun ang MVP sa amin pagdating sa basketball, si Neil ang pinaka-maykaya at si Aron ang joker na gwapo sa tropa. No worries, i know na sesense ko na mahilig ka sa jamming, kaya game kami " pagpapakilala naman ni Sonn sa kanila sa akin. "Then what? Bakit niyo ba ako isasama?" "You're cool. And we just want you in our team." Dagdag pa ni Sonn. "Sorry, but thats not my game." "Chilaks pare, hindi kami masamang tao. Nakikipagkaibigan lang kami talaga sa'yo. There's nothing else, pakikipagkaibigan lang talaga. Promise" Andami kong naiisip kung bakit ginagawa nila sa akin to? Bakit ako kinakaibigan ng mga preskong to? Di naman ako tulad nila. Kinuha ko na yung bag ko at sinuot sa likod ko. "Woy pogi. Sama ako sa canteen, kakain ka ba?" bigalang nagsalita si Mae na diko mawari kung kanina pa naghihintay sa akin na lumabas sa room. Diko alam ang isasagot ko, iniisip ko kung kanino ako sasama. "Ah, may kasama na ako Mae. Tsaka di sa canteen punta namin. Sorry nextime nalang" sagot ko naman sa kanya. Di ako nag alinlangan sa desisyon ko. Kailangan ko rin ng mga kaibigan. Siguro hindi nga talaga si Mae yon. Kundi itong mga mape-preskong taong ito. Nagsimula na akong maglakad papalabas ng classroom. Sumunod naman sila Sonn, Andre, Jun, Aron at Neil sa akin. Pahkalabas namin ay tinginan ang mga estudyante sa labas ng koredor sa aming anim. "Omg! Ang ga gwapo nila!!! Iisang section lang sila? Babessss pa change block na tayo waaaaah!" dinig na dinig namin yung kaluskos ng bulong nung babae sa lima pa niyang kasama, pinipigilan naman nila ang tili sa harap namin. "Grabe naman mga yan, ang gwapo nila waaaaaaaah!" Nakita namin ang pagtalon talon sa kilig yung mga babaeng nakatambay sa may gilid. Weirdo! Habang naglalakad kami, binibigyan kami ng espasyo ng mga estudyante ang dinadaanan namin, lalo pa silang nagsisipag-gilid nung pababa na kami ng hagdanan. Sa sobra nga namang dami ng estudyante ng HRM ay pati hagdanan ginawa ng tambayan. And take note, sa private university pa talaga ang ganitong eksena. Naramdaman kong inakbayan ako ni Sonn, na para bang komportableng komportable na katropa na nila talaga ako. "Pre, di ka naman namin pipilitin kung ayaw mo sumama sa amin. Alam ko iniisip mo, na baka di kami mapagkakatiwalaan? Wag ka mag-alala, mababait kami at handa kaming ipakilala ang mga sarili namin para sayo" pahayag naman ni Sonn sa akin. Di nalang ako nagsalita habang patuloy parin sa paglalakad pababa. Nasa ikalawang palapag na kami ng HRM building. "Sa labas nalang tayo kumain, andaming tao sa canteen. Tsaka punuan pa ang pwesto." sabi ko naman sa kanila na agad naman nilang sinang ayunan. Pagkababa namin sa groundfloor ay panay pa rin ang tingin sa amin ng estudyanteng nakakasalubong namin. "Mga HRM students ba mga yan? Omg! Papabols ang mga freshman!! I love them!" as usual narinig na naman namin yung mga nag uusap na mga Nursing Students na mga babae. "Ang popogi nila grabe! Ibang iba ang datingan ng mga freshman ngayon sa HRM Department" usisa naman nung mga babaeng nagkukumpulan sa may Kiosk ng Civil Engineering course. "Kuyang mga nakasalamin idol ko po kayo! Iloveyou" sigawan naman yung babaeng nasa ikatlong palapag ng Engineering Department. Binigyan lang namin sila ng ngiti bagay na patuloy silang nagtilian. "Mabenta tayong nakasalamin ha, kaya kayo Jun, Aron, at Neil magsuot na rin kayo ng glasses tulad namin nila Sonn at King" natutuwa namang suhestiyon ni Andre sa tatlo. Nagtawanan naman sila, napangiti lang ako. Inoobserbahan parin kung ano mga pinapakita nilang ugali nila sa akin. Alam ko naman na magkakasundo kami. "Guys, baka naman pwede pa picture sa inyo?" request naman nung babaeng maganda na lumapit sa amin kasama pa ang dalawang babaeng magaganda rin. Kapwa silang nakasuot ng pang Accountancy'ng uniporme. "Oo naman po ate" agad namang sumang ayon si Neil na kita sa mukha ang excitement. Kakaiba ang alerto pag magaganda ang lumapit sa kanya ha. Huminto kami at yun nga, nagpapicture sila sa amin. Para kaming instant celebrity sa University na pati ibang department nagkakahanga sa aming anim. Atleast, hindi na ganung ka awkward nung mag isa palang akong naglalakad, nakahanap din ako ng mga kasamang dudumugin. Matapos nun ay kinuha pa ni Neil yung number nung isang babaeng maganda. Nagpalitan naman sila ng ngiti at nagpaalam pagkatapos. Nagpatuloy pa rin kaming maglakad sa hallway ng University. Andami pa ring babae ang nagtitilian, halos namang babaeng nakakasalubong namin ay napapangiti sa amin. "F6 Iloveyou!" sigaw naman nung tatlong babae na nakaupo sa Park malapit sa Architecture Department. Siguro mga architecture students mga yon, hindi naman sila tatambay doon kung hindi sila Architecture students diba? Maliban nalang kung naligaw sila ng landas. Pero bakit binabansagan kaming F6? Balahura, kung ano ano na lang no? Natawa kami pagkarinig yon. "Oh F6 daw? Hahahaha nakakatuwa naman. Ang jologs!" napatawang sabi ni Aron. Napangiti ako, at nagsalita. "Saan tayo kakain? Mag cocommute ba tayo papunta sa Mall?" tanong ko sa kanila. "Ako bahala pre, di na nating kailangang mag commute pa" saad naman ni Neil sa amin. "Tutal mamayang 1 pa pasok naten, laro naman tayo basketball maya malapit sa apartment namin, daming pwdeng kapustahan doon" suhestiyon naman ni Jun "Game ako jan" pagsang ayon naman ni Aron, at Andre. "Ako rin game dyan" sagot naman ni Neil ng nakangiti " Oh kayo mga pre? Di ba kayo sasama?" tanong naman ni Jun sa amin ni Sonn. Nag isip naman ng ilang saglit si Sonn at sumang ayon din. "O sige, basta kakain muna tayo" sabi ko na sya namang ramdam ko na ang gutom. Maya't maya ay nakarating din kami kung saan nakapark yung sasakyan ni Neil. Ang gara, may kaya nga talaga sila. "O ano? Sakay na" anyaya naman sa aming lima. "King dito ka nalang sa harap, sa tabi ko" pag anyaya ulit ni Neil sa akin. Agad naman akong lumulan sa kotse nya bandang sa may harap. Ang swabe nilang tignan. Kita mo sa kanila na mababait sila. Pero diko pa alam sa ngayon. Siguro simula palang ito para hanapin kung sino nga ba ang kakaibiganin ko. Sinimulan naman paandarin ni Neil ang kanyang sasakyan palabas ng University. "Parang ang init ata ng loob mo dun sa Pipay na classmate naten King a. Ramdam namin yung pang aasar mo dun e. Kaya tawa lang kami ng tawa kanina" pambungad naman pagpapahayag ng opinyon ni Neil sa akin. Ngumiti ako at nagsalita rin. "Ewan ko nga ba, nakakainis sya na ewan. Ang ganda nga nya kaso ang tigas kumilos, dinaig pa tayong mga lalaki" pagpapahayag ko naman ng opinyon ko tungkol sa babaeng yun. "O baka naman, destiny talaga kayo para sa isa't isa pre. Tignan mo, nagagandahan ka pa sa kanya. Magandang simula yan. Yung ayaw nyo sa isa't-isa tapos hindi magtatagal magmamahalan kayo" nakatawang sambat ni Andre sa akin. "Nako pre, wala akong balak. Ni hindi ko pa nga nakikita ang future ko na may kasamang babae maski sa panaginip ko. Kaya no way." natawa rin ako sa sinagot ko. Nagtawanan naman silang lima sa usapan naming yon. itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD