TITLE : BABAENG DI KINIKILIG
Genre : RomCom
[ C H A P T E R 2 ]
Para akong natulala sa maladyosang taong kaharap ko, pero ba---bakit ganun yung mga kilos niya? Ang tigas tigas. Para siyang sementong naglalakad. Pero sa totoo lang, dala nang kanyang kaastigan ay nakadagdag yun sa kakyutan niya, bagay na pinagkainteresahan ko.
Habang nakatitig ako sa kanya papalayo sa akin ay tila ba nakaramdam ako ng 'di maipaliwanag na enerhiya sa katawan ko. Putcha, magsusuper saiyan na ata ako sa pagkakatulala.
Iwinasiwas ko ang ulo ko dahil unti-unti kong napansin sa sarili na ang tagal ko na palang nakatayo sa pagkakatitig sa kanya.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa room kung saan ang unang subject kong papasukan.
Ganun parin, tinginan sa akin ang mga ibang babaeng estudyante na talaga nga naman ang sobrang pagkahanga sa akin. Di ko talaga alam kung anong alindog nitong presensyang dala ko. Bahala na, basta patuloy lang akong naglalakad.
"Ang cool nya! Ano kaya course nung poging yon?" dinig na dinig kong sabi at nagtatapikan pa ang apat na babaeng nakaupo sa table sa canteen na pinag uusapan ako.
"Ang sarap niya titigan. Yaaaaaaaah! Yung kilay nya ang kapal kapal, yun ang dreamboy ko beshy." sabi naman ng ibang freshman sa akin na panay ang talon sa kilig.
Edi sana naging kilay nalang talaga ako no?
"Mr. Nerdy boy! Ang gwapo mo naman, pwede pa picture?" may lumapit sa akin na isang babae, mas napukaw ang tingin ko sa kasama niyang anim na barkada na tila ba'y nakabuntot sa likuran niya.
Ibang department ata, iba kasi 'yung uniporme nila e.
Ibang iba talaga ang dating para sa akin ang ganitong mga eksena. Napakaweirdo! Hindi naman ako ganun ka-peymus para magkaroon ng ganitong atensyon sa mga taong nagkakahanga sa akin. Napaka pormal kong tao para bigyan ng ganitong pansin.
"Thank you pogi, ano pala pangalan mo?" tanong nung mga babae matapos makipagpicture sa akin, kitang kita sa mga mata nila ang tamis ng kagalakan na nakaukit mismo sa kanilang mga labi.
"Ah e, ako pala si King Jasper." banaad sa aking mukha ang pagkahiya sabay kamot pa ng aking ulo.
"Wag ka mahiya ano kaba, freshman ka din siguro no? Fan mo na kami waaah!" usisa naman nung isang babae na sobra kung makangiti sa akin.
Sinuklian ko nalang siya ng matamis kong ngiti bagay na napatili sila sa naramdamang kilig. Tinginan tuloy sa kanila ang mga ibang estudyante.
Nakakahiya.
Nagsimula na akong paakyat sa building namin, nasa ikalimang palapag kasi ang room para sa unang subject ko. Ewan ko, nakakaramdam ako ng kaunting kaba. Hindi ko mawari kung bakit.
Tumingin ako sa suot kong relo, hindi pa naman ako late. Kaya tuloy tuloy pa rin ang lakad ko paakyat.
Nakakapagod, iniimagine ko na kung araw-araw ako aakyat sa hagdanan hanggang 5th floor, ano kaya magiging itsura ko? Parang kalbaryo para sa akin yun ah. Pero no choice. So eto na, nasa ikalamang palapag na ako sa building namin. Andaming estudyante sa labas ng koredor. Tinginan sa akin.
Hays. Nakakaumay ang tingin nila, yung mga nasa gitna, nagsipag gilid para may madaanan ako, para tuloy akong prinsipe na naglalakad sa gitna ng kaharian ko. Pambihira.
Nakayuko akong naglakad habang hawak ang magkabilaang strap ng bag ko. Diko na tinitignan ang dinadaanan dahil na rin sa may dalang kaunting kaba at hiya.
At nang biglang.
$-+#-#;#7_('_?#(!@@-@@#)#+;"#((/ may nabangga ako.
"Aray!" nasambit ko, may nakaharang.
Dinahan dahan ko ang tingin ko sa taong nabangga ko. Tumingin ako ng may pagtataka. Bumungad sa akin ang limang mga lalaki, mapoporma. Yung dalawa naka nerdy glasses din. May mga itsura din sila. Malakas din ang datingan.
Napaisip ako kung sino ba sila? Bakit ako hinarangan sa dinadaanan ko? Kaunting hakbang nalang papunta sa room ko e?
Tinitigan ko sila isa isa. Ang sasama ng tingin nila sa akin. Pero di na naman ako nagpatinag.
"Freshman ka din ba?" nagsimulang nagsalita ang isang nakasuot ng salamin. Nakangiti siya sa akin ng nakakaloko.
Gagong to, nakuha pa niyang ngitian ako matapos ako harangan?
"Bakit ba?" sagot ko sa tanong niya. Napatawa ako kaunti, yung pang demonyong ngiti.
"Tinatanong lang namin pre, masama ba magtanong?" sarkastikong sabi nung isang lalaki.
Aba teka, ako dapat itong magtatanong sa inyo kung bakit niyo ako hinarangan? Bakit parang sila pa yung agrabyado?
Tinginan sa amin ang mga estudyante sa na nasa koredor. Pinapanood ang eksenang nangyayari.
"Male-late na ako, baka pu-pwede tumabi na kayo sa dadaanan ko pre?" binigyan ko rin sila ng sarkastikong sagot bagay na napatingin sila sa isa't-isa.
Hindi ko nalang yun pinansin.
Binigyan ko ng isang daang kompiyansa ang sarili ko para maglakad sa harapan nila, sinabayan kong tinignan sila isa isa sa kanilang mga nakakarinding mga mata.
Bakit ganito mga estudyante sa akin? May mga humahanga, meron din namang bully, at lalong-lalo na may mga presko. Pambihira.
Nasa tapat na ako ng classroom ko. Ang ingay sa loob. Sari saring boses ang naririnig ko.
Pumasok ako.
Biglang silang m tumahimik.
Huh? Seryoso? Ano na namang atensyon 'to? Natigilan ako bahagya, pero alinsunod nito ay humakbang ako palapit sa may bakanteng upuan saka walang dudang umupo.
"Hi King! Goodmorning, dito ka sa tabi ko." anyaya naman sa akin ni Mae, binasag niya yung katahimikan sa paligid na parang bang may lamay nang pumasok ako.
Ngumiti lang ako, tapos muling naglakad papalapit sa kanya. Siya lang kasi kakilala ko sa ngayon e.
Pagkaupo ko ay siya namang nagsimulang magkwento ulit si Mae sa akin ng mga walang kakwenta-kwentang bagay. Nakakarindi ng pandinig. Di manlang niya naisip kung interasado ba ako sa kwento niya.
Maya maya, ay pumasok na ang teacher namin.
"Good morning Ms. Lazaro" bati namin sa teacher ng sabay sabay.
Diba? Parang timang lang, napakagu-good boy at good girl namin dito sa klase.
"Okay class, good morning. Bakit andaming vacant seats pa? Late na naman sila ha." medyo masungit ang mukha niya, badmood ata tong teacher na to. Umagang umaga e. Sabayan mo pa yung sobrang tinis ng boses.
Ilang minuto palang bago magsimula si Miss Lazaro sa paglelecture ay may biglang pumasok.
Yung mga lalaking humarang sa akin kanina.
Pambihira, nawawala ba mga 'to? Tsk, kung minamalas nga naman oh.
"Oh? You're all late. Dito ba klase nyo? Ano class code?" tanong ni Miss Lazaro.
Pare-parehong kinakabahan ang kanilang mga mukha. Asan mga angas niyo kanina, huh?
"HRM57 po ma'am" sagot naman nung isang nakasalamin.
Sumimangot ang mukha ni Ms. Lazaro.
"Bakit ngayon lang kayo? Any valid reason? Hindi ba kahapon pa nagsimula yung lecture ko sa klaseng 'to?" grabe ang tinis talaga ng boses ni Ms. Lazaro. Nakakabasag eardrum.
"A--- kase kakaayos lang po namin sa schedule namin ma'am. Nagpa change block po kasi kami," rason naman nung isa.
Wala naman nagawa si Miss Lazaro sa kanila kaya sumang-ayon na lamang siya sa kanilang binigay na rason.
Napansin kong nakatingin sila akin, pero saglit ko lang sila binigyan ng atensyon.
"Okay class, let's start our lesson. So please lend me now your ears. Y'all enrolled HRM course right? So expect that the field that we're giving you is more on Hospitality and Tourism Industry. And for your information, in your own words, what do you mean by HRM-----" biglang naputol iyon nang may dire-diretsong pumasok sa room ng hindi nagbibigay galang.
Limang babae. Matitigas ang lakad. Ni hindi pa magawang alisin nung isa yung suot niyang sumbrero.
Napasalubong agad yung kilay ko nang pamilyar ang kilos at mukha nila sa akin.
"Hey! Would you mind to greet me first before you guys enter my class? Ganyan ba tamang etiquette nyo pagpasok sa classroom, ha?"
And there it goes, nasa kanila yung atensyon naming lahat.
"Kung wala kayong balak batiin ako, kahit manlang sana good morning aso, ganyan..." turan niya na nagdedelubyo ang boses. "Better get out of my class! I don't need students who are more disrepectful than empty head that can be seen everywhere!" medyo tumaas na nga ng tuluyan m yung tono ng boses ni Ms. Lazaro sa limang babae.
Napatigil sila sa pagsigaw ni Miss Lazaro.
'Di sila nagsasalita.
Timang ba sila? Oh sadyang bastos lang talaga ang mga 'to? Ni hindi manlang nila alam gumalang sa teacher. Tsk, ano bang klaseng babae ang mga ito. Ang ayoko sa lahat, walang galang.
Napangiwi ako, habang pinapaikot yung ballpen na nakaipit sa mga daliri ko.
"Good morning ma'am sorry we're late," sabi nung dalawang babaeng nakayuko.
"Sorry ma'am, na late po kami. Di na po uulitin," malumanay namang sumunod yung dalawa pang babae.
Tumango lang si Miss Lazaro na wala nang nagawa kundi paupuin na yung apat na babaeng bumati sa kanya.
Yung babaeng nakasumbrero na lang ang natirang nakatayo malapit sa may pintuan.
Wala ba siyang balak bumati? Simpleng bagay hindi pa magawa. Putcha, attention seeker.
"You, wala ka bang balak tanggalin 'yang sumbrero mo? Di kayo nag enrol sa university na 'to kung ganyan lang din naman kayo umasta dito. Tanging respeto lang ang gusto ko makita sa inyo kapag nandito na ako sa klase ko, hindi mo pa magawa?" hindi pa rin nagbabago yung tinis niyang boses.
Pathetic girl! Hindi pa ba siya magsasalita? Nakatuon na sa kanya lahat ng mga atensyon namin oh. It's been 25 minutes na ang nakakain mong oras, nakakaperwisyo na siya at sana makaramdam siya.
Nakayuko lamang siya. Ang tigas talaga ng ulo nito, isang greet lang sa matanda woy! Nakakadistract ka sa klase alam mo ba yun?
"If that's the case, alam mo bang ayoko sa mga estudyanteng ang aangas? Freshman ka palang ganyan ka na katigas, step out." naiinis ang mukha ni Miss Lazaro sa babae.
Maya't maya ay dahan dahan tinanggal ng babae ang kanyang sumbrero at tinignan si Ms. Lazaro, bagay na mas kinainisan ko.
Pasimple kasi nitong nginitian ang teacher namin ng nakakaloko. Grabe! Ang lakas talaga ng loob.
"Sorry ma'am."
Napapailing nalang ako sa mga nangyayari. Ano nalang ang magiging buhay ng klaseng ito kung may mga classmates akong ganito? Pambihira talaga. Idadagdag ko na itong mga preskong lalaki, itong tigasing mga babae, pati na rin si Mae na bungangera. Kalbaryo nga talaga. Kalbaryo nga talaga ang buhay estudyante. Hays.
"What's your name?" tanong ni Ms. Lazaro sa babae.
Napatigil siya ng ilang segundo, tinginan lang kami sa babae na tila ba inoobserbahan namin siya. Sa totoo lang ang ganda ganda nya, ang cute cute ng mga mata. Nakakadistract langyung pagiging boyish nya.
Tomboy ba talaga 'to?
"My name is Pipay po. Pipay Esperanza." sabi nya ng nakabusangot ang mukha.
Teka? Esperanza? Apelyido ni Mommy yun ah? Malayong magka mag-anak sila kasi di naman ganyan katigas si Mommy. At isa pa, ang baduy ng pangalan niya, pero siyempre bumagay sa kanya.
Napapaisip na talaga ako sa babaeng ito. Sino ba talaga siya? Ano ba meron sa kanya bakit nagkakaroon ako ng interest para kilalanin siya?
"Okay sit down Pipay. Maghunos-dili ka sa mga galaw bawat pagpasok mo sa klase ko ha? Kasi hindi lang ako basta basta professor na iba-bypass niyo lang. Kahit sabihin niyong napakaaga pa para sabihin ko ito, pwedeng pwede ko na ngayon kayong ibagsak." mungkahi naman ni Ms. Lazaro sa kanya.
Bigla ako napatawa ng malakas.
Ewan ko, bumulaga nalang kasi sa isip ko yung pangalan niya, may naalala lang kasi akong kapangalan niyang puro kapalpakan ang alam.
Tumahimik ang paligid. Tumingin ang mga classmates ko sa akin na tila ba nagtatanong kung ano ba itong pinagtatawanan ko.
"Bakit ka tumatawa Mr? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" tanong agad ni Ms. Lazaro sa akin.
"Hahahaha kase ma'am ampangit ng pangalan nya hahahaha, Pipay." sabi ko naman na halos diko na masabi ang sasabihin sa sobrang tawa ko.
Damn! Ano ba itong pinasok ko, nakakagago alam mo iyon? Para akong bata kung kumuntyaw sa kapwa ko. Pambihira.
Pero parang naintindihan din naman ng mga classmates ko ang nais kong ipahiwatig sa kanila kaya napatawa din sila. Nakipagsabayan sila sa tawa ko.
Ang jologs kasi diba? Pipay? Nasa mundo na tayo ng modernong panahon pero tila ba napag-iiwanan pa rin siya? Bagay na bagay talaga sa kilos nya, kung ano yung kinatigas niya ay siya rin ka kikay ng pangalan niya. Putcha.
Habang tawa ako ng tawa, naaninag ko ang tao sa harapan ko. Nabigla ako kasi ang sama ng titig niya sa akin.
Patay ako nito. Si Pipay.
Natahimik ako at nahiya. Lalo akong natakot nung hinablot nya ang kwelyo ng damit ko at hinila ako patayo sa kinauupuan ko bagay na ikinagulat ko ng todo. Nabarado ang lalamunan sa kaba.
"Nakakatawa ba? Nakakatawa ba?" tanong niya sa harap ng mukha ko na nanlilisik ang kanyang mata sa akin.
Di ako makaimik, tanging mata ko lang ginagalaw ko kasi sa sobrang pagkabigla ko ay medyo nakaramdam ako ng takot.
Di ako nakapagsalita, napailing lang ako sa harapan niya ngunit hindi pa rin binibitawan yung kwelyo ko.
"Sa susunod na pagtawanan mo pangalan ko. Papatayin kita" sabi nyang pabulong sa kanang tainga ko saka unti unti niyang binaklas ang pagkakahawak sa kwelyo ko. Pinaupo niya ako ng may pwersa.
Ha! Anlakas nya!
Natakot talaga ako, ano ba meron sa babaeng to? Bakit ganito to katigas? Maysa demonyo ata itong lakas eh.
"Enough!" pagpigil naman ni Ms. Lazaro sa amin.
Natahimik ang buong klase. Nagulat sa ginawa sa akin nung Pipay na yun. Nakaasar! Humanda ka, pinahiya mo ako ha. Humanda ka talagang Pipay ka. Ngayon na ba talaga magsisimula yung kalbaryo ng buhay ko?
itutuloy...
© remrem