Tinignan ko yung mataas na building kung saan nagtatago ngayon ang impostor na nightmare.
[ Sa parking lot ka dumaan tapos umakyat ka sa fire exit kasi walang cctv doon ]
Naglakad ako patungong parking at iniwasan yung mga cctv camera na sinasabi ni chloe.
[ nasa 15th floor ang kwarto niya , kasalukuyang kumakain siya ngayon]
Inakyat ko hanggang 15th floor mabuti na lang at sanay ako sa ganito, sa ilang taon ko ba namang pagtatrabaho lagi akong naglalakad at tumatakbo. Pagkarating ko ng 15th floor ay palihim akong sumilip sa pinto ng fire exit para macheck sino ang mga tao sa hallway at hindi nga ako nagkamali dahil may mga pulis.
[ padaan na si nine ]
May onting uwang yung pinto kaya sumilip ako. Nakita ko si Nine na nakapangjanitor na damit at may tinutulak na cart. Binuksan ko pa ng kaunti yung pinto, sakto para magkasya ako. Nang tumigil siya sa tapat ko padapa akong gumapang papasok sa loob ng cart. Naaninag kong binuksan niya ang pinto ng fire exit at umarte na parang may sinisilip. Maya maya ay naramdaman kong umandar na kami . Matapos ang ilang minuto ay tumigil kami , hinitay ko ang pagsenyas niya , siguro ay binubuksan na niya ang pinto.
Nilusot niya ang kamay niya sa loob ng cart at sumenyas na okay na. Binuksan niya ang pinto at pagulong akong pumasok tapos agad kong sinara ang pinto ng walang ingay.
[ may cctv na nakalagay sa may frame katapat ng pinto. Buti nalang at nacopy ko ang itsura ng room para habang nakahacked ang system nila ito ang lalabas. ]
Hindi niya pwedeng ihack kapag may mga taong gumagalaw kasi ang mangyayari paghinack niya ang cctv magiging all black or maooff at magtataka sila kung bakit naging ganun , malaki ang chance na malaman agad na hinack, pero kung ganito kwarto lang o isang tao lang icacapture niya , copy image then pag hinack yun ang ididisplay niya, but it will only last for 5 mins or less I guess.
Tumayo ako at nilibot ko ng tingin ang buong kwarto. Maliit na kwarto lang ito, para na ring kulungan kasi may maliit na kama tapos lamesa at upuan yun lang. Walang kabinta bintana. Hindi pa siya kinukulong sa kulungan mukhang dahil ay iniimbestigahan pa siya kaya dito muna siya nilagay. Malapit din ang kwartong ito sa interrogation room.
[ times up , bumalik na ang cctv ]
Bigla akong may narinig na yabag kaya bumalik ako sa pwesto ko at sumandal sa pader. Tinansya ko kung hanggang saan ang sakop ng cctv. Tutal naka all black ako kaya hindi ako masyado kita.
Bumukas ang pinto at pumasok siya nang hindi ako napapansin. Agad ko siyang hinila sa pagilid at dinala sa pinakasulok ng kwarto kung saan hindi na abot ang cctv. Tinakapan ko rin ang bibig niya para hindi siya makapag ingay.
[ naayos na ni nine ang circuit ng ilaw diyan ]
Pilit na nagpupumiglas ang babae pero mas malakas ako sa kanya. Kinuha ko ang kutsilyo sa likod ko at tinutok sa tagiliran niya, naestatwa naman siya nang maramdaman ito. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.
"Akala ko ba ikaw si nightmare , eh bakit parang takot ka mamatay?"
Diniinan ko ang kutsilyo ng onti , tumagos na ito sa damit niya at dumadampi na ito sa balat niya.
"Alam mo bang masamang magsinungaling?"
Medyo nararamdaman kong nanginginig na siya, kaya tinanggal ko ang kamay kong nakasuot ng gloves na na nakatakip sa bigbig niya . Lagi naman akong naka black leather gloves kapag may missions. Para walang bakas ng fingerprints.
"Subukan mong sumigaw"
Kinuha ko ang poison dart gun ko at tinutok sa ulo niya tapos binaba ko ang kutsilyo at tinago.
"Kilala mo na ba kung sino ako?"
Tumango siya, napangisi naman ako.
"Nightmare"
Napatingin kami sa pumasok. Sinubukan niyang buksan ang ilaw pero di gumana kaya napangiti ako.
Lumapit siya ng onti samin.
"Detective tulungan mo ko!", sigaw ng babaeng hawak ko. Napakunot noo ako ng ngumiti siya.
[ sh*t ! Sorry nightmare hindi ko nakita na paparating si Detective Kyron , naihi kasi ako ! , wait ilock ko ang pinto. Ihahack ko na rin ang system ]
"Sabi na nga ba't darating ka"
"A-alam mo detective?"
Hindi makapaniwalang sabi ng impostor. I knew it. In fairness, he's not that stupid at all.
"Bitawan mo na siya at ako ang kausapin mo"
Tinignan ko lang siya at hindi sumagot. There's no way I'm going to talk to him.
[ Nightmare parating na ang mga pulis. You need to get out of there. ]
Hinila ko papalapit saakin ang babae at bumulong sa tenga niya.
"bawiin mo ang sinabi mong ako , ikaw. Because you will never be me. Our first meeting will be a warning , sa susunod papatayin na kita"
Tinulak ko siya papunta sa detective at binaril silang dalawa.
"AHHHHH"
"Damn"
[ the door is now open ]
Dalawang beses kong binaril si Detective Kyron para sigurado. Binuksan ko ang pinto at tumakbo sa labas.
[ nag aantay si nine sa baba , katapat ng unang salamin na bintana na makikita mo . Nacopy ko na rin ang picture mo palabas palang kaya iisipin nila na nandun ka parin. ]
Binasag ko ang salamin at tumuntong sa bintana. Tumalon ako at clinick ang belt ko. Habang bumababa ay iniiwasan ko ang mga bintana. May mga nakita akong pulis sa baba kaya agad ko silang pinagbabaril.
Dont worry they wont die. Pagbaba ko ay agad akong umangkas sa motor ni Nine at pinaandar niya ito paalis. May pulis pa na balak humabol kaso bago siya makasakay sa kotse ay binaril ko na siya.
✖✖
[ sigurado ka bang hindi muna tayo tatanggap ng clients ngayon? ]
"Yes. Antayin natin ang balita tungkol sa impostor ko. Bye.", binaba ko na ang tawag.Tinago ko ang phone ko tsaka pumara ng taxi at sumakay dito.
Bumaba ako sa isang park at bago puntahan ang kikitain ko ay bumili muna akong ice cream sa malapit na 711. Hawak ko ang dalawang ice cream habang papalapit sa isang babaeng nakaupo sa swing.
Tumigil ako sa tapat niya at inabot ang isang ice crem ngumiti naman siya sakin at umupo ako sa katabing swing.
"Pangalawang beses na kitang binibisita ah. Gagawin kong tatlo para wala ka ng maisusumbat sakin"
Napatawa naman siya ng mahina sa sinabi ko.
"Sorry sa mga nasabi ko noong nakaraan ate"
"Well , may kasalanan rin naman ako. It's a tie. Anyway , pinapayagan na kita maging detective sa isang kondisyon"
"Ano yun?"
"Wag na wag kang maiinvolve sa trabaho ko , sa mundo ko. Hahayaan kitang maging detective basta wag mo akong papakeelamanan.", mariin kong sabi halata rin ang panlalamiig sa boses ko. Ayoko talagang pinag uusapan ang trabaho ko kapag kasama ko ang kapatid ko.
"Sino ka ba talaga?"
Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya ngunit hindi siya nakatingin sakin kung hindi nakatingin siya sa mga batang naglalaro sa park.
"Parang hindi na kasikita kilala ate , bakit parang ang hirap hirap makasama ka parang laging delikado kaya kinakailangan mo laging mag disguise"
Inalis ko ang tingin ko sa kanya at tinignan ang ice cream ko.
" I am no ordinary 'cause I am a secret agent "
I am sorry Autumn kung kailangan ko magsinungaling para rin naman sa kaligtasan mo ito. Ayokong idamay ka sa madilim kong mundo.
"Secret agent"
May hint ng pagkasarcastic yung boses niya kaya napatingin ako sa kanya at ganun din siya sakin
"Di mo ba pwedeng iwan na yang trabaho na yan? Matatapos na naman ako sa pag aaral eh. Ibang trabaho nalang ate. Kasi pakiramdam ko baka magising nalang ako ng wala ka na eh"
Kitang kita ko ang pagkalungkot at sakit sa mga mata ng bunso kong kapatid. It pains me to look at those eyes.
"Hindi pwede. Hindi mo kailangan mag alala sa akin dahil kaya ko ang sarili ko , sarili mo ang isipin mo."
Wala na ganito na ako , kahit kailan hindi na ako makakabalik sa normal na buhay kasi laging mauungkat ang nakaraan ko , ang madilim kong mundo.
"Sana hindi ka nga mapahamak dahil ikaw nalang ang meron ako at sana hindi dumating sa punto na hindi na kita makilala dahil sa trabaho mo"
------------------