Chapter 8

1754 Words
Pinalaya na ng mga awtoridad si Ana Dizon ang nagpanggap na nightmare , dahil habang iniimbestigahan siya ng mga pulis ay umamin din daw na hindi raw siya ang nightmare na tinutugis ng mga pulis  at nagpanggap lamang siya. "Pasensya na po kayo kung niloko ko kayo , kailangan lang po talaga ng pamilya ko ang---" Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay pinatay ko na ang TV, dahil sa kanya napilitan akong manood ng TV . Mabuti naman at umamin na siya, natakot ata mamatay, kung magpapanggap siyang ako sana man lang maging matapang siya at hindi siya matakot sa kamatayan. Nagring yung computer ko at naglakad ako papunta doon para sagutin ito. [ back to work na !! Ready kana sa bago mong mission ? ] "Spill it" [ Mukhang madali lang naman, may susunduin kang tao sa airport bukas , siya si Michael Wilson kasalukuyang president ng  pinakamalaking kompanya sa business world. Nagpunta siya sa states dahil may business trips siya pero habang nandoon siya ay nakatanggap siya ng mga death threat  ] Karaniwang problema ng mga mayayaman. [ Siya ang presidente ng Starlight Telecommunications , Starlight technologies and isang malaking oil and gas company kaya hindi malabong maraming naiingit o may galit sa kanya. We cant risk it so I said yes already ] "What?!" [ Malaki ang makukuha natin dito besides kailangan mo lang naman ihatid si Mr. Wilson ng safe sa bahay niya. ] Napailing ako sa mabilis niyang pagdedesisyon. Mukha talagang pera itong si Chlorine eh ! Parang pera  ata tingin niya sa lahat ng tao, depensa naman niya  nagiging praktikal lang daw siya. "tsk fine ! Send me the info" [ yeheey ! Okaaay!! ] ✖✖ Taas noo akong naglakad papasok ng airport. Rinig na rinig ang tunog ng heels ko sa bawat hakbang na ginagawa ko. Nakasuot ako ng shades, wig, ripped jeans, black plain fitted shirt at mahabang blazer.  [ sa kaliwa may men in black ] Pasimple akong tumingin sa kaliwa ko at nakita ko ang isang lalaki na naka black at nakaupo habang nagbabasa ng dyaryo.  [ sa taas kanan. Ayon sa bilang ko may mga 10+ na men in black ] Sumakay ako sa escalator at tumingin sa kanan. May men in black din na nagcecellphone. Akala ko ba susunduin ko lang bakit parang  mapapasabak ako at halatang pinaghandaan nila maiigi ang pagdating ni  Michael Wilson. [ Kasalukuyan ng hinahanap ni Nine kung may sniper ]  Lumingon ako sa buong paligid at nang mahanap ko na ang hinahanap ko ay naglakad ako patungo sa kanya. Nakita kong nakita niya rin ako pero nagkunwaring hindi. Binangga ko siya. Sinadya ko yun para maabot niya sakin yung papel at agad na akong dumiretso sa CR ng girls.  Binuklat ko ang maliit na papel na inabot saakin. I'm wearing a white shirt and brown jacket then shorts. - MW Tinago ko ang papel sa bulsa ko at nagtungo na sa paglalabasan nila. Nakatayo ako sa may gilid medyo malayo sa mga men in black. Tinignan ko ang relo ko at sakto naglabasan na ang mga passenger ng eroplano. Maiigi kong tinignan ang mga tao at nang nakita kong lumabas na si Mr. Wilson ay agad ko siyang nilapitan na ikinagulat niya at kunwari binesohan ko siya pero ang totoo ay binulungan ko siya. "Lets go" Hinila ko siya paalis pero bago makalayo ay muli akong luminngon sa  mga men in black na naghihintay din, bigla nilang hinuli ang isang matandang naka formal attire. Binitawan ko siya at naglakad ng diretso. "Wag kang lilingon" Tumango siya.  [ Tatlong men in black lang yung sumalubong, marami pang nasa paligid. Nakahanda na ang kotseng sasakyan] Bumaba kami sa escalator. [ madadaanan niyo ang pinaka head ng mga men in black be careful ] Sa tulong ng contact lens ko ay madali kong nakita kung nasan siya kaya pinagpalit ko ang pwesto namin ni Mr. Wilson para ako ang mas malapit kapag dinaanan namin siya. Ramdam ko ang tensyon ng katabi ko habang papalapit kami. Dire-diretso lang kami at dinaanan niya pero nagulat ako nang bigla niyang hinawakan sa kamay si Mr. Wilson "Wait." Walang pasabi niyang tinanggal ang shades ng matanda at hood nito na nagpalitaw  sa kabuuang mukha nito. Shoot.   "He's here--" Agad kong winaksi ang kamay niya na nakahawak kay Mr. Wilson kaya nabitawan niya ito.  "Run", sabi ko kay Mr. President at agad naman siyang tumakbo at sumunod ako. Rinig na rinig ang takong ng sapatos ko habang tumatakbo. [ Nightmare sa taas ] Mabilis kong kinuha ang baril ko tsaka binaril ang nasa taas. Tumingin ako sa likod at  nakita kong dumami na sila. "Hey mister!", sigaw ko doon sa matandang Presidente, lumingon siya sakin at hinagis ko sa kanya  ang baril ko,  nasalo naman niya ito. Ngayon binuksan ko ang bag na dala ko at kinapa ang oil bottle sa loob. Kinuha ko ang tatlo at binuksan ito lahat tapos ay pinagulong ko ito sa lapag kaya kumalat ang langis sa sahig. Maraming men in black ang nadapa pero matibay ang leader. Malapit na kami sa parking nang makita kong bumunot ng baril ang leader nila kaya agad kong hinila sa harap ko si Mr. Wilson at pinayuko , mabuti na lang mabilis ang reflexes ko kaya hindi kami tinamaan ng bala. [ May mga nag aabang din sa parking ] Pagpasok namin ng parking ay agad nila kaming pinaulanan ng bala buti nalang ay nakaiwas kaming dalawa at nagtago kami sa likod ng kotse. Damn it ! Bakit  parang masyado silang marami.  "How many are they?" [ hmmm , less than 10 ... 5 sila kasama ang leader at isa pang men in black ]   Hinubad ko ang heels ko at pinalitan ng boots na may lumalabas na patalim sa gilid nito. Sinuot ko rin ang mask ko sa bibig at tinanggal ang shades ko. Tanging mata ko lang naman ang makikita dahil full bangs ang wig ko. Sinuot ko rin ang hood ng mahaba kong blazer. Pinaliguan ko ng gas yung bag ko at sumilip , saktong lumingon ang tatlong lalaki kaya agad kong binato sa kanila ang bag ko nasalo naman nila , naghagis din ako ng bukas na bote na may gas at nabasa sila nun sunod kong binato ang dalawang lighter na nakasindi. Tumama ito sa bag ko at nagliyab ito kasama ang dalawang may hawak at mabilis ko silang pinagbabaril. Sinenyasan ko naman si Mr. President  na tumayo na at tumakbo sa kabila. Sinunod naman niya at sumunod ako sa kanya. Akmang may babaril sa kanya pero inunahan ko ito. Napasandal kami parehas sa likod ng kotse dahil sa dami ng bala na pinapaulan nila. Napatingin ako kay Michael Wilson na mariin na nakapikit. "I don't want to die", nanginginig niyang sabi. "You wont.", paninigurado ko sa kanya at napadilat siya.  "See that car?" Tinuro ko ang itim na kotse. Pansin kong dumarami rin ang kalaban na para bang nagtawag pa ng back up.  "Sumakay ka diyan , here's the key. " "P-pano ka?" "I'll distract them." Halata sa mga mata niya na nagdadalawang isip siya pero tinanguan ko lang siya at tumayo na kinuha ko ang dalawa kong baril at inasinta sila isa isa. Tumalon ako sa may harap ng kotse at tumakbo habang binabaril sila. Pagtingin ko sa kotse na sasakyan ni Mr Wilson ay bukas ang pinto pero walang tao. Hinanap ko ang presidente at nakitang sinakay na siya sa loob ng itim na  van. Kinuha ko ang pistol ko at  hinabol ang van.  "Lock the gates or something Chloe", sabi ko habang binibilisan ang pagtakbo at nagshort cut para maabutan sila. [ Im trying but they're blocking our system. Ill find another way ] "Damn it" Binaril ko ang gulong hanggang sa naubos na ang bala ko. Bigla namang may bumaril saakin mula sa likod at tinamaan ang braso ko. Nilingunan ko siya at binato sa kanya ang baril ko. Sakto sa ulo at tumumba ito. Binato ko rin ang isa pang baril at kinuha ang nakasabit na dalawang double barrel pistol ko sa loob ng blazer ko. Tinalunan ko ang mga kotse at nang maunahan ang van ay tumigil ako sa harapan nito. Ilang metro nalang at parating na ang Van kaya hinanda ko ang baril ko , nang medyo malapit na ito ay pinagbabaril ko ang gulong kaya tumigil ito. Inasinta ko rin ang driver at nasa tabi nito.  [ Nandyan na si Nine dala ang kotse ] Tumakbo ako at binuksan ang van. May bumungad na  sipa sakin pero naiwasan ko ito. Inatake ko sila at ganun din sila sakin, hanggang sa  maubos ko na ang mga men in black at natira na lang ang leader nila na may hawak kay Mr. Wilson "Say goodbye now", sabi nung leader habang nakatutok ang baril sa ulo ng president. "Please wag mo kong patayin." Pagmamakaawa nito. Napadura ako ng dugo at hinawakan ang braso kong nadudugo dahil sa tama ng baril.  "Goodbye" Napatingin kami sa babaeng nagsabi nito.  "Put that damn gun down or you'll say goodbye to this world" Napasmirk ako ng agad nga niyang binitawan ang baril. Takot din pa lang mamatay. Sinipa siya ni Nine kaya napaluhod ito. Binaril ko siya ng tuluyan. Pinasakay naman ni Nine sa kotse ang President at sumakay din siya sa driver's seat. "Lets go Nightmare", sabi niya at inaantay akong sumakay sa tabi ng driver's seat. Lumingon ako sa palagid. "Go" Nagtaka siya sa sinabi ko.  "May aasikasuhin pa ako" Malamig kong sabi tapos sinara ko ang pinto at pinaandar niya na ang kotse. "Tell nine na wag siyang babalik" [ Bakit anong nangyayari Nightmare? ] Tinanggal ko ang earpiece ko at tinapakan ito. Ginamit ko ang natitira kong bala para butasin ang gulong ng itim na van na mabilis ang patakbo at mukhang hahabulin pa sila Nine. Biglang bumukas ang pinto nito at nagpaulan ng bala saakin. Agad akong tumalon papunta sa likod ng kotse pero tinamaan ang likod ko at hita.  Napasandal ako sa kotse. Kinuha ko ang kutsilyo na natitirang sandata ko, in-on ko rin ang kutsilyo sa boots ko. Pinilit kong tumayo kahit duguan na ako at nilabanan sila. Natatamaan ko sila pero nasusuntok din nila ako. Kahit hinang hina ako nagawa ko pang tumalon at pinatama ang boots ko sa leeg ng dalawang men in black kasabay nito ang pagbaril sakin muli sa likod kaya bumagsak ako at sumuka ng dugo.  Onti onting nanlabo ang paningin ko at tuluyan na akong kinain ng kadiliman. ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD