"I know what you did? Maaari kayong mapahamak sa ginawa ninyo, alam n'yo ba 'yon?" ito ang naging bungad ni Alex sa dalawa. Tumikhim siya nang makita ang dalawa na saglit na nagkatitigan, halatang may itinatago. Tiningnan ni Jacob si Natasha na para bang sinasabi nitong Hindi ka dapat magpahalata. "Sorry, Sir. Hindi po namin nagawa ang ass..." "Stop the non-sense, Jacob!" Hinampas ni Alex ang kanyang mesa sabay titig sa dalawa. Halos lumabas ang ugat nito sa galit dahil alam niyang nagmamaang-maangan ito at nais pagtakpan ang ginawang kalapastanganan sa kanya. "Kung ang ibang teachers dito nabibilog mo ang ulo... ibahin mo ako,"pabulong ngunit nanggagalaiti nitong wika na parang may pagbabanta. "Sir, ano po bang ibig n

