Hindi pa rin malilimutan ni Isko ang nangyari matapos ang ilang dekadang nakakalipas. Bakas pa rin sa isipan niya kung paano binawi ni Lucero ang buhay ng kanyang mga magulang sa harap niya. Hindi biro mawalan ng magulang, ilang taon niyang binuhay ang sarili ngunit hindi siya sumukong pag-aralan ang mga pamamaraan kung paano maitataboy ang mga masasamang kaluluwa at kung ano-ano pang elementong gumagala sa paligid. Inalam niya ang iba't ibang dasal na maaring makapagtaboy sa mga ito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang itaboy ang demonyong si Lucero. "Hindi siya nararapat sa lupa, ang demonyong katulad niya ay dapat nasa impyerno," wika niya sa kawalan. Kaakibat ng mga salitang iyon ang paghihiganti. Halata sa mga mata nito ang nag-aapoy na d

