“We have an immersion this coming month.” Ito ang bungad ni Keeno sa kanyang klase. Nagulat ang lahat. Ang iba ay excited habang ang iba ay nawalan ng gana. Alam kasi nilang kapag sinabing ‘immersion’ ay walang kahit na sinong p’wedeng gumamit ng gadgets at limitado lang ang galaw. Taon-taong nagkakaroon ng immersion ang paaralan. At dahil nasa senior year na sila ay may mga aktibidad na silang ginagawa. Masaya naman ang immersion para sa karamihan ng mga mag-aaral doon. Nakakahalubilo nila ang iba pa nilang kamag-aral sa ibang section. Nakakaramdam din sila ng kalayaan sa mga magulang nila kapag may mga ganitong gawain ang eskwelahan. Subalit hindi ito kasiya-siya sa iilan sapagkat hindi sila sanay ng walang gadget na kinakalikot sa buong araw. ‘Hindi maganda ang pakiramdam ko sa man

