Habang nasa kalagitnaan ng pag-uusap ang tatlo ay nakaramdam sila ng kakaibang komosyon na nanggagaling sa taas ng bahay. Tila ba hindi may mga nagtatakbuhang mga nilalang sa pangalawang palapag ng bahay at panay ang yabag ng mga paang hindi matahimik. Senyales na may mga kaluluwa na namang hindi matahimik sa bahay na iyon. Sabay-sabay gumawi ang mga mata nila sa itaas. Nabalot ng takot ang paligid dahil sa mga nangyayari. "Anong nangyayari?" Napakapit si Natasha sa braso ni Jacob habang si Jacob naman ay hinawakan ang nanginginig na kamay ng dalaga. "Hindi na naman sila matahimik," turan ni Melinda. Ganito ang nangyayari sa tuwing tumatanggap siya ng bisita sa bahay na iyon. Noong bagong lipat sila sa bahay na iyon ay ginambala na sila ng mg

