Chapter 39

2513 Words

             "Nandito na tayo." Ito ang bungad ni Natasha sa kaibigang si Jacob nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Matthew. Napakatahimik pa rin ng kapaligiran tulad ng dati. Ngunit ang katahimikang iyon ay hindi pangkaraniwan. Tila ba nagbabadya ito ng hindi kaaya-ayang pakiramdam na kinatatakutan ng lahat. Ilag ang mga tao sa lugar na iyon sa bahay na kinaroronan nila. Nagtataka nga sila kung bakit nagagawa pang makatira doon ni Melinda kahit pa napakadelikado na para sa buhay niya ang mamuhay sa lugar na iyon. Lahat kasi ng tao sa compound kung saan naroroon ang bahay nina Matthew ay iniiwasang daanan ito sapagkat maraming masasama at ligaw na kaluluwa silang nakikita. Ayon pa sa mga kuwento ng kapitbahay na malapit sa kinatatayuan ng tahanan ay kapag daw nadaraanan nila a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD