Balisa at litong-lito ngayon ang isipan ni Wesley. Hindi niya alam kung paano niya ibabangon ang sarili mula sa lusak na kinasadlakan. Nakararanas na naman siya ng depresyon na ani mo'y ayaw siyang pakawalan. Matapos magpakamatay ni Miss Tiffany ay hindi pa rin mawala sa kanyang isipan na siya ang may kagagawan ng lahat. Hindi lang si Matthew ngayon ang kalaban niya. Maging ang sarili niya ay tila ba inuusig siya. Paano niya malalagpasan ang ganitong sitwasyon ngayong mas lalong lumalala ang sitwasyon? Sa pagmulat niya ng mga mata ay tiningnan lang niya ang kawalan. Hindi inaalintana ang ingay na nagmumula sa labas. Mabigat pa rin ang kanyang pakiramdam. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng kakaibang bigat pagkagising sa umaga. Naramdaman na

