"Mama, ako ito. Si Matthew." Laking pagtataka ni Melinda sa nasambit ng binatang bumungad sa kanya. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi nito. "Hijo, wala akong panahong makipaglokohan. Kaya kung maaari lamang ay huwag mo na akong guluhin. Marami akong pinoproblema." May inis sa tinig ni Melinda dahil hindi niya alam kung saan nakuha ng binata ang ideya na siya si Matthew. Akma sanang isasara niya ang gate ngunit mabilis itong hinarangan ng binata na parang sinasabing huwag mong isara. "Mama, ako talaga ang anak mong si Matthew. Maniwala ka naman," pagpupumilit ng binatilyo. Ano naman kaya ang pumasok sa isipan nito at sinabi niya na siya si Matthew? "Matagal nang patay ang anak ko, at hindi mo siya kamukha para magpanggap ka

