bc

Between your lies

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
one-night stand
family
HE
age gap
kickass heroine
heir/heiress
loser
detective
harem
like
intro-logo
Blurb

Zyra Iziah Fuentes is a hard working girl, although her life is really unstable. Hence, Raim Denz Alforque wants to create something between them. What would be his intention? Raim wants to do something with her, and not just a simple but deepest secret that he have.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
ZYRA “UMALIS NA KAYO RITO! hindi na kayo nagbabayad ng dapat bayaran!” sigaw nong ale sa amin ni ina at kapatid ko. lumapit yung mama ko sa ale at lumuhod sa harap nito saka hinawakan ang mga paa. “pasensya na po, mag babayad po kami ngayong katapusan—” napatigil sa pagmamakaawa ang aking ina nang itulak siya nito. Hindi ako maka galaw at at halos galit ang nasa puso’t isip, bakit ba sila ganyan? bakit may mga taong walang awa at walang puso. Hindi naman nila kailangan saktan yung tao mapa-alis lang. “Ano ba, Aling Mariyah! Tama na po, maawa po kayo samin. Hindi niyo naman ho kailangan manakit!" nilapitan ko si mama at niyakap saka siya pinilit na tumayo. "Sawang sawa na ako sa hindi pagbabayad ng mama mo, Zyra! Lagi na lang siya nangangako pero mangangako nanaman ulit pag oras na, hindi rin naman makatarungan yon!" sigaw niya pabalik saakin habang naka hawak sa ulo na para bang na sstress. "Ma, tayo na po. Aalis na lang tayo, please" pagmamakaawa ko kay mama. "Kung ako say Zyra, kayang kaya mo magka pera nang walang kahirap-hirap. Jusko, eh yang nanay mo na matanda na" sabi nito at iniwan na kami. Anong ibig niyang sabihin? "Wag kang makinig sakanya, Anak. Kaya ko pa magtrabaho para satin—" Hindi ko siya hinayaang ipagpatuloy yung sasabihin niya. "Ma, hindi mo pwedeng ipilit ang sarili mo! Kailangan na lang natin maka-hanap ng mapupuntahan ngayon, saka ako magtatrabaho para makapag ipon nako, bibigyan ko kayo ng magandang buhay ma. Pangako yan." niyakap ko si mama at tinignan ang kapatid kong umiiyak din. "pangako" ITO na ata yung bahay na sinasabi ng kaibigan kong si Dianne. Tinignan ko ang telepono kong luma na rin saka ko tinawagan si Dianne, sumagot naman agad siya. "Hello, Zyra? Andyan ka na ba?" tanong nito. "Oo andito nako, maraming salamat talaga ha. Wag kang mag alala kapag nakapag trabaho nako, babawi ako sayo. Pansamantala lang din to, pag naka ipon nako lilipat na kami." masayang sabi ko sakanya. "Naku! Wala yon, tsaka lumang bahay na rin naman namin yan dyan. Pasensya na kung yan muna ang maaalok ko, malayo kasi ako ngayon at yan lang yung lumang bahay namin." Pagpatawad niya. "Ako nga dapat hihingi ng pasensya dahil nang-istorbo pako sayo. Walang problema yun, Dianne. Kami na bahala rito, maraming salamat talaga ulit." "Sige, walang anuman. Aalis na muna ako ha, mag ingat kayo" paalam niya, nag paalam na rin ako. Si Dianne yung kaibigan ko since elementary, lagi kami magkasama nun. Para na rin kaming magkapatid kung magturingan, siya rin yung kaisa isahang pinagkakatiwalaan ko. Malaki talaga ang pasasalamat ko sakanya, lalo na sa tuwing nahihirapan ako at andyan siya para gumabay sakin. Kaso, umalis sila at pumuntang Manila kaya't nagkahiwalay na kami ng landas, pero naguusap pa rin naman kami kahit papaano. "Tara na ma, linisan na muna natin yung loob" Papasok na sana ako nang pinigilan ako ni mama. "Salamat talaga anak, pasensya na kung nagiging walang kwentang ina nako sainyo. Pasensya na” yumuko ito, para namang gumuho ang mundo ko sa sinabi ni mama. "Ma, hindi ka walang kwenta. Andami mong ginawa para saamin ni Zyriel bilang ina, at para sakin sobra sobra yun. Kaya wag ka magsalita ng ganyan ma. Oras na rin para kumayod ako para satin" Nginitian ko siya at niyakap. "salamat anak" KAKATAPOS lang namin maglinis at nagpahinga na, hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin basta sigurado akong hahanap ako ng trabaho para samin. "Anak? nakausap mo na ba ang kuya mo?" biglang tanong ni mama. Napatitig ako sa telepono ko sa mesa nang walang emosyon. "Hindi na siya interesado sa atin, Ma. Yun yung totoo, iniwan niya na tayo kaya hindi na natin siya kailangan" Saka ako tumayo at pumasok sa isang kwarto. Humiga ako sa kama at inisip lahat. May isa pa kaming kapatid, si kuya Zyren. Matagal na siyang umalis para mag abroad, at simula noon pinabayaan niya na kami. Malaki ang sama ng loob ko sakanya, andami niyang pinangako samin pero hindi niya naman pala tutuparin. UMAGA na nang magising ako, dali dali akong naligo at nag bihis para pumuntang school. Simula bukas ng umaga, maghahanap nako ng trabaho. Pinuntahan ko ang kabilang kwarto kung saan natutulog si mama at si zyriel. Bata pa lang si zyriel at hindi pa nag aaral, pero kapag nakapag ipon nako ay pagaaralin ko siya. Pinaglutuan ko muna sila bago ako umalis ng bahay, agad agad ako bumyahe papuntang school. Bale malayo rin yung skwelahan na pinagaaralan ko, mga ilang minuto yung byahe bago ako makarating doon kaya maaga talaga ako gumigising. Inip akong nagaantay ng jeep, baka late nako. Kaya nang may dumaan na bus ay yun nalang ang sinakyan ko, yung pupuntahan din naman neto ang pupuntahan ko. Umupo ako sa dulo, kalaunan ay marami ang sumasakay sa bus. Nilapitan ako ng conductor at tinanong kung saan ako, nagbayad na rin ako sakanya. May nakita akong matanda kaya tumayo ako agad. "Lola, dyan na po kayo sa upuan ko" alok ko sakanya at ngumiti. "ay jusko, maraming salamat apo" dahan dahan itong umupo. Uupo na rin sana ako sa tabi ni lola nang may nakita akong buntis, napasinghap ako at kinalabit ko yung ale. "U-uhm, kayo na po umupo rito" alok ko sakanya. "Maraming salamat, ija" pasalamat nito, nginitian ko na lamang din siya. Lumakad ako ng kaonti sa may likod upang doon nalang tumayo. Nagmumuni muni lang ako upang hindi ko mapansin na nangalay yung paa ko. Napapikit ako sa amoy ng katabi ko nang bigla itong sumulpot. Anlakas ng amoy niya, pero mabango siya. Tinignan ko yung tao na yun at muntik nako matumba nang naka tingin siya sakin. Mukha siyang iritable at hindi komportable kung nasaan siya ngayon. Tinignan lang ako nito saglit at umiwas na agas ng tingin. Gwapo nga pero parang suplado naman. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin nalang sa labas ng bintana. Bigla naman na huminto yung bus, na out of balance ako at hinintay ang pagbagsak ko nang may humawak sa bewang ko at hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng railings upang maka kapit pa rin ako. Nagulat ako nang makita ko yung mukha ng lalake kanina. Hawak hawak niya yung bewang ko at kamay ko sa itaas, para bang humihinto yung oras at kami lang yung nasa loob ng bus. Ano ba tong nararamdaman ko. Nagulat ako nang pinisil niya ang bewang ko, agad akong napa layo sakanya. "T-thankyou" tanging nasabi ko at umiwas ng tingin, ramdam ko naman yung titig niya. Walang nagsalita ni isa samin, kahit na tumingin ay nahihiya ako. Bakit nga ba ako titingin? baliw din ako eh. Kumonti na rin ang tao sa bus at nang makarating nako ay agad akong tumakbo palabas at tinakbo yung hallway papuntang gate. "Magandang umaga po, manong guard!" bati ko habang tumatakbo nang makapasok nako sa loob ng school. "Magandang umaga ineng! Malapit ka na ma late!" sigaw nito, nag wave lang ako at tumakbo sa building namin. "Uy, zyra! Goodmorning" bati ng isang kaklase ko. "Goodmorning" bati ko. Umupo ako sa upuan ko at hinabol ang hininga ko. Grabe yung takbo ko papunta rito, malaki pa naman yung school namin. "Uy, zy! tinatanong nga pala ni Xian kung saan ka mag kokolehiyo" biglang tanong saking ng katabi kong si Lester. "h-huh? ah....hindi ko rin alam eh, hindi ko nga sigurado kung makakapag kolehiyo ako" nginitian ko siya nang mapait, ramdam ko naman yung pagka dismaya niya at awa sa kanyang mukha. NATAPOS na ang klase at maglilinis na sana kaming lahat nang pumasok ang adviser namin tsaka niya kami pinatigil saaming gagawin. "Class, someone will alternate me while I'm not be able to teach you. He's also gonna be the one to be your adviser and will take care for all of you while I'm still not here. So don't be worry" and then umalis na siya, napuno ng bulong bulungan yung classroom namin. "Hala, sino kaya yun?" "Hindi ko alam eh, pero lalaki ata pagkarinig ko" "talaga ba? sana pogi, haha!" "oonga!" napa iling naman ako at naglinis na, hindi naman ako interesado kung sino pa yan basta't makakaturo siya nang maayos samin ayos na yun. Lunes pa naman, may dalawang araw pa. Agad na akong umuwi pagkatapos kong maglinis, naghihintay na nga kasi sila mama doon for sure. Pagkauwi ko naman ay sinalubong ako ni Zyriel, wala raw si mama at naghanap ng matatrabahuan. Napaupo naman ako at napahawak sa ulo ko. "Diba sabi ko bantayan mo si mama, alam mo naman hindi mapakali yun nang walang ginagawa eh" sabi ko sakanya. "Kakausapin ko nalang siya mamaya, magluluto muna ako para may makain na tayo" Tinignan ko yung basket ng pagkainan namin, malapit ns maubos yung mga gulay. Kailangan ko na talaga makapag hanap ng trabaho bukas. SABADO na at gumising ako nang maaga para mag handa, aalis ako ngayon para maghanap ng trabaho. "ma, alis nako!" paalam ko at umalis na. HALOS maligo nako ng pawis kaka lakad kung saan ako makakapag apply ng trabaho, maraming hindi pa required dahil hindi pa ako nakakapagtapos ng pagaaral kaya halos libutin ko na ang lugar namin. Nanghihina akong umupo sa tabi at uminom ng tubig ko na paubos na rin. "Kapagod" tanging nasabi ko habang aka upo. Nakapikit lang ako nang may naramdaman akong taong umupo sa gilid ko. "Ano yan te? feel the init? pagod yarn?" isang bakla ang nakangiti sakin. napatingin naman ako sa paligid ko kung ako ba yung sinabihan niya. "Oonga, ikaw!" biglang sabi niya kaya napalayo ako ng konti. "b-bakit?" tanging nasabi ko. "wala lang, naghahanap ka ng trabaho?" tanong nito. Ang weird na bigla na lang siyang susulpot tapos magtatanong ng kung ano hinahanap ko. Taka ko pa rin siyang tinanguan. "Hindi ka ba tinatanggap? alam mo sis, ganyan din ako dati. Pasok ka na lang kaya sa pinagtatrabahuan ko?" Nagliwanag naman bigla ang tenga ko sa narinig. "t-talaga ba?" tanong ko na di makapaniwala. "yes, te sa bar" napatigil naman ako sa sinabi niya, parang ayaw lumabas ng sasabihin ko sa bibig ko at naka nganga lang ako sakanya. "grabe ka mag overthink! hindi naman stripper mhie, waitress lang" biglang sabi niya at tinawanan ako, mukhang nabasa niya nasa isip ko. Parang nawalan ng tinik yung lalamunan ko sa sinabi niya. "s-seryoso ba yan? pwede na ba magsimula ngayon?" tanong ko sakanya. "ay g na g makahanap ng trabaho, i try natin. punta tayo doon at sabihan amo ko. kulang din kasi kami doon eh kaya goods na nakita kita" paliwanag niya, tumango lang ako nang tumango. NAKAPUNTA na kami sa bar na sinasabi niya, parang nagdadalawang isip ako pumasok kasi nga bar to hindi pa ako nakakapunta sa mga ganitong lugar, ngayon lang. "Oh? tara na" hinila niya ko paloob at halos mawalan ako ng tenga dahil sa ingang ng music nila, may nag babar pa rin pala sa oras na to? akala ko gabi lang. Ramdam ko yung tingin ng mga tao kaya sinundan ko na nang mabilis si Iza, yun daw yung pangalan niya. Nakapasok na kami sa isang room at buti nalang dito hindi na masyado malakas yung music. "Hellaur, ma'am! May na recruit na po ako. She's Zyra!" hinarap ako ni Iza at kaway kaway pa yung dalawang kamay niya na nakaturo sakin. "h-hello po" nag bow ako kasi hindi ko na alam ano susunod na gagawin ko. "Ilang taon ka na, ija?" biglang tanong nong hindi naman masyado matanda na babae na nasa harap ko. "T-turning nineteen po this year" tanging nasagot ko, nakakatakot kasi siya tumingi, parang mangangain. "ah, hindi na minor. sige pasok ka na" biglang sabi niya, nagliwanag naman ang mga mata ko sa narinig. "T-talaga po? salamat! pwede na po ba ako mag simula ngayon?" tanong ko sakanya, tinignan niya si Iza na parang may pinaparating, bigla naman itong ngumigi at tumango saka umalis yung babae sa harap namin. "Pak teh, pwede na ngayon! tara suotin mo to!" may hinarap siya saaking suot pang waitress na hindi naman pang formal na waitress. Ang ikli, pero covered yung taas, fit pa masyado. Nagulat ako, susuotin ko ba yan? "t-talagang susuotin ko yan?" tanong ko sakanya, tumango naman ito na may ngiti. WALA akong choice at sinuot yung uniform na yon, hindi man ako masyado komportable pero kaya ko to. "Sis, ang ganda ng katawan mo! May pang laban na sila sakin ngayon dito, at mukhang talo pako" biro nito at tumawa saka umalis. "Zyra! hatid mo to sa table 10 na VIP" biglang sabi saakin noong isang waitress dito, si Irish. "s-sige" may pagdadalawang isip man tinanggap ko yun, naaamoy ko pa yung alak. shit hindi ako sanay, parang ayoko lumabas. huminga ako nang malalalim at lumakad papunta doon, ramdam ko yung titig ng mga kalalakihan pero hindi ko sila pinansin. Nang malapit nako sa table na yun, inaaninag ko yung taong nag order nito, nakatagilid pa ito. Dahan dahan akong lumapit. Bigla naman akong napatigil nang paglalakad nang mamukhaan ko yung lalaki na yon. Yung lalaki sa bus! Napatingin ito sakin at mukhang nagulat din. Namumukhaan niya ako? Bigla itong napangisi at bigla naman akong nakaramdam ng takot, nanayo yung mga balahibo ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The abandoned wife and her secret son

read
3.0K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
67.8K
bc

Mistletoe Miracle

read
5.8K
bc

Burning Saints Motorcycle Club Stories

read
1K
bc

Owned by My Husband's Boss

read
8.0K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
42.3K
bc

The Billionaire regret: Reclaiming his contract Bride

read
1.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook