Prologue
"Welcome home, Mattheus Yuuto Ferrer"
Mahinang bulong ko sa hangin ng makita ang mga naglalakihang banner sa harap ng kompanyang pinag t-trabahoan ko.
Mabigat ang paghinga ko bago nagpasya na pumasok na sa loob dahil baka ma late pa ako sa opisina.
"Fione, wait"
Kusang huminto ang mga paa ko at dahan dahang lumingon sa likod ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"Thad, don't shout like that. How many times do I have to tell you that"
Kunot noo kong bungad dito nang makalapit na sya sa akin suot ang malapad na ngiti sa kanyang labi.
"Eto naman umagang umaga, ang sungit." Sagot nito at tinulak nya pa ang noo ko gamit ang hintuturo nito.
"Ano ba, hindi ako nakikipag biruan" asik ko at hinawi ang kamay nya.
Bago ko sya talikuran ay sinipatan ko muna ng mga mata. Ganyan sya lagi nang-aasar.
"Sorry Ms. Salazar" aniya.
Huminto ako ulit at tinignan sya ng matalim sa mata, pero hindi man lang ito natinag at patuloy parin sa pag ngiti na parang nang aasar lang.
"Thad you're making my day worse, so please stop playing around" seryosong sabi ko dito.
As I attempt to take a step he hold my wrist which stop me from walking. Agad ko syang hinarap at nagulat sa emosyon ng mukha nito.
For all the 10 years we spent together ngayon ko lang nakita ulit ang seryosong mukha nito.
Tumingin ako sa paligid ng building, may iilang tao na nakatingin sa amin. Hindi ko matignan sa mukha si Thad dahil sa seryosong mukha nito.
"At this time I want to be serious Fione... You know that I have feelings for you that's why I courted you" he uttered
Dahan dahang lumalakas ang t***k ng puso ko nang lumapit ito sa akin at hinawakan ang isa ko pang kamay.
"I've waited 2 years for your answer and gave you all I have and I know it isn't enough..." Kusa itong tinapos ang sariling salita.
I can't focus, hindi ko mapigilang hindi tumingin sa paligid namin. Now, nasa amin na ang atensyon.
"Hindi ba't yan yung temporary CEO ng Villa company?" Rinig kong bulongan ng isang grupo ng mga babae sa gilid ng building.
"Yes, Thaddeus ang pangalan nya at hindi lang sya CEO, he's a Actor and Model sa iba't ibang sikat na brand sa mundo" sagot nong kausap nito.
hindi ko alam pero pinag-papawisan ako dahil nasa akin lahat ng atensyon at sobrang pressure ako sa ginagawa ni Thad ngayon.
"But I wanted to ask this question dahil wala namang masasagot kapag walang nag-tatanong hindi ba?" Nawala ang pagiging seryoso sa mukha nito at napalitan ng nakasanayan kong maligaya nyang mukha.
I gulped, nararamdaman ko ang nginig sa buong katawan ko dahil sa sinasabi ni Thad ngayon sa harap ko at sa maraming tao.
Tumango ako bilang silbing sagot sa tanong nya, I panic when he slowly kneel down in front of me.
"Thaddeus, what are you doing?" Tarantang sagot ko habang hinihila sya pabalik.
Ngunit laking gulat ko ng unti-unting lumalabas ang mga ka-office mates ko at may dala dalang mga banner at bulaklak.
"Soheil Fione Salazar, I'm asking you infront of this many people... Will you be my girlfriend?" Sabi nito habang may inalahad na box at ang laman ay singsing.
Napatakip ako ng kamay sa bibig dahil sa hindi inaasahang proposal nya dito. Ang mga luha ko ay nag-uunahang tumulo sa pisnge ko dahil sa hindi mapigilan na emosyon
"Yes na yan!!"
"Swerte mo Fione!!"
"Say yes now Fione"
Sigawan ng iilan sa mga nakaka-kilala sa akin. Lahat ay nag-aabang sa sagot na ilalabas ko pero bakit ako hindi?
Wala akong maisip na salita na isasagot sa kanya, hindi ko alam kung may isasagot ba ako but ayaw kong mapahiya si Thad dito.
"Thad, let's talk in private please?" Imbes na ang inaasahan nyang sagot ang iluwal ko ay hindi ko iyon nagawa.
"We can do about that later, Fione. All I need is your answer now" sagot nito ng hindi man lang nangangalay sa pag-luhod.
Ilang beses akong lumunok at pinag-iisipan ang sagot ko. Ano bang problema mo ngayon Fione? Alam mo namang may nararamdaman ka kay Thad pero bakit parang umurong ang dila mo ngayon?
"T-Thad, Y-yes..."
Bagsak ang balikat ko sa sagot kong iyon. Hindi ko alam... Imbes na masaya ako ay parang kumikirot ang puso ko
"Talaga ba? You're my girlfriend now!" Masayang sigaw ni Thaddeus at agad na isinuot ang singsing sa kamay ko.
Yinakap nya ako dahil sa saya pero bakit walang kadala-dala sa akin? May mali.
Sinabayan rin sya ng mga taong nanood sa amin kanina, masaya ang tao sa paligid namin ngayon kaya napilitan akong ngumiti habang pina-iikot ang tingin ko sa paligid.
Kusang nawala ang ngiti ko sa nakita kong lalaking nakatayo sa gilid namin ngayon. May kakaiba sa akin nang makita ko sya, it's our boss.
Nagtama ang paningin naming dalawa, dumoble ang lakas ng t***k ng puso ko ng makita ang walang ka-emosyon nyang mukha habang ang mga tingin ay nasa kamay kong hinahawakan ni Thad.
"Fione, are you okay?" Tanong sa akin ni Thad kaya nabalik ang paningin ko sa kanya.
"Y-yes, I'm o-okay" hindi ko alam bakit na-uutal ako. Dahil ba ito sa kanya? Ano bang iniisip mo ngayon Soheil!
" I love you, Fione" sabi nito, hindi pa naman ako nakakasagot ay sinunggaban nya na ako ng halik sa mga labi kaya nag sigawan ulit ang tao na nanonood sa amin.
Habang naka-halik sa akin si Thad ay hindi ko maiwasang tumingin sa direksyon nya ngunit wala na sya roon. Kusang hinanap ng mga mata ko ang lalaking yon at nakita kong naglalakad sya patungo sa exit ng building.
Hindi ko na namalayan na bumitaw na pala ng halik si Thad. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo ito sa landas namin.
Natapos na ang eksena at agad kumalat sa buong opisina ko ang nangyari kanina habang ako ay ginugulo parin ng isipan ko kung tama ba ang naging desisyon ko.
Si Thad ay agad ring bumalik sa opisina nya ng tawagan sya ng assistant nito. Dumating raw ang daddy nito galing sa state kaya may meeting sila sa building nito.
"Anong feeling mare?" Tanong ni Kayla, under ko sya pero close kami kaya ganyan ang tawag nya sa akin.
"Ng ano?" Lutang kong sabi, tinawanan lang ako nito.
"Haba ng hair mo no? Isang Thaddeus Ford Villa ang nagkagusto sayo. For sure kalat na sa socmed and nangyari kanina at hundreds of his fans are crying right now" maarteng sabi nito habang nginunguya ang pagkain nito.
Napatingin ako sa kanya dahil sa mga sinabi nito. Deserve ko kaya si Thad? Ako ang mahal nya at mahal ko rin sya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Dahil ba sa lalaking iyon?
"Hoy! Kanina ka pa tulala. I understand you naman kasi nakakabighani naman ang beauty ko pero parang sabog ka lang talaga siguro." She snapped her fingers in my face kaya napanguso akong tumagilid sa kina-uupuan ko.
"Go back to you table now, tapos na ang chismiss" tanging sabi ko dito nagtaka naman ito sa inasal ko pero agad na umalis sa opisina ko.
Hinilamos ko ang dalawang palad sa mukha ko at ginulo ang buhok dahil nagugulohan na ako sa nangyayari.
I inhale and exhale para kumalma naman ang espirito ko sa kakaisip sa mga nangyayari.
Nang makalma ko na ang sarili ay napag-pasyahan kong bumalik sa trabaho para hindi na maisip kung ano ang problema.
Sa gitna ng pag-tratrabaho ay may kumatok sa pinto ko. Nagtataka akong tumingin sa relo ko, ganitong oras kasi ay busy ang mga tao kaya hindi ko alam kung sino ang nasa likod ng pinto ngayon.
"Pasok" utos ko.
Narinig kong bumukas na ang pinto kaya nag-angat ako ng tingin. Laglag ang panga ko sa nakitang nakatayo hindi masyadong malayo sa harap ko ngayon.
"S-sir" nauutal at natataranta kong bati. Tumayo ako at yumuko para batiin sya.
"You never changed, you're still like before" sabi nito na syang ikinagulat ko.
"E-excuse me, sir?" Napapikit ako sa sobrang taranta ko. Bakit ba ako na-uutal?
Hindi sya humakbang para lumapit ng kaunti sa akin. He stand still while his hands is on his pocket.
"Do you mean it?"
Napa-angat ako ng tingin sa kanya sa tanong ko. Mukhang pagsisihan ko ang pag angat ng tingin ko sa kanya dahil blanko at walang ka-emo emosyon ang mukha nito.
"Do I mean what sir?" Kagat labi kong balik tanong sa kanya. Ayaw ko ng mautal.
"Fck! Why you keep doing this to me!" Sigaw nito.
Nagulat ako sa biglaang pagsigaw nito sa akin sa hindi malaman lamang rason. Bakit sya ganyan? Anong ginawa ko?
"After all, you still own my heart Soheil. And I'm too dumb to let you do that to me!" Deretsong ani nito sa mga mata ko.
My eyes went blurry at kusang tumulo agad ang luha sa mga mata ko. Ano ba! Ano bang nangyayari sa iyo Soheil!
" But I can't let my guard down, for now"
Unti unting gumuguhit ang hindi malamang emosyon sa mukha nito. Sino ka ba? Bakit ganyan ka makapag salita sa harap ko ngayon?
Dahan dahan itong humakbang patungo sa akin at ako naman ay nanatili sa kinatatayuan na parang nasemento.
Namalot ang bango nya sa ilong ko pagkalapit nya sa akin. Even his breath, I can feel it right now. Pano ba naman kasi ay ilang spasyo nalang natira sa pagitan namin para tumama na ang labi namin sa isa't isa.
" I badly want to kiss you right now, but knowing that bastard kissed you infront of me awhile ago make me want to punch his face so bad"
Sa pagkakasabi nyang iyon ay agad syang lumayo at tinalikuran ako. Sa ginawa nyang yon ay mas lalo nya pang pinag gugulo ang isipan ko.
Bago pa sya nakalabas sa opisina ay nakuha ko pang tanongin sya.
" Who are you?" Emosyonal na tanong ko dito...
Lumingon sya sa akin at ayon na naman ang blanko nyang mukha na nagpapatindig ng balahibo ko.
"It seems that you're not finally recovered yet. I'm Mattheus, your ex-husband..." Sa pagkabitaw nya sa mga salitang iyon ay sya ring pagka-wala nya sa landas ko.
Naiwan akong walang ideya, anong ex husband? Kailan ako nagkaroon non?
A loud bang in my head sounded. Napa-yuko ako sa sakit ng ulo ko, napa-upo ako sa sakit...
" Naks! Kanina si Sir Thaddeus ang bumisita ngayon si---- Fione anong nangyayari sa iyo?!?" Rinig kong sigaw ni Kayla
Pero hindi pa man ito nakakalapit ay nawalan na ako ng paningin at tanging boses nalang ang naririnig.
"Fione! Somebody call an ambulance now!" Natatarantang sigaw ni Kayla.
"I will always be with you Soheil, no matter what you've been too... I always choose to love you and create a family together with you... I love you!"
" Soheil, you're my star that shines so bright for me"
"f**k! Soheil wake up~~~"
"choose to be happy always, I'll never be on your side forever. Go shine without me"
Those memories, sa akin ba lahat?