PARANG bulkang sumasabog si Phoenix nang mga oras na iyon. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. Parang nakatali ang paa’t kamay niya. Ni wala siyang trabaho. Wala siyang magagawang kahit ano dahil lahat ng galaw niya ay nakadepende sa gusto ni Vance. Puro na lang ito ang tama. Puro na lang ito ang masusunod. Wala na itong itinira sa kanya. Ibinuhos niya sa bawat pagbayo niya ang galit niya dito. Tumulo ang luha sa mata niya sa labis na galit. Bakit siya nito pinahihirapan? Ganoon ba kalaki ang kasalanan niya dito para parusahan nito? She didn’t deserve this treatment. Hindi siya nito alipin. Wala itong karapatan na tratuhin siya na parang wala siyang sariling isip. Hinarap siya nito at mabilis na sinapo ang mga kamay niya para pigilan ang pag-atake niya. “Phoenix, ano ba. Sinasaktan mo la

