Nanigas ang buong katawan ni Phoenix at nanlalaki ang matang tiningnan si Vance. “Anong sabi mo?” “Tinatanong kita kung pinaglilihian mo ba ang durian,” walang kakurap-kurap na tanong ng binata at naging seryoso na rin ang anyo. He knows. Hindi niya alam kung gaano katagal niyang napigil ang hininga. Paano iyon malalaman ng binata samantalang wala naman siyang ibang sinasabihan. Ang doktor ba na pinagpatingnan niya? No. May doctor-patient confidentiality clause. Hindi naman siguro siya tatraidurin ng doktor niya. Ang pinagbilhan ba niya ng pregnancy test kit? O baka naman nabanggit ni Doctor Ambrosio na may sakit siya at naghinala si Vance sa kondisyon niya. Di kaya nakita ni Aling Mina ang pregnancy test kit habang naglilinis ito ng bahay? Habang nagsasalimbayan ang mga hinala sa is

