Humihingal sa galit si Phoenix nang bumaba ng sasakyan na nakahimpil sa harap ng Central Police District sa Quezon City. Nalaman niya sa breaking news sa telebisyon na nasa kustodiya na ng pulisya ang ama niyang si Maximo Pantaleon at nakakulong matapos masampahan ng kaso sa pananabotahe sa construction ng Alta Towers na dahilan ng pagkakasugat ng sampung katao. Nagpahatid kaagad siya kay Mang Ador sa naturang istasyon. Pagbaba pa lang niya ay sinalubong na agad siya ni Vance. “What are you doing here? Hindi ka pwede dito. The place is not conducive.” “I want to see that monster.” “We are dealing with him.” “Pwes, ako hindi pa tapos sa kanya.” Magdamag na hindi nakauwi ng bahay si Vance dahil doon. Mabilis pala ang aksiyon ng hukom at nakapaglabas agad ang warrant of arrest dahil na

