Hindi magkamayaw ang lahat sa pagsasaya sa beach front ng resthouse nila ni Vance sa El Nido. Nag-treat ng bakasyon si Vanc dahil umuwi ang pamilya ng bunsong kapatid ni Maximo na si Estella. Nag-e-enjoy ito, ang mga anak at apo na mag-snorkeling, kayaking, swimming at habulin sa beach. Kahit ang tatlong taong gulang na si Mauri ay nakikiligo na rin habang binabantayan ng lolo nito. Naroon din ang mga anak nina Bill at Lilia na nasa kulungan pa rin. Mukhang matatagalan ang paglabas ng mga ito dahil sa iba pang kaso na isinampa sa mga ito. Pinagbabayaran na ng mga ito ang kasalanan. Dahil sa kahihiyan ay ayaw sanang sumama ng mga ito pero sa huli ay nahikayat din dahil na rin sa pakiusap niya. Mukhang simple lang ang mga anak ni Lilia at di nagmana dito na maluho. Ayon sa mga ito, ayaw na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


