Chapter 3

2439 Words
Nakangiwing pinagmasdan ni Phoenix ang eleganteng dress at strappy high heeled sandals na ipinadala sa kanya ni Vance para isuot niya sa party na pupuntahan niya kasama ang ka-date niya, kung sinuman ito. It was too elegant for her taste. At tiyak na sa dulo ng gabi ay patay na ang mga ugat niya sa paa. For a jeans-and-shirt girl like her, this spelled as an ordeal for her. She could only take so much. Sa sobrang depress niya ay tinawagan niya ang kaibigang si Janine Karla o JK. Gaya niya ay nakabakasyon din ito ngayon pero kasama ang nobyo nito sa London na assistant curator ng British Museum sa Cairo, Egypt. “Hello,” sabi nito nang sagutin ang tawag niya sa Viber. “Salamat naman at sinagot mo ang tawag ko. I really need someone to talk to right now.” "Huhulaan ko. Nai-stress ka dahil sa ka-date mo." "No. Worse than that. May idineliver dito na kahon na may peach gown at gold strappy sandals.” Puno ng disgusto niyang pinagmasdan ang damit at sapatos na nakalatag sa kama. “ It means I have to put on make up, right? This is a mess! Ayokong mag-make up." She knew how to put on make up. Saktong make up lang. The dress called for an alluring effect to make it more effective. At ayaw niya ng ganoon. She wanted to look as drab as possible. Hindi parang inaakit pa niya ang sinumang makaka-date niya. "Mukhang napaka-espesyal ng ka-date mo at gusto siyang ma-impress ng tito mo." "Yes." Her uncle wanted Phoenix to look her best. Hindi katulad ng mga nakaraang lalaki na madali para sa kanya na sindakin at bigyan ang mga ito ng karima-rimarim na impresyon sa kanya, nariyan na si Vance para tiyakin na hindi mangyayari iyon. Bilang tapat na alagad ng Tito Mauricio niya, nariyan ito para tiyakin na hindi siya papalpak. Heto na naman siya. Parang bata na kailangang suhetuhin at bantayan. "Why did I sign up for this again?" tanong ni Phoenix at nanlulumong umupo sa kama. "Dahil mahal mo ang Tito Mauricio mo. Iyan na nga lang ang hihingin niya, hindi mo pa kayang ibigay,” paalala ng kaibigan sa kanya. "Parang napakasamang pamangkin naman ang dating ko." "Iyan na ang huling hinihingi niya sa iyo. Hindi ang magpakasal sa kung sinong lalaki kundi imi-meet mo lang ang lalaking ito. Kung hindi mo siya gusto, wala naman siyang magagawa. Aalis ka ng Pilipinas at babalik ka ng Egypt. Ikaw pa rin ang masusunod sa huli. Isipin mo na lang na isa kang sinaunang reyna kaya natural na ganyan ka kaganda." Ipinilig ni Phoenix ang ulo at tumayo. "Fine. Bahala na." Wala naman siyang magagawa kundi pikit-matang gawin ito. Isang gabi lang naman ito. Matapos isuot ang peach dress ay pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Iniwan niyang nakalugay ang itim, mahaba at tuwid na tuwid niyang buhok. Effortless. Now for the make up…now that would be a big problem. Maya maya pa ay may kumatok sa pinto. Binuksan niya ang pinto at sumilip. "Yes?" "Hello, Phoenix," anang magandang babae sa kabila na nakasuot ng smart casual na polo and skirt. "Judith!" excited niyang wika at niyakap ang sekretarya ng Tito Mauricio niya na ngayon ay sekretarya na ni Vance. Puno ng paghanga siya nitong pinagmasdan. "Oh, look how you've grown.” "And look at you. You look like late twenties instead of mid-forties. That is so unfair!" Ito ang babaeng mas gumaganda habang tumatanda. Minsan ay wala naman siyang pakialam sa itsura niya dahil natural lang sa trabaho niya na hindi intindihin kung anong itsura niya. Pero may pagkakataon din naman na di niya maiwasang kainggitan ang mga magagandang babae gaya nito na parang effortless ang kagandahan. "Ang sekreto? There's hot and gorgeous guy who takes care of me. Love makes me feel young and inspired. Kahit na nasa forties na ako kinikilig pa rin ako. Nakakabata iyon. You must get your own man." Tumirik ang mga mata niya. "I'm happy with my mummies. Thank you." Nalukot ang mukha nito. "That's gross. Kailangan mo ng isang lalakign tulad ni Vance. Hot, virile and very much alive. Ipapalimot niya sa iyo ang pharaoh na mummy na kinababaliwan mo." "That's a big no!" Ang huling kailangan niya ay halik na nakakapagpawala ng katinuan niya. Nasubukan na niya kay Vance. It was not good for her health. Parang mawawala siya sa sarili. Mahal yatang magpa-admit sa sanitarium. No thanks. "So, nandito ka ba para i-wave ang magic wand mo at paglahuin ako palayo sa lugar na ito? Sabihin mong nandito ka para hindi na matuloy ang date ko." "No. I'm here to turn you into a princess.” Binuksan ni Judith ang make up kit at inilabas ang malaking brush. “Boss' order." Umungol si Phoenix. Ano pa nga bang aasahan niya? Ang loyalty nito ay kay Vance at sa Tito Mauricio niya. "Wala pala akong ligtas." "Yes. So come on.” Pinaupo siya nito sa harap ng vanity mirror. Inilabas nito ang laman ng make up kit nito. Sa dami ng make up at brushes doon ay iniisip niyang artwork ang gagawin nito at hindi lang mukha niya. “Ipikit mo ang mata mo." Napilitan siyang sumunod dito. She endured it. Nandito na siya kaya titiisin na lang niya. "Whoa! Maganda ang balat mo. Light brown pero makinis. Alam mo ba kung gaano kamahal ang ginagastos ng ibang babae para lang ma-achieve ang ganyang balat? Even the harsh desert sun and wind are good to you. Tama nga si Vance na iba ang ganda mo kaya huwag daw makapal ang make up mo." "Nagagandahan sa akin si Vance?" gulat na tanong ni Phoenix at dumilat. "Oo. Hindi niya sinabi sa iyo?" nakukunot ang noo nitong tanong. Umingos siya at ipinikit ang mga mata. "Kahit naman sabihin niya hindi pa rin ako maniniwala. Knowing Vance, puro kasinungalingan ang sinasabi niya sa mga babae para lang makuha ang gusto nila." In-apply-an nito ng eyeliner ang ibabaw ng pilik-mata niya. "To be fair to him, hindi siya nangangako sa isang babae na hindi niya kayang pangatawanan. Hindi niya inuuto ang babae o ipinapangako ang buwan, araw at mga bituin, if you know what I mean. Mga babae mismo ang nagpo-propose sa kanya. At sinasabi agad niya kung hanggang saan lang ang kaya niyang ibigay. Hindi siya magko-commit sa isang babae. At alam ng mga babaeng iyon, that it was fun while it lasts. Kapag naging clingy at demanding na ang babae, he will bail out. Hindi daw siya papasok sa isang seryosong relasyon malibang in love siya sa isang babae." "Mai-in love siya sa isang babae? That will never happen. Babangon na ang lahat ng mummies sa Egypt pero hindi mai-inlove si Vance. Saka sino ba ang ipapa-date sa akin ni Tito Mauricio at pati si Vance ay involved na involved dito?" puno ng kuryosidad niyang tanong. "Hindi sinabi ni Vance sa iyo?" Idinilat ni Phoenix ang isang mata. "No. Kaibigan ba siya ni Vance? Baka naman katulad iyon ni Vance na babaero," maasim ang mukha niyang sabi. Ay naku! Ayaw niya sa mga katulad ni Vance na di seryoso sa babae. "Kung hindi nila sinabi sa iyo, ibig sabihin wala akong karapatang sabihin. That would be a surprise." Isinara ni Judith ang takip ng blush on. "There you go! Pwede ka nang dumilat." Hindi siya nakaangal nang makita ang itsura sa salamin. Simple lang ang make up niya pero nag-focus si Judith sa mga mata niya. Nilagyan nito ng eyeliner ang palibot ng mata niya. Her eyes became smoky which gave heer a seductive and foxy look. Just like Cleopatra. "Kung sinuman ang ka-date mo ay siguradong mabibighani sa iyo. Excited na ako sa magiging reaksiyon niya,” wika ni Judith na may halong kilig. Humalik siya sa pisngi ni Judith. "Thank you." Puno si Phoenix ng kompiyansa habang bumababa ng hagdan. Nakatalikod ang isang lalaki na naka-dinner jacket. Nakatayo ito habang kausap ang Tito Mauricio niya. Ito ba ang ka-date niya? Kumunot ang noo niya nang humarap si Vance na nakasuot ng tuxedo. Nawala ang masayang ngiti nito nang mapagmasdan siya. His eyes became hot and smoldering. Hindi niya alam kung di nito aprubado ang itsura niya na ito rin naman ang may gusto. Pero bakit nanunuyo ang lalamunan niya sa init ng titig nito? Parang hinahaplos ng mata nito sa katawan niya dahilan para manlambot ang tuhod niya. Muntik na siyang matapilok nang nasa huling baitang siya ng hagdan. Bigla siyang napahawak sa hamba ng hagdan at naroon agad si Vance para alalayan siya. "Hey! Are you okay?" tanong ni Vance habang halos magkalapit ang mukha nila. Drat! He looked gorgeous even in tuxedo. Wala na bang ipapangit ang lalaking ito? Kahit yata mag-doodle siya sa mukha at katawan nito ay astig pa rin. He could always take her breath away. No wonder women go gaga over him. "You're late but you are worth the wait. Ano sa palagay mo, Vance?" tanong ni Mauricio na puno ng kasiyahan ang anyo. Tumango-tango si Vance. His eyes were glassy as if he was on a daze. "She's really worth it, Ninong." Nagkatitigan sila. Heto siya at nakatakdang makipag-date sa ibang lalaki pero sumisirko ang puso niya sa sa titig ni Vance. Anong problema niya? Makikipag-date siya sa ibang lalaki pero dito nagre-react ang puso niyang pasaway. "Umalis na kayo dahil baka ma-late kayo sa party. Mag-enjoy ka, hija." Akmang bubuka ang bibig ni Phoenix para itanong kung sino ang ka-date niya pero hinawakan na ni Vance ang siko niya. "Lets go, my princess." Puno pa rin ng tanong ang isipan niya nang igiya siya nito palayo. Saka lang siya nagkaroon ng boses na magtanong nang sila na lang ni Vance sa kotse nito. "Nasaan na ang ka-date ko?" "Sa party na lang,” kaswal na sabi ni Vance. "At kailangan pa talaga ng glamorized chaperone kagaya mo? Sino ba ang ide-date ko at kailangang kasama ka pa?" Kahit na sino pa ang ka-date niya, siguradong makakagawa si Phoenix ng paraan para madismaya ito sa kanya. Konting kalkal lang sa mga ginagawa niya bilang archaeologist at konting paninindak lang ay tiyak na makakalusot na siya. And walah! She would be back to Egypt. Ang problema lang niya ay kung paano matatakasan ang makakairitang presensiya ni Vance. He would be there to make sure that she won't screw up. "Hindi mo ako chaperone. Ako ang ka-date mo." "WHAT?" nanlalaki ang matang bulalas ni Phoenix at at hinagilap ng kamay ang handle ng pinto. Ang instinct niya ay tumalon na palabas ng sasakyan ni Vance. Nag-hyperventilate siya. Si Vance ang ka-date ko. Si Vance ang ka-date ko. Hindi niya inaasahan ito. Anong naisip ng tiyuhin niya at sa dinami-dami ng lalaki ay ito ang ipapa-date sa kanya? Mas gugustuhin pa niyang tumalon sa labas ng sasakyan at gumulong-gulong sa abalang kalsada ng EDSA kaysa maka-date ito. Subalit kahit anong hila niya sa handle ng pinto ay hindi iyon bumubukas. "Huwag mo nang tangkaing tumakas. It's stupid to jump off a moving car. Buti na lang naka-power lock iyan,” anang si Vance sa amused the tono. Umungol si Phoenix. Hindi magiging madali ito para sa kanya ito. Alam na ni Vance ang strategy niya para itaboy ang mga manliligaw niya. Knowing that she must endure a whole night with him as her date was horrible enough. "I am not a monster," sabi ni Vance. "You are worse than that," aniya sa naggigiyagis na ngipin. "You treat your women like trash. Pagkatapos mong gamitin at pagsawaan ay itinatapon mo na lang." Nagsalubong ang kilay nito. "That's not a nice picture. Hindi ko alam kung paano mo nasabi iyan. Hindi pa naman kita nakaka-date o nagiging girlfriend. Nakausap mo na ba ang mga babae ko?" Humalukipkip si Phoeniv at tumingin sa labas ng sasakyan. "No!" Hindi naman ganoon klaseng babae ang nakakasalamuha niya o kinakaibigan niya. "Exactly. You didn't get that directly from the source. Baka gawa-gawa mo nga lang iyan. That's unfair, Phoenix. Kung talagang basura ang trato ko sa kanila, bakit nagmamakaawa silang bumalik sa akin. Handa silang gawin ang lahat huwag lang mawala sa buhay ko." Umikot ang mga mata niya. "You are disgusting. Mga wala sigurong isip ang mga babaeng nagpapakahangal sa iyo." Come on! Sinong babae ang papayag na itapon na lang basta pagkatapos paglaruan at magmamakaawa pa? Hindi siya magmamakaawa sa isang lalaki kahit na kailan. Kung ayaw nito sa kanya, mas lalong ayaw niya dito. "And I dont think you are a stupid woman.” Ngumiti si Vance. “Kung sa palagay mo ay uutuin lang kita, hindi mo kailangang maniwala. Hindi ko na kasalanan iyon kung ma-inlove ka man sa akin." "That's an unlikely scenario. Hindi iyon mangyayari iyon. Not in this lifetime. Never." "Too bad. Hindi kasi ako tulad ng ibang lalaki diyan na basta mo lang maitataboy. Alam ko na ang strategy mo para itaboy mo ang mga lalaki sa paligid mo. Una, hindi ako insecure o takot sa boyfriend mo na royalty. And I have a thing for girls who like musty and old mummies for a boyfriend." "Manahimik ka nga! Sabi mo sa akin hindi mo ako aasarin.” Puno ng kompiyansa itong ngumiti. "I like you really. Bakit pa pumayag ako dito?” Isinandal ni Phoenix ang ulo sa headrest ng upuan at pumikit. “Sana nalaman ko na ikaw ang ipapa-date sa akin ni Tito. Parang gusto ko nang magka-hyper acidity sa iyo." "Meron akong gamot para diyan,” alertong sabi ni Vance at ngumuso sa compartment. “Buksan mo diyan. May mineral water din ako.” "Smart ass! Why do you have the answer for everything?" she asked in an acidic tone. Wala siyang kawala dito. "Bakit kailangan mo akong kontrahin nang kontrahin? Bakit hindi mo ako pagbigyan? Sabi mo sa akin pagbibigyan mo si Ninong sa sinumang gusto niyang ipa-date sa iyo. Hindi naman ako gagawa ng kahit ano maliban na lang kung gusto mo." At naglaro ang mapanuksong ngiti sa labi ni Vance. Mariing nagdikit ang labi ni Phoenix at kinuyom ang palad. Naramdaman niya ang pamumula ng pisngi niya. Kailangan niyang pigilan ang pagsabog ng emosyon niya. Huminga siya ng malalim. Huli na ito para sa Tito Mauricio niya. Kaya niya ito. "Fine. But keep your hands to yourself. O malilintikan ka talaga sa akin," banta niya. "Basta mag-behave ka lang.” Just one night. Pero sa palagay niya ay hindi magiging madali ang lahat lalo na’t si Vance ang kasama niya. Hindi niya alam kung magbe-behave nga ito. O kung hanggang kailan ito kakayanin ng pasensiya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD