Nagsisimula na siyang maidlip nang bumalik si Vance at ibinuhos sa ibabaw ng kama ang lahat yata ng klase ng crackers na mabibili sa merkado. Puno ng pagtataka niya itong pinagmasdan. “Wow! Ang dami naman nito. Ilang buntis ba ang pakakainin mo?” tanong niya at dumampot ng isang Skyflakes na onion and chives ang flavor. “Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya binili ko na lang lahat. S-Sana lang nandiyan ang gusto mong kainin. Pinakyaw ko ang paninda sa unang tindahan na nakita ko sa highway. Kung wala diyan ang gusto mo, babalik na lang ulit ako.” “Kahit ano naman okay na sa akin dito.” Tipid siyang ngumiti. “Thank you.” “Gusto mo ng gatas?” tanong nito nang buksan niya ang onion and chives na Skyflakes. Gusto niya ang naturang flavor dahil di gaanong matapang at di rin naman bland ku

