Hannah's POV
ABALA kami ni Tina sa pag iihaw ng isaw, atay, barbeque, hotdog at kung ano-anu pang pwedeng iihaw.
Maybe you are wondering, why I know those things? E kasi minsan noong nasa mansyon pa ako kapag magde-date si Mommy at Daddy, sumasama ako at alam nyo ba kung saan sila pumupunta?
Sa isawan, kaya nga tuwang-tuwa ako nang makatikim ako ng mga street foods.
Bigla kong naisip sina Mommy at Daddy. s**t! di ko pa sila natatawagan. Kasama sa kasunduan namin ni dad na lagi akong tatawag sa kanya. I forgot! Isang linggo na simula nang masira ang cellphone at isang linggo na din akong di nakakatawag sa kanila.
Lumapit ako kay Tina.
"Tina pwedeng maki-gamit ng cellphone mo?" nahihiyang tanong ko.
"Naku friend! Wala akong pantawag e, extra ko nga lang ‘yong ipinantext ko sayo kanina hehehe" nahihiyang sabi ni Tina na may pag-iling pa.
Nginitian ko naman siya at nakita ko si Johnny. Nakakatuwa kasi close na kami ng Jaguars except kayShield na medyo topakin. Lumapit ako kay Johnny.
"Johnny! Pwede makihiram ng cellphone mo? Makikitawag lang" sabi ko sabay ngiti.
"Oh sure" pagpayag naman ni Johnny sabay dukot ng cellphone niya sa bulsa at inabot sa’kin.
Lumayo muna ako ng konti sa lahat at sinimulan kong magtype ng number.
Napatampal ako sa noo. Bakit ba wala man lang akong memorize kahit isang phone number? Kahit nga pala sarili kong number di ko alam. God!
"Ito na muna ang gamitin mo habang di pa ako nakakabili ng bago na ipapalit sa nasira mong cellphone" bigla akong napalingon sa nagsalita sa likod ko at nang lumingon ako. Ang gwapo nyang mukha ang bumungad sa’kin. Wala na di ko na napigilan natulala na ako ng tuluyan. Bakit ganito? Hindi lang naman s’ya ang gwapong lalaking nakita ko sa buong buhay ko. Pero bakit ganito kalakas ang epekto nya sa’kin?
Tiningnan ko lang ang hawak niyang cellphone. Binigyan ko sya ng nagtatanong na tingin.
"Nandyan na din ang sim card mo, kaya matatawagan mo na kung sino man ang tatawagan mo. Malas lang niya kasi di mo memorize ang number niya" sabi niya sabay lagay ng cellphone niya sa kamay ko at umalis na sa harap ko.
Teka sino bang 'niya' ang tinutukoy ng unggoy na ‘yon? At ano daw nandito na ang sim ko? Paano naman napunta sa kanya ang sim ko?
Hala bahala na! Mamaya ko na lang siya kakausapin about do’n sa sinabi niya na papalitan daw niya ang cellphone ko. Sa ngayon tatawagan ko muna si dad.
Matapos ang 15 minutes, nakausap ko na sila mom at dad. At ipinaliwanag ko sa kanila kung anong nangyari. Pero as usual alam na agad nila kung anong nangyari sa’kin.
Hinanap ng mga mata ko si Shield pero di ko siya makita. Lumapit ako sa mga nagkakatuwaang Jaguars at nang makita ko si Johnny, naalala ko yung cellphone niya, agad ko din naman binalik ‘yon.
Yung cellphone na lang ni Shield. Nasaan ba ‘yon?
"Kainan na!"sigaw ni Tina. Mamaya ko na lang siguro ibabalik.
Nasa isang mahabang lamesa kaming lahat. Dito pa rin sa labas ng bahay ni Coach. Ayos daw ang ganito kasi maganda ang panahon at madaming bituin, dinner under the star daw ang peg namin sabi ni Tina. Natutuwa ako sa mga words nya. Madami akong natutunan.
Masaya ako dahil ang dami ko ng kaibigan sa katauhan ng magugulo at maiingay na basketball team, ang JAGUARS.
Enjoy na enjoy kami sa dinner at lahat naman ay nabusog. Matapos ang masaganang hapunan, nagkakwentuhan muna para daw bumaba ang mga kinain namin. Kasi may plano yata silang mag inuman.
Tinulungan ko si Tina sa pagliligpit na kinainan namin. Ano pa bang aasahan mo sa mga lalaki? Pumasok kami sa loob ng bahay ni Coach. Ayos din ‘tong bahay nila. Ang bait ni Ate Madell, siya ang asawa ni coach.
"Ilagay niyo na lang d’yan sa lababo, ako ng bahala dyan, bumalik na kayo do’n baka hinahanap na kayo" sabi ni Ate Madell sa’min.
"Naku! Ate Madell hayaan mo silang maghanap, basta tutulungan ka namin dito, ang dami kaya nito" sabi ni Tina, ang daldal talaga niya. I smiled.
So ‘yon nga tulungan kaming tatlo sa paglilinis ng kusina at ng pinagkainan, kahit di ako masyadong marunong.
Matapos naming maglinis, lumabas na kami ng bahay, at naabutan namin na nagkakasiyahan na ang lahat at nag iinuman na din. Napansin ko ang case ng beer, grabe ang dami, nasa sampo yata ang case na nandito.
Tinawag kami ni coach at pinaupo sa inupuan namin kanina.
Laking gulat ko nang abutan kami ni coach ng baso at sinalinan ng beer.
At halos manlaki ang mga mata ko nang laklakin ni Tina ang laman ng baso nya, napalunok ako. E mag iinum din pala ‘tong kaibigan kong ito.
Nagpalakpakan sina Tristan at Elvin.
“Naku Hannah, masanay ka na dyan sa kaibigan mo matibay talaga sa inuman yan, palibhasa sanay na sanay sa probinsya nila" sabi ni Elvin nang mapansin siguro ang pagkagulat ko.
Ngumiti na lang ako at ininum din ang nasa baso ko. Ang pait, pero dineretso ko na ang inum.
"Whoa! Makikpag-sabayan yata si Hannah!" malakas na anunsyo ni Tristan.
MAKALIPAS ang mahigit tatlong oras, medyo tinatablan na ako ng alak.
Napangiti ako ng makita ang itsura ng Jaguars. Si Alfred laylay na ang ulo sa inuupuan niya.
"Ano daw ang tawag sa maliit na tsunami?" tanong ni Johnny. Kanina pa ‘to nag jojoke pero siya lang naman ang tumatawa.
"Ano daw?" sagot ko kasi wala ng sumasagot sa kanya.
"Edi tsunano hahahahah" ang corny talaga.
Napapaface-palm na lang ang iba sa kanya. I smiled.
"At dahil may bago tayong makakasama sa team at sa kanya ang pa-welcome party na ito. Ilagay natin si Hannah sa hot seat!" biglang sigaw ni Xevier.
Napangiti na lang ulit ako. Dala na din siguro ng alak.
"Okay! My pers question" sabi ni Elvin na halatang lasing na talaga. "Nagka-boyfriend ka na ba Hannah?"
"Hindi pa" simpleng sagot ko. Nakita kong tumahimik sila at tumingin kay Shield.
Bakit?
Nakita ko naman si Xevier na kumindat kay Tristan.
"Ehem! Ehem! Kung sakaling ligawan kita, papayag ka ba?" tanong ni Tristan na may nakakalokong ngiti. Ano bang trip nila para naman makasabay ako. Dahil may tama na din ako di ko na mapigilan ang bibig ko.
"Why not?" sagot ko. Nagpalakpakan na naman ang iba, napapangiti na lang ako sa kukulitan nila.
"Ano ang type mo sa lalaki Hannah?" napatingin ako kay Elmar nang magtanong sya bigla. Biglang tumahimik ang lahat, di kasi masyado umiimik ‘yan eh. Nginitian ko siya.
"Type ko sa lalaki ‘yong may sense of humor" ang alak ang sumasagot para sa’kin.
"Aroy!" sabi ni Tristan sabay tingin kay Shield. Nakita ko naman na tiningnan ni Shield ng masama si Tristan. Nag-iwas naman ng tingin ang huli.
"May laban pala ako Hannah!" sabi ni Tristan, kung maingay siya kapag walang inum mas lalo naman ngayon..
Nagulat kaming lahat ng biglang tumayo si Joel na nasa tabi ni Shield. Bigla kasi itong naghubad ng damit at sumampa sa ibabaw ng mesa.
At bigla nag ala-macho dancer sa pag giling, inikot ikot pa ang damit niya sa hangin.
"Whoa! Sige pa!" sigaw ni Anthony.
"Yeah! Whoa!" si Elvin ‘yan, tumayo na din at nagsayaw na.
Nanlalaki naman ang mata ko sa nakikita ko tapos biglang bumulong si Xevier sakin.
"Ganyan talaga ang mga ‘yan kapag nalalasing. Kaya nga dito na kami dumadayo ng inom sa bahay ni coach para walang makakita sa katangahan ng mga yan e" sabi niya. Napangiti naman ako. Bigla akong napatingin kay Shield.Teka! Ako lang ba ‘to o talagang masama lang talaga ang tingin niya sa’min ni Xevier?
Di ko na lang siya pinansin. Tiningnan ko ang lahat, tawa sila ng tawa sa ginagawa nila.Teka, ‘asan si Alfred?
Nang sumilip ako sa ilalim ng lamesa, ngek! Knock out na, sa damuhan na natulog..
Mag aala-una na nang matapos ang inuman.
"Eh wala pala ‘tong mga Jaguars na ‘to eh hik" hilong hilo na ako.
Di ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko, napayuko na ako sa mesa.
"Bakit... ako... mahihiya... " narinig ko pang kumanta si Tina na hanggang ngayon ay tumatagay pa din sa tabi ko.
Grabe siya na talaga.
--------------------
Xevier's POV
SINASABI ko na nga ba e’. Kami na naman ni Shield ang dakilang taga-alalay sa mga hayop na p*tanginang mga lasing na mga ito. Pasensya na kayo ganito talaga ako kapag asar. Medyo may tama na din ako pero hindi ako lasing, ganun din naman si Shield na inaakay si Tristan papunta sa loob.
"Captain, hik..maganda si Hannah.. hik di ba?" narinig ko pang sabi ni Tristan. "kung di mo sha type hik.. liligaw----" hindi na naituloy ni Tristan ang sasabihin niya dahil ibinagsak na siya ni Shield sa sahig..
Parang di naman siya nasaktan dahil manhid na katawan nyan dahil sa alak.
Sa sala na lang namin tinambak ang mga hayop na jaguars. Bahala na silang matulog sa sahig dahil di ko kakayanin iakyat ang mga yan. Sunod na binalikan namin si Alfred na tulog na tulog pa din sa ilalim ng mesa. Si Hannah at Tina na lang ang nasa mesa, nakaakyat na sina coach medyo may tama na din kasi ‘yon.
Hinawakan ko sa kamay si Alfred at hinawakan naman ni Shield sa paa..
May kalokohan din ‘yang si Shield sa katawan, di nyo lang alam.
Binuhat namin si Alfred sa ganung paraan at pagdating sa sala, di agad namin binaba ang loko, dahil nag kakaunawaan kami ni Shield sa tingin pa lang alam agad namin ang gustong sabihin ng isat isa.
"1...2...3" bilang ko, tapos sabay namin iwinasiwas si Alfred ng pakaliwa at pakanan sabay hagis sa Jaguars na nagpatong patong ng higa sa sala.
Ang lakas ng tawa ko dahil wala man lang reaksyon ang mga gago.
Lumabas na kami para sana ligpitin ang kalat, nandito pa nga pala ang dalawang babae.
Napatingin ako kay Tina, anak ng! tumatagay pa din siya? Ang tibay talaga ng bahay alak ng babaeng ito, halos di na siya gumagamit ng baso deretso tungga na sa bote.
Nilapitan ko siya at inagaw ang hawak niyang alak.
"Hoy babae, tumayo ka na dyan"
"Teka lang hik, hinji pa ubush oh hik, ang jami jami pa sa keysh oh" pati dila nya lasing na din wengya, tinuro pa nya ‘yong mga case.
What the, wag mong sabihin na uubusin nya yun?
Inakay ko na siya, nagpaakay naman kaya lang suray ang lakad kaya binuhat ko na lang, ‘yong parang bagong kasal at iniakyat sya sa taas..
---------------------
Shield's POV
KANINA nang sinabi ni Tristan na kung pwede daw niya ligawan si Hannah, di ko alam kung bakit ganun ang naramdaman ko parang gusto kong manapak na di ko maintidihan..
At yung time na may binulong si Xevier sa kanya, parang gusto kong magwala at isigaw na akin lang siya, pero pinigilan ko dahil alam ko na wala akong karapatan.
Pero nang sinabi niya na di pa siya nagkaka-boyfriend, parang nagdiwang ang paligid ko at ang saya saya sa pakiramdam.
Naguguluhan ako, ilang lingo pa lang kami nagkakakilala pero simula ng hinalikan ko siya ganito na ang nararamdaman ko..
Bullsh*t! Di ko alam kung ano ‘to, dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganito.
Nilapitan ko si Hannah na nakasandal na sa mesa at nakayuko.
"Hoy Ms.Assistant, tumayo ka na dyan at ihahatid na kita sa loob ‘andun na din si Tina" sabi ko habang niyuyugyog ang balikat niya, palagay ko naman e’ naalipungatan siya dahil medyo umungol lang siya.
Hinawakan ko siya sa braso, nagulat naman ako kasi bigla siyang tumunghay at pipikit pikit na tumingin sa mukha ko.
"Pumasok ka na sa loob" pag-aya ko sa kanya. Bakit ganito na naman ang nararamdaman ko? Di ko na lang binigyan pansin kung ano man ‘yon at tinayo ko na siya.
At dahil sa kalasingan napasandal siya sa dibdib ko, napahawak naman ako sa baywang niya bilang suporta..
Aakayin ko na dapat siya ng pigilan niya ako.
"Sandali! Shield?" tanong niya na parang naninigurado pa kung sino ako.
"Yeah?" sagot ko.
"May tatanong ako hik shayo?"
"Spill it" I said.
"Bakit ang gwapo mo?" tanong niya at talagang pinagmasdan pa ang mukha ko kahit medyo pipikit pikit siya at tangina naiilang ako.
"It doesn't matter. Let's go" I told her at akmang aakayin na ulit siya papasok sa loob ng bahay.
"It does" protesta niya.. "siguro madaming babaeng nagkakagusto sayo?" bigla akong napangiti sa sinabi nya.
Di ako nagsalita. Tumayo siya ng tuwid at humarap sakin, nasa baywang pa rin niya ang bisig ko. Nagulat ako ng bigla niyang ipulupot ang kamay niya sa leeg ko.
"Babawiin ko lang kung ano ang kinuha mo sa’kin"sabi niya na di ko naman maintindihan ang ibig niyang sabihin..
Kulang ang salitang pagkagulat na naramdaman ko sa ginawa niya. Dahil bigla siyang tumiyad at hinila palapit ang mukha ko sa kanyang mukha.
Naramdaman ko ang mainit at malambot niyang labi sa labi ko, ganun pa din ang lasa matamis, mabango pa din kahit uminom siya ng alak..
Di ko na napigilan. I kissed back.
Di siya marunong humalik, so do I, pero ang nakakatuwa parang may sariling buhay ang labi namin dahil kusa silang gumagalaw ng kanila.
Hanggang sa naramdaman ko na tumigil siya sa paghalik at unti unting kumakalas ang kamay niya sa batok ko, inilayo ko ang mukha ko sa kanya at nakita ko na nakatulog na siya. f**k!
Binuhat ko na siya at dinala sa taas, madaming guest room itong bahay ni coach para daw samin, kaya doon ko na lang dinala si Hannah sa kwarto kung san ako natutulog minsan. Inihiga ko siya at nilagyan ng kumot..
Tiningnan ko siya, di maipagkakaila na maganda siya. At alam ko na may crush sa kanya ang Jaguars.
Napadako ang tingin ko sa labi niya, mapula-pula ang mga ‘yon, bago pa ako mawala sa katinuan ay lumabas na ako.
Nadatnan ko naman si Xevier sa labas na nagliligpit ng kalat, nilapitan ko siya at tinulungan.
Ito lang ang nakakabwisit kapag may inuman ang Jaguars lagi na lang kaming dalawa ang nagliligpit at nagbubuhat sa mga p*tanginang lasing na Jaguars.
Kaya nga tuwang tuwa ako kapag pinaparusahan ko ang mga gago, dun man lang makabawi ako. Napansin ko na nakangiti si Xevier, anong nangyari sa gagong ito?