Chapter 6: Noticeable

2483 Words
Xevier's POV KANINA ko pa napapansin ang kakaibang aura ni Shield, parang may kakaiba sa mga mata niya. Parang ilang gabi na syang di nakakatulog ng maayos. Ano kayang tinira ng taong ‘to at parang high na high? Yo guyz! Xevier Montereal here. Best buddy ng gagong si Shieldler John ang team captain ng Jaguars. We're best friends since elementary. Marami kaming sekreto na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Quiet and serious in life ‘yang si Shield maybe I just have the guts to make fun with him. ‘Yong iba kasi takot magbiro sa kanya. Saludo sa kanya lahat ng myembro ng Jaguars dahil iba siya magpahalaga sa kaibigan. Kumbaga kahit nasa gitna ka ng away o gulo, makikipagbugbugan din siya para sayo, ganun siya sa lahat kahit pa napapansin nyo na tahimik at seryoso yan. May sasabihin akong sekretot sa inyo. Atin-atin lang wag nyo sasabihin kay Shield baka kasi masapak ako niyan, magaling pa naman manapak yan, solid sa mukha. Promise atin atin lang? Ok may tiwala naman ako sa inyo e. Alam nyo ba na hindi pa nagkaka-girlfriend yang si Shield sa tanang buhay niya. Tama kayo ng basa never pa sya nagka-syota. Konti na nga lang at iisipin ko na kasama siya sa pederasyon. Pero maiba tayo, balik tayo sa game. Hawak ngayon ni Shield ang bola at tinira sa baske, sablay! What the? Anong nangyari do’n? Nasa amin na ang bola, tumatakbo na kami papunta sa basket nila nang nilingon ko si Shield, may tinitingnan siya sa side, at nang sumulyap ako sa tinitingnan niya, anak ng.... kaya naman pala sumablay ang tira, nakakita ng magandang dilag. Teka kailan pa nagka-interest sa babae ang gagong ito? Nang makabawi sa pagkabigla napansin ko na lalong nag init sa court si Shield. Natutulala na ang ibang players sa kanya, kahit ako man. At dahil mga tulala naagaw ni Shield ang bola at mabilis na dinala sa basket, tinira... SHOOT! Napatingin kami lahat sa kanya at kitang kita ng lahat ‘yong ngiti niya habang nakatingin sa may side ng court particularly kay miss maganda kaya naman napatingin na din ang lahat sa tinitingnan niya. "Yo! Hannah!" nagulat ako sa sigaw ni Turner. Kumaway pa ang loko. Teka kilala niya si Miss ganda? Tumingin ako kay Shield, wengya nakatiimbagang siya, halatang nagpipigil. "Back to the game idiots!" sigaw ko, dahil iba na ang nararamdaman ko sa aura ni Shield. May kulay itim na aura na lumalabas sa katawan nya. Bumalik naman agad sa laro ang lahat at itinuloy na ang laban, hanggang sa matapos ito. At ang resulta? Ano pa nga ba? Edi talo kami at panalo sina Shield. Ikaw ba naman ang makakita ng itim na aura ni Shield maglalakas loob ka pa bang makiagaw sa kanya ng bola? Hindi na mga tol, kayo na lang mahal ko pa ang buhay ko taena. Matapos ang laro agad nagsilapitan ang ibang players kay Miss ganda.Tiningnan ko ulit si Shield mukhang balik na sa normal ang aura niya at naka-poker face na ulit. Si Mr. Poker face yan e. Papalapit na sa pwesto namin ang lahat kasama si Miss ganda, may hawak siyang papel. Nakikipagkulitan siya sa lahat. Napakunot naman ang noo ko. Close sila? Bakit di ko yata alam. Kapansin pansin ang pagiging masayahin ni Miss ganda. Napakaganda ng ngiti niya pero yung ngiting ‘yon unti-unti ding nawala nang nakalapit na silang lahat sa pwesto namin ni Shield. Nakita ko ang sama ng tingin niya kay Buddy. Wengya! Ako lang ba ang nakakapansin o talagang may something sa kanilang dalawa? "Captain may pinapasabi daw si Coach kaya nandito si Hannah!" pagbibigay alam ni Howard, ang chickboy ng team. "So you are a messenger?" may himig ng pang-aasar sa boses ni Shield. "What do you care?" mataray na sagot ni Miss Ganda. Anak ng! Sinagot niya si Shield ng pabalang? I smiled. Maganda ‘to. "I care because I am the captain of this team" mayabang na sagot ni Shield, na parang balewala lang sa kanya kung paano siya kausapin ng babaeng kaharap nya. Halatang nagulat si Miss ganda sa sinabi ni Shield. Di nya siguro inaasahan na captain na mismo ang kaharap niya. "You must be Shieldler John Wright?" nag-aalangang tanong nya na parang naninigurado pa. Hindi naman umimik pa si Shield at hinintay lang ang sunod na sasabihin ni Miss ganda. "I'm Hannah Marie Adaipmil, the new Assistant Manager of this team" anunsyo nya na may halong pagmamalaki na para bang balewala sa kanya kung si Shield ang captain. Tuwang tuwa naman ang mga gago sa sinabi ni Hannah. Kahit ako masaya din dahil may nadagdag na magandang dilag sa team, teka nasaan si Ms.Manager? Saan na naman pumunta ang babaeng ‘yon? Bigla naman sumigaw si Shield. "Assemble everyone!" Agad naman humanay ang lahat na parang nasa military. Nasa likod ang mga kamay ng bawat isa. Ganito talaga kami kapag mag uumpisa ang practice o kaya naman ay may mga announcement. "Tell us your annoucement Ms.Assistant" utos ni Shield with a half-smile on his lips. Inirapan lang siya ni Hannah at humarap sa ‘min, nasa may kanan niya si Shield na naka-cross arm. May something talaga sa dalawang ito at gusto kong malaman ‘yon. Di ko napigilan ang hindi mapangisi. "Hello everyone!" malakas na bati ni Hannah. Ang ganda ng ngiti niya, bakit kami nginingitian niya? Si Buddy hindi? hahaha lugi ka ngayon Shield. "I just want to inform you, that you guys will be having a practice game with St. Agustin University this coming Saturday" pagbibigay impormasyon nya. "Yes!" malakas na sigaw ni Spencer "Sa wakas!" sabi naman ni Gibson with matching inat pa ng braso pataas. "Wow! Ayos ‘yon!" natutuwang komento naman ni Burns. "Matitikman nila ang bagsik ng Jaguars" mayabang na sabi naman ni Turner “Excited na akong ilampaso ang St.Agustin" komento din ni Howard Di naman sila bilib sa mga sarili nila ano? Hayaan nyo na may karapatan naman talaga mag mayabang ang mga gagong ‘yan. Napapangiti lang sa kanila si Hannah. "Ah Hannah, ‘asan si Tina?" hindi na ako nakatiis tinanong ko na kung asan ang babaeng ‘yon. "Yun oh! Namimiss na niya si Ms.Manager!" pang-aasar ni Dela Cruz. "Wala kang pag asa kay Ms.manager, Montereal kaya sumuko ka na lang!" sabi naman ni Freeman, sabay tawa ng malakas. Aba gag* ‘to a! "Kung ako kay Tina, di kita gugustuhin, dahil ang lakas mo mang asar!" dagdag pa ni Young. Aba’t sumasabat na ngayon ang hayop. Nang tumingin ako kay Hannah, ang lawak ng ngiti niya na para bang di siya makapaniwala sa nalaman niya. Oo gusto ko si Tina kaya lang halos isumpa ako ng babaeng ‘yon, dahil sa mga pang aasar ko sa kanya. Anong magagawa ko? E ‘yon lang ang paraan ko para di niya mahalata na kinakabahan ako kapag nasa paligid lang siya. T*ngina parang bakla lang wengya. "Kasama siya ni Coach. Pumunta sila sa St.Agustin inaalam nila ang detalye ng laro niyo sa Sabado" nakangiting sagot ni Hannah sa tanong ko. Ah! nasa St.Agustin pala siy---teka.... St.Agustin? E ang daming gago doon a!. Anak ng! Hindi na ako mapakali. Nang tumingin ako sa Jaguars, nakatingin sila lahat sa’kin at p*tangina mga nagpipigil ng tawa ang mga gago. Ganun na ba ako ka-transparent? "Aminin mo na kasi ang nararamdaman mo at harapin mo na ang katotohanan na wala ka talagang pag-asa Montereal!" pang asar ni Tristan sabay tapik sa balikat ko. Tarantado talaga! "Be ready for the practice game on Saturday with St.Agustin" singit ni Shield sa biruan ng lahat. "Okay dismissed!" hudyat ‘yon na tapos na ang practice. At sabay sabay na kaming lahat lumabas ng gym at nagpunta sa headquarters para makapag-shower ang lahat. Si Hannah naman nagpaalam na tutuloy na sa sunod niyang klase. ----------------------------- Hannah’s POV MABILIS na lumipas ang mga araw. Tuwing umaga kasama na ako ng Jaguars sa practice nila pati na rin si Tina. “Umayos ka Howard ha! Ayusin mo yang pagdi-dribble mo!” bulyaw nya kay Elvin na pinaparusahan nya ngayon dahil late itong dumating. Tiningnan ko naman si Johnny na nag-pupush up sa isang tabi habang ang ibang Jaguars naman ay tumatakbo sa palibot nitong court. “Stop looking at them.” Napalingon ako sa nagsalita. “So what?” iritableng sagot ko sa kanya. Pero hindi nya ‘yon pinansin at inabutan ako ng tubig. Natitigilang tinanggap ko ‘yon. Hindi ko alam pero ilang araw na syang ganyan. May time na bigla na lang nya akong susungitan tapos biglang babait. May sira ba sya? Pero bago pa ako makapagtanong ay nakalayo na sya sa’kin at nakalapit na sa Jaguars. Mabilis natapos ang buong mag-hapon. Hindi ko akalain na magiging ganito ang buhay ko dito sa Montereal University. Hindi ko lubos maisip na makilala ko ang mga taong kahit may kaya sa buhay ay mga simple naman kung mag-isip at mamuhay. I smiled. --------------------- Xevier’s POV TINAWAGAN kami lahat ni Coach na pumunta daw sa bahay niya. Isama daw namin ang dalawang babae sa team, may pa-welcome party daw siya. Ayos! Inuman na naman. Napagdesisyunan ng lahat na sa parking area na lang mag hintayan. Nandito na ang lahat ng Jaguars nang dumating ako. Sina Tina na lang ang wala. Nakakatuwa dahil sa ilang araw na namin silang kasama during practice. May mga oras na nahuhuli ko si Shield na nakatitig kay Hannah. Napapangiti na lang ako. Mukhang timaan ang bestfriend ko. Di nagtagal ay dumating na din sina Hannah at Tina. At dahil may kanya kanyang sasakyan ang lahat maliban kay Shield na bike lang lagi ang gamit, napag-usapan na sa bahay na lang nina coach magkita kita. Nagkanya kanya na ng sakay ang iba at nauna ng umalis. Di man lang inalok ng sakay ang dalawang babae. Ano na naman ang iniisip ng mga gagong ‘yon? Pero may naisip din ako. Abala si Shield sa pag aalis ng lock ng bike niya. Hinila ko si Tina at isinakay sa kotse ko. Di na sya nakatanggi dahil sa gulat. Pinaharurot ko na ng takbo ang sasakyan ko at iniwan ko na din si Hannah at Shield. Napansin ko lang kasi bagay sila. Magkalove life na kaya ang bestfriend ko? Pakialam ko ba dun may sarili akong promblema sa pag-ibig wengya. Napansin ko naman na tahimik lang si Tina sa tabi ko. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana nang sulyapan ko siya ----------------- Shield's POV MGA GAGO talaga! Di man lang pinasakay si Hannah. Napansin ko naman na naglalakad na siya palayo sa’kin. Sumakay na ako sa bike ko at pinaandar ‘yon, huminto ako sa sa tabi niya. "Sakay." Maawtoridad na utos ko ng hindi tumitingin sa kanya. Pero hindi sya sumagot kaya naman nilingon ko na sya. Isang nagtatakang tingin ang ibinigay nya sa’kin. Huminga ako ng malalim. "Sumabay ka na sa’kin." Konting paliwanag ko sa ibig kong sabihin kanina. "Bakit ako sasabay sayo?” tanong nya. Parang gusto kong mainis sa way nya pagsagot sa’kin. "Bakit? Alam mo ba ang bahay ni Coach?" asar na tanong ko. Mukhang napaisip naman siya. "Hindi! Pero ayoko pa din sumabay sa’yo, baka mahulog pa ako dyan sa bike mo!" pangangatwiran pa nya. "Di ko hahayaan mangyari ‘yon." I said unintentionally. And I saw how shocked she is. Kahit ako, nagulat din ako sa sinabi ko. "Sasakay ka ba o iiwan kita dito mag isa?!" bigla akong nakaramdam ng inis. Lihim akong napangiti nang lumapit sya at sumakay sa likod ng bike ko. "Humawak ka ng maayos" utos ko nang mapansin ko na nakahawak lang siya sa laylayan ng damit ko. "Nakahawak na ako." sagot nya. Kinuha ko ang dalawang kamay niya na nakahawak sa damit ko, at ipinulupot iyon sa baywang ko, di naman na siya pumalag pa. Napansin na rin siguro niya na kanina pa kami dito. Nang alam ko na okay na, pinatakbo ko na ang bike ko, medyo may kalayuan din ang bahay ni Coach mula sa school. Naramdaman ko na inilapat ni Hannah ang pisngi niya sa likuran ko.. Ito na naman ako sa kakaibang nararamdaman ko, para akong kinakabahan na hindi ko maintindihan. Damn! Di nagtagal ay nakarating din kami sa bahay ni Coach. Nauna na syang bumaba at isinandal ko naman sa pader ang bike ko at pumasok na sa loob ng gate. Nadatnan namin na nagkakatuwaan na ang mga gago mukhang ihaw party ang magaganap ngayon. Napatingin sila sa’min nang mapansin nila kaming papalapit. Dito lang ang venue namin sa harapan ng bahay nina coach, medyo malawak kasi ang space na ito ng bakuran nila kaya naman pwedeng pwede mag ihaw party dito. Lumapit agad si Hannah kay Tina at ako naman umupo kung nasaan ang Jaguars. Umiinom na ang iba sa kanila, basta alak di papahuli ang mga gago. Inabutan na din ako ni Montereal ng mapansin niya ako. "Ayos ba?" tanong niya nang kunin ko yung beer na inaalok nya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tiningnan ng masama. Ano na naman kaya ang sinasabi ng hayop na bestfriend kong ito? "Ang ganda niya di ba Shield?" tanong niya at hindi pinansin ang masamang tingin ko sa kanya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya at tiningnan ko kung saan siya nakatingin. Kay Hannah pala na abala sa pag iihaw. Yeah right she's pretty! Pag sang-ayon ng isip ko. "Sabi ni Tina simple lang daw si Hannah" nag umpisa ng magkwento ang tarantado pero dahil interesado ako sa sasabihin niya ay nakinig na lang ako at di na umimik pa. "Di daw ganun kayaman dahil scholar lang din daw ng school namin.” tahimik lang akong nakikinig sa kanya. "Nasa probinsya din daw ang pamilya niya tulad din ni Tina" pagpapatuloy ni Montereal. At dahil nakatingin ako kay Hannah, napansin ko na may sinabi siya kay Tina, pero umiling naman ‘yong isa at lumapit naman siya kay Spencer at iniabot naman ni Spencer ang cellphone niya kay Hannah. Mukhang makikitawag yata siya. Pinagmamasdan ko lang siya nang lumayo siya ng konti, pinipindot na niya ang cellphone nang makita ko na tinampal tampal niya ang noo niya. At base sa reaksyon niya mukhang wala siyang memorize na number kahit isa sa mga kapamilya niya. May pagka-engot. Kaya naman nilapitan ko na siya, medyo nagulat pa nga siya nang lumingon siya sa’kin. Iniabot ko sa kanya ang cellphone ko, nilagay ko na din ang sim nya doon. "Ito na muna ang gamitin mo, habang di pa ako nakakabili ng bago na ipapalit sa nasira mong cellphone" sabi ko at kitang kita ko ang pagkagulat at pagkatulala niya sa sinabi ko. Bakit ba lagi na lang natutulala ‘to? Halikan ko kaya ulit ito ng matauhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD