Chapter 5: The JAGUARS

2262 Words
Hannah's POV IT’S BEEN a week since my encounter with Mr. Yabang. Nandito na ako sa room, wala pa masyadong tao dahil medyo maaga pa. Inikot ko ang mga mata ko sa paligid, hinahanap ko si Tina pero di ko siya makita. Unti-unti ng dumadami ang tao sa loob, 10 minutes na lang 7 am na. Bakit wala pa din siya? Hanggang sa dumating si prof ay wala pa din si Tina, ano kayang nangyari sa babaeng ‘yon? "Good morning" prof greeted us with a smile. "Good morning Miss" we greeted her backed. Abala ako sa pag aayos ng gamit sa bag ko ng tawagin ako ni Miss. "Miss Adaipmil, please do report at dean's office" she informed me. "Why Miss? What have I done?!" tanong ko, nakakapagtaka naman kasi na ipatawag ako ng ganito kaaga, wala naman akong ibang ginawa ngayon, maliban dun sa----I frozed. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Oh my gulay! Hindi kaya may nakakita samin ni yabang nang hinalikan niya ako? Ano ba? Wala bang expiration ang kamalasan ko? Wala naman akong maalala na nag unli ako ng two weeks kamalasan sa buhay ah. Ano ‘to for free? Parang f*******: lang sa mobile? "Dean wants to talk to you" sabi ni Prof. "Don't worry you're excuse in my class." Di na ako sumagot, tumayo na lang ako, dala dala ang gamit ko. PAGPASOK ko sa loob nagulat ako kasi nandito pala si Tina. May kasama siya, isang di katandaang lalaki, parang nasa mid-30s. Kausap nila si Dean, lumingon sila sakin nang maramdaman nila ang presensya ko. "O! Hi Miss Adaipmil, please come in.” agad na sabi ni Dean. Sumunod naman ako at naupo sa tabi ni Tina, naka-ngiti siya sakin. I smiled back. "Kaya pala wala ka sa room kasi nandito ka." bulong ko sa kanya "Ano bang meron?' Ngumiti lang siya.. "Miss Adaipmil I want you to meet Coach Roger" sabi ni Dean napatingin naman ako sa tinawag niyang Coach. Nagtataka man kung bakit ako narito inabot ko na lang ang kamay ko sa nakalahad na kamay ni Coach. Coach ng ano? Ang alam ko kasi madaming sport na sinasalihan ang University. "You might be curious why you are here Ms.Adaipmil" sabi ni Dean, buti nahalata nyo Ma'am. Ngumiti na lang ako. Ano bang dapat kong sabihin? E di ko naman talaga alam kung bakit nandito ako. At itong si Tina kanina pa nakangiti sakin. "Well, as you can see Ms. Adaipmil, nangangailangan si Coach Roger ng tutulong sa team niya, bukod kasi kay Ms. Bautista wala ng ibang nag-aasikaso sa team dahil masyado din madaming ginagawa ang iba" paliwanag ni Dean, naguguluhan man hinintay ko na lang ang sunod pa niyang sasabihin. "As part of being one of the scholars of this University, you are required to help in the activities given by the school and now I am assigning you to help in basketball team. You will be the assistant manager of the team" dagdag pa ni Dean. Kaya naman pala kanina pa nakangiti itong si Tina kasi makakasama ko siya sa team. Bigla akong nakaramdam ng excitement, di nyo kasi naitatanong may alam din ako sa basketball dahil mga players din sa Adaipmil University ang mga pinsan ko. "If you have questions or clarification, just ask me." napatingin ako kay Coach Roger mukhang mabait naman siya. Ngumiti naman ako sa kanya. "So, welcome to the team Ms.Adaipmil." sabi pa niya at muling iniabot sa’kin ang kamay niya. "Hannah na lang po ang itawag n’yo sa’kin Coach." natutuwang sabi ko at nakipagkamay na din. "That's settled then?" tanong ni Dean. Tumango naman ako bilang sagot. Muli syang bumaling kay Coach. "Good luck sa game Mr.Roger." sabay kamay din kay coach. Sabay sabay kaming lumabas ng Dean's Office. Naglalakad na kami sa hallway, mangilan ngilan lang ang estudyante sa labas dahil may klase na ang iba. Akala ko tutuloy na kami ni Tina sa klase namin pero bigla n’ya akong hinila at sumunod kami kay Coach. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang room na malapit sa gym. May nakasulat sa taas ng pinto na “Jaguars' Headquarters” Pagpasok namin sa loob, napansin ko na agad ang halos labing anim na locker na nasa loob. Ang laki ng headquarters nila, kasing-laki din ng headquarters ng Eagles. Makikita mo ang isang lagayan na puro bola, may mga towel din na maayos ang pagkakapatas, ang laki din ng shower room. Teka 16? Akala ko ba 13 lang ang players ng team, tiningnan ko ang bawat pinto ng locker may mga nakasulat na pangalan, sinimulan ko sa pinakauna kasi ‘yon ang malapit sakin. 1. Shieldler John Wright (The Captain) 2. Xevier Montereal (The Handsome) 3. Jason Dela Cruz (The Crazy) Napapangiti na ako sa nababasa ko, bakit may ganito ‘to? 4. Johnny Spencer (The Girl Magnet) 5. Tristan Turner (The Bully) 6. Kevin Young (The Librarian) Alam ko na kung bakit the librarian kasi noong nasa room kami, siya lagi ang tagasaway sa mga players na maingay sa klase. I smiled. 7. Jonathan Miller (The Drunkard) 8. Elvin Howard (The Chickboy) 9. Elmar Gray (The Mute) Tapos ‘yong mga sumunod di ko na kinaya, natawa na ako. 10. Alfred Gibson ( The Basurero) 11. Anthony Fisher (The Mangingisda) 12. Rosmar Freeman (The Bilanggo) 13. Joel Burns (Ang Taong Sunog) Ang lakas ng trip ng mga tao dito. Napatigil lang ako sa pagtawa nang makita ko ang sumunod. 14. Roger Grant (The Coach) 15. Tina Bautista (The Manager) At nakita ko si Tina na may nilagay dun sa lagayan ng pangalan sa sunod na locker. 16. Hannah Marie Adaipmil (The Princess) Napakunot naman ang noo ko. Binigyan ko si Tina ng nagtatakang tingin. "Wala kasi akong maisip na ilagay sa name mo e."sabi niya sabay ngiti. "Dapat 'The Assistant' na lang ang nilagay mo friend" sabi ko. "Di kasi bagay sayo ang titulong ‘yon friend. No offense ha, mas bagay sayo ang Princess.” sabi niya. Di mo lang alam prend, I am so sick for that title. Ngumiti ako sa kanya at lumapit sa locker at kinuha ang papel na pinagsusulatan ng pangalan ko at pinalitan ko ng 'The Assistant'. "Ayan, much better" sabi ko kay Tina. 16. Hannah Marie Adaipmil (The Assistant) "Magdala ka ng mga extrang damit, kasi kung minsan kapag nagpapractice ang team dapat nando’n tayo to check and assist each one of them" imporma ni Tina at naupo sa isang sofa na nandito, umupo din ako malapit sa kanya. "Wag kang mag alala you are permitted to scold them if they do something wrong." sabi ni Coach na nakaupo din. Napangiti ako sa sinabi niya, parang ang hirap naman pagalitan ang mga ‘yon lalo na at assistant lang naman ako. May iniabot sakin si Tina na papel. "Listahan ‘yan ng school at mga players na makakalaban ng school natin sa darating na Sabado" sabi pa ni Coach, "Di pa alam ng mga players na may laban sila this coming Saturday dahil kadarating lang ng sulat na yan kanina. It's just a practice game requested by that school." dagdag pa ni coach na ang tinutukoy ay ang school na nakasulat sa papel. "Ano pong gagawin ko dito?" tanong ko kay coach at itinaas ang papel. "Ikaw na ang magsabi sa team. Nasa gym sila ngayon, may morning practice. Patapos na din siguro ‘yon." sabi ni Coach sabay tayo. Tiningnan ko naman si Tina at binigyan siya ng 'help me' look. "Oops sorry friend, may pupuntahan kami ni Coach." sabi niya nang mapansin niya ‘yong tingin ko. "Saan?” Nagtatakang tanong ko. "Pupuntahan namin ang school na ‘yan" sabay turo sa papel na hawak ko. "At kakausapin namin ang coach doon personally at itatanong na din kung kaninong court ang gagamitin" dagdag pa nya. "Ah okay. Di naman siguro ako kakainin ng Jaguars di ba?" pabiro kong tanong kay Tina pero ang totoo medyo kinakabahan ako. Natawa lang sila ni Coach sa sinabi ko. "O paano Hannah aalis na kami. Babalik din agad kami as long as makausap namin ang coach ng opponent natin" sabi ni coach. Nandito na kami sa labas ng headquarters. "Ikaw na bahala sa kanila friend, kaya mo yan!" pagche-cheer pa ni Tina sa’kin at naglakad na sila paalis. Ako naman naglakad na papunta sa direksyon ng gym. Malapit lang naman kaya di na ako nahirapan. Sa labas pa lang naririnig ko na ang dribble ng bola at ang bawat kiskis ng sapatos sa court. Pagpasok ko nakita ko na naglalaro pa sila, kaya naman naupo na lang muna ako sa tabi at hinintay silang matapos. Pinapanuod ko ang bawat kilos nila sa court napapa-wow na lang ako kasi ang gagaling nila. Lalo na si jersey number 2, grabe ang tangkad niya. Teka parang pamilyar siya. Tiningnan ko pa syang mabuti. Hindi ako pwedeng magkamali, dahil ang mukhang ‘yon mahirap kalimutan. Tama kayo si Yabang nga at anong ginagawa niya dito? Malamang player din yan kaya nga nasa court at naglalaro di ba? Parang gusto ko ng mag back-out. Pero hindi, hindi dapat ako matakot sa kanya. Huminga ako ng malalim, wala na tayong magagawa nandito na ako sa kalagayan kong ito, sa ayaw at sa gusto ko makikita ko siya lagi. Napatingin ako sa labi niya at naalala ko kung gaano kalambot ‘yon. Mabilis kong ipinilig ang ulo. No! I have to forget the kiss we shared. Napansin ko na naka-half smile siya habang naglalaro, may topak talaga. ---------------- Shield's POV Dahil sa encounter namin ni Miss Cellphone, naunahan ako ng jaguars sa gym a week ago. At ngayong araw panibagong araw na late na naman ako. Langya lakas kasi manggulo ng utak ng babaeng ‘yon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang kahapon ko lang sya hinalikan kahit ang totoo ay isang linggo na ang nakakalipas. Parang nararamdaman ko pa din ang mga labi nya sa labi ko. Halos di ako makatulog ng maayos sa gabi dahil nya. I tried to forget about our encounter but its fvcking hard. Dammit! I glance at my watch, another late day. Dito na ako dumeretso sa gym at hindi na dumaan sa headquarters. Nakita ko na nagwawarm-up na sila, may practice game kasi kami ngayon. Lumapit ako sa kanila at nag warm up na din ng konti. "Assemble everyone!’ I shouted with authority. Nagsihanay naman agad sila. Aba himala walang late. Buti naman at nadala na sila, nanawa na yata sa push ups. "Ok. This will be the division of the players." sabi ko at may ipinakitang maliit na white board kung saan nakasulat ang division ng players. Go Push Team 1. Montereal 2. Spencer 3. Dela cruz 4. Burns 5. Gibson Go Pull Team 1. Fisher 2. Freeman 3. Howard 4. Gray 5. Wright Referee- Miller Umpire- Young Scorer- Turner "Maglalaro ka din Captain?" Spencer asked. "Got a problem on that Spencer?!" I asked back with a glare. Napansin ko naman na nagtataka ang lahat, dahil di naman talaga ako sumasali kapag practice game with Jaguars karaniwan kasi practice game with the other school lang ang sinasalihan ko o kaya kapag sinabi ni Coach. "Wala naman Captain, na-excite lang ako hehehe" sagot ni Spencer na may alanganing ngiti. Di ko alam kung bakit takot sa’kin ang mga ungas na ‘to. "Okay! You may now proceed to your team!" I said. Mabilis na umalis ang Go Push Team at pumunta sa kabilang side. Kung tatanungin n’yo ako kung bakit ganun ang pangalan ng bawat team, ‘yon ay dahil ang kapatid ko ang nakaisip. Hinarap ko naman ang team ko. "This will be your position assholes." sabi ko habang nagsusulat sa white board na maliit na may drawing na isang court. "Fisher you will be the point guard." I said and I pointed out the three point area. "And I am the shooting guard. Freeman, you will be the small forward. Howard, you'll be the power forward and lastly, Gray, the center." Pagkatapos no’n, nag-umpisa na agad ang game. Di ko alam kung bakit ganado ako maglaro. Sa totoo lang wala naman talaga akong balak sumali sa practice, pero dahil masyado na akong ginugulo ni Miss Cellphone sa isip ko, kailangan ko ito para mabaling sa iba ang atensyon ko. Nararamdaman din siguro ng jaguars ang aura ko, natutulala kasi ang mga gago. Nasa akin ang bola ngayon isho-shoot ko na dapat nang mapansin ko na may pumasok na babae sa gym. Parang pamilyar siya. At dahil naagaw niya ang atensyon ko sumablay ang tira ko sa bola, parang nagulat pa ang jaguars dahil ngayon lang ako nakasablay ng bola. F*ck! Kung kailan naman pilit ko syang inaalis sa isip ko, saka naman sya nagpakita ulit. Hindi ko agad napansin na nasa kabilang team na ang bola, tumakbo na din ako papunta sa kabilang court pero sinulyapan ko muna ‘yong babae, umupo siya sa may tabing bahagi ng court. At dahil sa presensya niya lalo akong nag-init sa laro. Natulala na ng tuluyan ang mga gago, nagising lang ang diwa nila nang maagaw ko ang bola at mabilis na dinala sa kabilang basket. Tinira ko, pasok! Tumingin ako sa kanya, at ngumiti ng konti. Nakita ‘yon ng Jaguars kaya tumingin din sila sa tinitingnan ko.Damn! Wala kayong karapatan tingnan siya, pinigilan ko ang sarili ko na sabihin ang mga salitang naghuhumiyaw sa isip ko. Teka nga, ano ba ‘tong iniisip ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD