Hannah's POV
MAAGA talaga akong gumising ngayong araw dahil ayoko nang ma-late sa second day ko sa school. And besides walking distance lang naman ang school mula sa apartment, napagpasyahan kong lakarin na lang tutal maaga pa naman. Mukhang umulan yata kagabi kasi basa ang kalsada at medyo malamig ang simoy ng hangin.
Naglalakad ako ng mag-vibrate ang cellphone ko.
2 messages recieved
Tiningnan ko muna yung unang text at binasa..
From: Friend Tina
Good morning friend, see you later sa school. Nga pla mamayang hapon na ako lilipat sa apartment mo ha. See yah :)
Nireplyan ko naman agad siya.
To: Friend Tina From: Cousin Zach
Hoy! Hannah Marie Adaipmil, bakit di ka pumapasok? Alam mo ba na halos itaob na namin ang buong Adaipmil University dahil di ka namin makita kahapon? Ito ang unang beses na di ka pumasok sa school. Pinuntahan ka namin sa mansyon kahapon pero sabi ni Tita hindi ka na daw do’n nakatira, at di niya sinabi ang rason. Mapipitik talaga kita sa noo kapag nakita kita.
Napangiti na lang ako nang mabasa ko ang text ni Kuya Zach. Naiimagine ko kasi ang itsura niya habang tinitext niya 'to, sigurado ako kunot na kunot ang noo niya at medyo asar.
Rireplyan ko na dapat siya nang biglang may bumusina ng malakas, at sa gulat ko nabitawan ko ang cellphone ko. Lumingon ako doon sa mga sasakyan sa kalsada, nasa tabihan naman ako at kitang kita ko kung paano sumingit sa mga sasakyan ang isang lalaking naka'bisikleta' lang.
Ang lakas din nga naman ng loob, ‘yon siguro ang dahilan ng pagbusina ng mga sasakyan kanina.
Dadamputin ko na sana ang cellphone ko at lalapitan ‘yon ng biglang daanan ito ng gulong ng isang bike, kitang kita ko kung paano nag-crack ‘yong screen ng cellphone ko. Nag-slow motion pa nga ang pagkakasira ng cellphone ko sa paningin ko. Halos manlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.
Agad kong hinabol ng tingin ‘yong lalaking naka-bisikleta at napansin ko na papunta din siya sa direksyon ng school. Di na ako nagpatumpik tumpik pa, agad kong kinuha ang sirang cellphone ko at tumakbo papunta sa direksyon niya.
Tama nga ang hinala ko dito din pumapasok ang walang modo na lalaking ‘yon. Nasa loob na kami ng campus at nakita ko naman na papunta siya sa may parking area.
Napakapit na ako sa tuhod ko sa sobrang pagod. Huminga ako ng malalim at sinugod ko ang lalaki. Nakita kong nilalagyan niya ng lock ang bike niya.
"Hoy!" pagkuha ko ng atensyon nya pero parang wala siyang narinig.
"Hoy! Lalaking pinaglihi sa pedal ng bike!" mas nilakasan ko pa ang boses ko pero di pa rin nya ako pinansin, tumayo na siya at sinukbit ang bag niya at naglakad paalis. Di man lang ako nilingon at tinapunan ng tingin.
Ah gano’n ha? Ikaw pa may ganang mang-deadma ha. Teka lang. Inihanda ko ang sarili ko at ibinato ko ng malakas ang cellphone ko.
POK!
Gusto kong matawa ng malakas nang tumama ‘yon sapol sa ulo nya. Buti nga! Mas lumawak ang ngiti ko nang tumigil siya sa paglalakad.
Unti-unti siyang lumingon sa direksyon ko at kasabay ng paglingon niya ang unti-unti ding pagkawala ng mga ngiti ko.
God! Ang gwapo nya,feeling ko bumagal ang ikot ng mundo. Nang mapatingin ako sa mata niya, doon lang ako natauhan dahil galit na galit siya.
"What the f*ck is your problem!?" muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa lakas ng sigaw niya.
Take note, nagulat lang pero di natakot.
"You are my problem!" sabi ko na medyo diniinan ang pagkakasabi ng 'you' at nakipag-tagisan ng tingin sa kanya. Anong akala niya sa’kin papatalo agad agad? Bakit? Dahil gwapo siya at grabe ang tangkad niya? No way!
Kumunot ang noo niya na wari'y nagtataka sa sinasabi ko.
Magsasalita pa sana ako pero napansin kong lumalapit siya sa’kin. Bigla akong kinabahan.
"Are you one of those girls, who are killing their selves, just to get my attention?" tanong niya at nakita ko ang pag-smirk niya. Aba! ‘e gago pala ‘to!
Bago ko pa napigilan ang sarili ko ay nasampal ko na siya.
"Hoy! Hindi porket gwapo ka, ay may karapatan ka ng magmayabang. Gusto ko lang naman malaman mo na----" di ko naituloy ‘yong sasabihin ko nang magsalita na siya.
"You have the damn guts!" tiim-bagang na sabi nya nang makabawi siya sa sampal ko at napansin ko na lang na nasa baywang ko na ang isang braso niya. "So this is your fvcking way to catch my attention huh! I'll give it to you."
Di ko alam ang ibig niyang sabihin, wala akong ideya sa mga sinasabi niya. Nataranta ang buong pagkatao ko nang dahan dahan siyang yumuko at hinapit pa lalo ang baywang ko at unti-unting lumalapit ang mukha niya sa’kin, ang bilis ng t***k ng puso ko.
"KISS BACK AND YOU'RE MINE" sabi niya. Bago pa ako maka-react ay naramdaman ko na lang ang malambot at mainit niyang labi sa labi ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko may mga paro paro sa loob ng tiyan ko at para bang tuwang tuwa sila dahil binuhay sila ng taong humahalik sakin ngayon. Nagulat ako sa ginawa niya pero di nagtagal napapikit ako at sa di ko maintindihang dahilan naramdaman ko na lang na tumugon ako sa halik niya.
Sa gitna ng pagtugon ko naramdaman ko na ngumiti siya na parang bang sinasabi ng ngiting ‘yon na nagtagumpay siya. At dahil doon pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig at bumalik sa katinuan.
Naitulak ko siya ng malakas, dahilan para mapaatras sya. Ngumisi s’ya ng nakakaloko.
"You kissed back. Meaning you're mine" he said with a playful smile on his sexy lips.
"You’re mine, your face!" asar na bulyaw ko sa kanya. At tiningnan sya ng masama. Di ko na alam ang sasabihin ko dahil di na mag-function ng ayos ang utak ko at pakiramdam ko habang tinitingnan ko siya lalong bumibilis ang t***k ng puso ko kaya nagbawi na lang ako ng tingin at yumuko.
Ramdam ko ang pag iinit ng dalawang pisngi ko. Ito na ba yung oras na dapat umiyak ako kasi nawala na ang first kiss ko? E bakit parang di naman ako naiiyak mas tuwa pa nga ang nararamdaman ko. Nababaliw na ako.
Di ko na namalayan na naglalakad na pala ako ng tulala at iniwan na lang si.... sino nga ba ‘yon? Si yabang? Oo si yabang nga. At anong sabi nya isa ako sa mga babaeng handang magpakamatay para makuha ang atensyon niya? Kinapa ko ang buhok ko sa pag aakalang nagulo dahil sa lakas ng hangin niya.
Bumalik lang ako sa katinuan nang maalala ko ang cellphone ko. Di ko na lang pinansin ‘yong sinabi niya na "you're mine". Lagot ako nito. Baka isipin ni Daddy may masama ng nangyari sa’kin grabe pa naman ‘yon mag alala. Bibili na lang siguro ako ng bagong cellphone.
Mulo kong nasapo ko ang ulo ko ng maalala ko na nanakaw nga pala kahapon ang wallet ko at wala akong kapera pera ngayon, ‘yon din ang dahilan ko kung bakit ako nag lakad kanina. Parang gusto kong maiyak. Ang pangarap ko mamuhay ng simple, hindi mamuhay sa kamalasan.
Bakit ba unti-unti akong nawawalan? Una ang wallet ko. Pangalawa, ‘yong cellphone ko. At pangatlo, ang first kiss ko! Lintik lang ang walang ganti! Ninakaw niya ang ang first kiss ko, pwes babawiin ko ‘yon.
------------------------
Shield's POV
MAY practice game ulit ngayon ang team kaya maaga akong pumasok.
Nagmamadali akong makarating sa gym para maunahan ko ang jaguars at magkaro’n ako ng dahilan para parusahan sila. Hindi ko mapigilang hindi mapangisi.
Wala akong pakialam kahit nag oovertake na ako sa mga sasakyan sa kalsada. Narinig kong pang bumusina ng malakas ang isang kotse na nalampasan ko, di ko pinansin ‘yon at dere-deretso lang ako. Napagpasyahan kong sa tabi ng kalsada na lang dumaan para mas mabilis.
Deretso lang ang tingin ko at napasin ko ang isang babae na akmang yuyuko pero bago pa man n’ya makuha kung ano man ang kukunin nya, ay nilampasan ko na sya at parang may naramdaman ako na nadaanan ng gulong ng bike ko, pero di ko na lang pinansin at nagtuloy tuloy na lang. Mahirap na baka maunahan pa ako ng Jaguars.
Nakasanayan ko ng pumasok ng naka-bike lang. Marami ng inalok si tanda sa’kin na magaganda at mamahaling kotse pero di ko tinanggap. My anger for him is still visible because on what he did. Hinadlangan nya ang pagsasama ng parents ko. I am thankful because dad never gives up.
Si Mama kasi simpleng babae lang hindi sya nagmula sa mayamang angkan. Noong nagkakilala sila ni Papa at nagkaibigan hinadlangan sila ni Tanda. Binalaan ni Tanda si Papa na walang mamanahing yaman kapag di niya iniwan si Mama pero dahil may paninindigan si Papa ipinaglaban niya si Mama at namuhay ng simple. Galit ako kay Tanda dahil akala niya lahat ng bagay nadadaan sa pera.
Kamakailan ko lang nalaman na humingi na pala ng tawad si tanda kay Papa matagal ng panahon noong nabubuhay pa ito at pinapabalik sa mansyon nila kasama si mama at kami. Pero nakapag-desisyon na si papa na mamuhay na lang ng simple pero napatawad na naman niya si tanda pero ako hindi.
Abala ako sa paglalagay ng lock sa bike ko nang may nagsalita sa likuran ko.
"Hoy!" boses ng babae, di ko sya pinansin. Ano na naman ba? Ilang babae ba ang dapat mapahiya para lang tigilan ako.
"Hoy! lalaking pinaglihi sa pedal ng bike!" gusto kong mainis dahil sa lakas ng boses n’ya. Pero di ko pa rin sya tinapunan ng tingin. Wala talaga akong balak pansinin siya. Kaya naman tumayo na ako at kinuha ang bag at naglakad paalis di ko na sya nilingon.
Nang biglang may tumama sa ulo ko na matigas na bagay. Medyo masakit ‘yon. Unti-unti kong nilingon ang gumawa ng kapangahasan sa’kin at ng makalingon ako, isang babaeng nakangiti ang nabungaran ko pero unti-unti ding nawala ang mga ngiti niya. Maganda siya.Tiningnan ko ang kabuuan ng mukha nya.
Aaminin ko ngayon lang ako nagandahan sa isang babae. Ang mga labi niya natural na mapula at ang pisngi nya. f**k! What's happening on me?
"What the f*ck is your problem!?" bulyaw ko ng may pagkainis dahil di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
"You are my problem!"sagot niya na para bang pinagdidiinan na ako ang problema nya. Oh c'mon don't tell me na isa siya sa mga babaeng uhaw sa atensyon ko. Oo alam ko, gwapo ako pero di ako katulad ng iba na basta na makapili ng babae. At higit sa lahat gusto kong malaman n’yo na ayoko sa babaeng mayaman. Ang katulad ni mama ang gusto ko, simple at ordinaryo.
E sa itsura pa lang ng babaeng ito halata ng mayaman, kutis pa lang.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya.
"Are you one of those girls, who are killing their selves, just to get my attention?" I asked her. Di ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapangisi dahil sa ekspresyon ng nakikita ko sa mga mata n’ya.
Kinagat ko ang labi ko nang sampalin nya ako ng malakas sa mukha. Siya pa lang ang kauna-unahang babaeng nakasampal sa’kin. Dammit!
"Hoy! Hindi porket gwapo ka, ay may karapatan ka ng magmayabang. Gusto ko lang naman malaman mo na----"
"You have the damn guts!" I cutted her words nang makabawi ako sa sampal niya. Mabilis kong ipinulupot ang braso ko sa baywang niya "So this is your fvcking way to catch my attention? I'll give it to you" I added. Kanina pa ako naaakit sa labi niya. Unti-unti akong yumuko at hinapit ang baywang nya palapit sakin at inilapit ang mukha ko sa kanya.
"KISS BACK AND YOU'RE MINE" I said.
Nang lumapat ang labi ko sa labi niya, tama ang hinala ko ang tamis at ang lambot para bang hinulma ang mga labi niya para sa’kin lang talaga. Naramdaman ko naman na nagulat siya sa ginawa ko at ang higit na ikinatuwa ko naramdaman ko ang pagtugon niya.
At nagustuhan ko ang pagtugon niya, kaya di ko napigilan ang ngiti ko sa sobrang tuwa. Pero bigla na lang nya akong tinulak kaya napaatras ako.
I smirked. Ang ganda niya talaga. Fvck! Ano bang nangyayari sa’kin?
""You kissed back, meaning you're mine" I said with uncontrolled smile on my lips.
"You’re mine, your face" asar na sabi niya. At tinapunan ako ng matalim na tingin. Pero agad din naman niyang binawi at yumuko, nakita ko pa ang pamumula ng pisngi niya. Tapos bigla na lang syang tumalikod at naglakad palayo. Anong nangyari do’n?
Susundan ko pa sana sya ng maalala kong may practice nga pala ang team.Napangiti na lang ako habang pinapanuod ko ang bawat hakbang niya, mapapansin mo na wala siya sa sarili.
What the hell are you thinking Shield? She's out of your league. Pero di ko maiwasan and di mapangiti kapag naalala ko ang mukha niya. Fvck!
Napasabunot na lang ako sa buhok ko at tumalikod na papunta sa direksyon ng gym. Pero may bigla akong naapakan, pagtingin ko sirang cellphone. Ito yata ang binato sakin ng babaeng ‘yon kaya naman pala ang sakit.
Pero teka bakit naman niya 'to ibabato sakin out of the blue?
Hanggang sa naalala ko ang babaeng yuyuko sana sa may daan, nang may madaanan ang bike ko na parang nag-crack. Then I realized one thing. I broked her cellphone. Oh son of a b*tch! What have you done Shield?
Ngayon lang ako natauhan parang di ko kilala ang sarili ko kanina pero bakit hindi ako makaramdam ng pagsisisi tuwa ang mas nangingibabaw.
I kissed her, and she kissed back, meaning SHE'S MINE.