(Blamore)
“S—sir! Sir!?” Milo snapped his finger in front of me.
“What?” angil ko. “Are you saying something?” tanong ko. Mukhang wala sa tamang wisyo kasi ngayon ang utak ko. Lumilipad at ginugulo ng babaeng iyon ang isipan ko. Mula pa ka gabi na hindi niya ako pinatulog dahil sa halik na iyon. Damn! It was just a kiss. It's not even my first time but why it feels like my first time.
“Tumawag na po pala iyong sekretarya ni Mr. Lee at natanggap na po nila ang kontrata, sir.” sagot ni Milo. I nod my head.
“Okay,” tipid kong sagot. Bumuntong-hininga ako. “Ano pa ba ang natitira kong schedule for today?” I asked. Tinanggal ko ang suot kong salamin sa mata at marahang hinilot ang aking sintido.
Milo looked at his plan notebook quickly. Tumingin ito sa akin. “You have dinner with your Lolo Claude at 8 P.M, sir.”
Tumingin ako sa aking relo. It was 6: 30 P.M already. Saturday night pala ngayon at kada sabado, laging nasa schedule namin ni Lolo ang dinner together. That is the time we talked as grandson and grandfather to each other.
“Just give him a call later, maybe I will be a bit late.” wika ko. Muli kong tiningnan ang laptop ko sa aking harapan. “I just have something to finish up.”
“Right away, sir.” tugon ni Milo. “May—isa po sana akong request sir.” ani ni Milo. Bahagya ko siyang tiningala na nakakunot ang aking noo.
“What is it?” tanong ko.
“Pwede po bang hindi ako mag-overtime today, sir? Birthday kasi ng pamangkin ko.” paliwanag ni Milo.
Saglit akong nag-isip at tumango rin naman kaagad bilang pagpayag.
“Sure! Maybe, I need to go home early too. I think I have a severe headache.” sagot ko. Bigla na rin kasi akong tinamad magtrabaho. Seems like my mind is full of thoughts that I shouldn't have to be bothered. Sinara ko na ang laptop na nasa harapan ko. “Don't bother to call my Lolo anymore. Pupuntahan ko na lang siya sa opisina niya mamaya.”
Ngumiti naman ng malapad si Milo. “Thank you, sir.”
“No, problem. You can leave early if you want too.”
“I would love it, sir. Thank you and see you tomorrow.”
Dali-dali na rin nagligpit si Milo ng kanyang mga gamit at ilang segundo ang lumipas ay mag-isa na lang ako sa loob ng opisina. Pumihit ako patalikod at bahagyang itinaas ang blindfolded na kurtina na nakatabing sa aking likuran. Tumingala ako sa kalangitan at bumaba ang tingin ko sa malaking billboard sa harapan ko.
I saw a familiar face. A beautiful face. The face I always love to see before. The face that broke me and the face that I can't move on.
“Oh, Jhulz!” mahina kong anas. Napabuntong-hininga. Muli akong tumingala at mabilis na sinara na ang kurtina. I shouldn't let myself be bothered by her anymore.
“You still can't move on to her?” ani ng boses sa likuran ko. Pumihit ako paharap. Nakita ko si Lolo na nakatayo habang nakapamulsa ang isang kamay. Bahagya siyang nakangiti sa akin.
“I am!” deretsa kong sagot. “I was supposed to go to your office but since you're here. So, shall we?” aya ko. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko sa drawer at inayos ang suot kong itim na blazer.
“Well, I'm here to tell you that your Lolo Martin just called me this afternoon and invited us to dinner at their house.”
“What!?” nanlaki ang mata ko sa gulat. “I'm gonna see that woman again?” pipi kong tanong sa aking isipan. “I mean, why?”
“Well, it's perfect timing na rin for the four of us to talk about your wedding.” Nilapitan ako ni Lolo at mahinang tinapik sa balikat. I saw Harley's post on her photogram. You already gave her your mom's ring. I'm so happy for the two of you, hijo."
Pinilit kong ngumiti. “Well not me.” pipi kong sagot. “Shall we?” aya ko na. Mabilis kong dinukot ang gamot ko sa migrain at isinilid iyon sa bulsa ng blazer ko. I think I will need it today.
(Alvarez residence….)
“Kumpare!” masiglang sigaw ni Lolo Claude. Nang makitang pababa ng hagdan ang matandang kaibigan. Pangalawang beses na akong nakapasok dito kaya medyo pamilyar na sa akin ang detalye ng lugar. It was a modern house with an Italian touch.
“Welcome to my humble home, kumpadre.” wika naman ni Lolo Martin. Nagyakapan ang dalawa at tila sabik na sabik na magkita muli. Napasulyap ito sa akin kaya ngumiti ako.
"Good evening, sir." magalang kong bati.
Bahagya naman itong tumawa at humakbang palapit sa akin. Niyakap ako at mahinang tinapik sa braso. “You can call me Lolo Martin now, hijo.” ani nito. Humiwalay na ito sa akin.
“It's my honour, sir. Thank you.” sagot ko.
“I'm the one who is supposed to be thankful, hijo. Thank you for accepting my grand-daughter despite her shortcomings.”
Pinilit kong ngumiti at tumawa ng bahagya. God! Kung alam lang ng matandang ito kung gaano ka sakit sa ulo ang kanyang apo. I already see myself in hell even when we aren't married yet.
“My pleasure, sir.” maikli kong sagot. Mahina ako nitong tinapik sa balikat ulit.
“Well, ano pa hinihintay natin. We can talk about your plans for your wedding while having our dinner.” wika ni Lolo Martin.
“I’m really excited, kumpadre.” komento naman ni Lolo Claude. “By the way, nasaan na ba ang future grand-daughter in law ko?” Luminga-linga ito sa paligid.
“I’m here, Lolo Claude,” sagot ni Harley. Nakangiti ito ng ubod ng tamis habang pababa ng hagdan. Naka-pustora pa rin siya kahit nasa bahay lang nila ito. Nakalugay ang mahaba at alon-alon nitong buhok na bumagay sa suot nitong casual, olive green A-line dress. Na may maikling manggas at lampas tuhod ang haba. FENDI flat sandals naman ang suot niyang sapin sa paa. “Good to see you again,” bumeso siya sa Lolo ko. “And thank you for following me in my Photogram account nga pala, Lolo Claude.” dagdag pa nito in her sweet voice.
Tsk!Ang galing niya talagang magkunwari.
Sa akin naman ito tumingin. “Hi, darling,” ani nito. Muntik na akong mapa-ubo. Humakbang siya palapit sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi. “Good to see you too.”
“Well, I’m not!” bulong ko.
“I don’t care!” bulong di niyang sagot. Kumapit ito sa braso ko. “Ngumiti ka naman, please! Show a bit of affection towards me. Iyong tipong in-love ka rin sa akin.”
Tiningnan ko siya ng masama at hinapit siya sa bewang. “What do you think I’m doing? I just hope the hours will pass by so fast and I can finally rest my eyes from seeing you.” pabulong kong sagot. Ngumiti ako ng bahagya kahit na gusto ko na talagang manakal ng babae.
“Me too, do you think I wanted to see you too? Manigas ka, boy! Hindi ka gold no!” bulong rin niya. Naka-plaster pa rin ang ngiti sa kanyang labi.
“Uhh-mmm!” sabay umigham ang dalawang matanda. Kaya bahagya kaming lumayo sa isa’t isa. “Maybe, let’s leave them alone for a while, kumpadre.” wika ni Lolo Claude. Makahulugan kami nitong tiningnan na dalawa.
“Naku! No need po,” sabat naman ni Harley. “May sinabi lang ako sa apo ninyo.” kay Lolo Claude ito na nakatingin. “So, shall we go to the dining table?” aya niya.
Tumango naman si Lolo Claude.
“Halina kayo at excited na rin akong pag-usapan ang kasal ninyo.” si Lolo Martin. Nauna na itong naglakad papunta sa malapad nilang dining hall.
Tumambad kaagad sa amin ang maraming pagkain sa mesa at ang mamahaling mga kubyertos. Kaagad kong pinahila ng silya si Harley. Pretending to be a gentleman sa harap ng dalawang matanda. I want this dinner to be less stressful as soon as possible.
“Well, may petsa na ba kayo ng kasal ninyo?” Lolo Martin asked. Nang maka-upo na kaming lahat.
Nagkatinginan kaming dalawa. We don’t even talk about it.
“Second week of next month,” mabilis na tugon ni Harley. Nanlaki ang mata ko na tumingin sa kanya.
“The hell is wrong with you?” pabulong kong sabi. “Anong next month ang pinagsasabi mo? Are you that excited? No way!”
Pinandilatan naman niya ako ng mata. “I want my babies to be back as soon as possible. That’s it. Anong excited ka diyan!”
“Can you atleast make it in three months?” pakiusap ko na pabulong.
“No way! I can’t wait that long.” sabay irap sa akin. Naikuyom ko tuloy ang aking kamao sa inis. She’s a certified lunatic psycho.
Kumunot ang noo ni Lolo Martin “Hindi ba masyadong maaga, hija? I mean—the preparation is not magic, just one snap and everything is done.”
“Actually, we're only planning a simple wedding, Lolo.” ani ni Harley. “You know, just us since—I don’t really have friends to invite. Right, darling?” Nakangiti itong lumingon sa akin.
“As you wish,” ani ko. Pilit na ngumiti.
“Well, kayo na ang bahala.” si Lolo Claude. “You two are old enough to manage your own wedding. As long as we're just here to support and guide the two of you.”
“Awww!” bulalas ni Harley. “That’s so sweet, Lolo Claude. Thank you.”
I smiled even though I really felt annoyed.
“Why don't we have a toast for your upcoming wedding and for our families soon to become one.” mungkahi ni Lolo Martin.
“Of course naman, kumpadre.” si Lolo Claude. “This is my best wish that God ever granted. Being us as one family.”
Isa-isa naman naming kinuha at itinaas sa ere ang aming mga kopita na may laman na wine. “Cheers, everyone.” masiglang wika ni Harley.
“Cheers!” sabi naman ng dalawang matanda. “For the happiness of the two of you.”
“Well, cheers to my unhappy days with this Psycho!” ani ko sa aking isipan. Bahagyang sumimsim ng alak sa aking kopita at napabuntong-hininga.