Chapter 9  Put a ring on me

1827 Words
(Harley) "So, where do you want to go next?" he asked. Kasalukuyang nasa loob na kami ng kotse niya. Paalis sa mismong restaurant. "Buy me a ring." I demanded. Sabay pakita sa kanya ng kaliwa kong kamay. "I'm your fiancee but I don't have a ring yet." I pouted. "I want a 4 million engagement ring." He looked at me blankly. Maya-maya kumilos rin siya upang ikabit ang kanyang seatbelt. "Do I look like a jewelry shop to you?" anito. "Bakit may sinabi ba ako?" taka kong tanong. "Sinabi ko lang naman na gusto ko ng singsing, hijo." "No need, gastos lang yan!" kibit balikat niyang sabi. Tiningnan ko siya ng masama. "Hindi pwede, I need a ring. Are you an idiot? Sinong bride ang papayag na ikasal na walang engagement ring, aber?" Ngumisi siya na tila nang-aasar. "You? Alam ko naman na kahit hindi kita bibigyan. You're still gonna marry me. You need me more than I need you." Umangat ang kilay ko. "Ah talaga ba?" pagbabanta ko. "Sige, ayaw mo ako bigyan ng engagement ring 'ha." Bigla kong binuksan ang pinto ng kanyang kotse at lumabas. Humanap ng malaking bato sa paligid at saka siya binalikan. "The hell is wrong with you?" nagtataka niyang tanong. Lumabas rin siya ng kanyang kotse. "Pwede ba, kung wala ka ng gustong puntahan. Eh, umuwi na tayo. I still have a lot of pending work to do." "Then, give me a ring first." insist ko. " or else…." "Or else what?" putol niya sa iba ko pang sasabihin. "Tell me, what are you gonna do huh!?" Tiningnan ko siya ng masama. Ako pa talaga hinamon niya ha. Pwes, pagbibigyan ko siya. "Magwawala ako dito!" banta ko. Hindi ko sinasadyang napalakas ang boses ko. Naagaw tuloy ang atensyon ng dalawang guwardiya na naroon. Lalapit na sana ang isa sa mga guwardiya sa amin ngunit sininyasan niya ito na 'he can handle it. Kaya bumalik na lang ang mamang gwardiya sa pwesto nito. He scoffed. "Go on!" kibit-balikat niyang sabi. "If you want to embarrass yourself then go. Basta ako, uuwi na." Sabay talikod pabalik sa loob ng kanyang kotse. "Talaga lang 'ha?" hamon ko. "Sige ito na lang, what if basagin ko na lang 'tong kotse mo?" sabay pakita sa kanya sa malaking bato na hawak-hawak ko. Pumalatak siya at halata rin sa pagmumukha niya na kinakabahan rin sa gagawin ko. "Are you f****g insane?" tanong niya. Bahagya niya akong nilapitan. "Ms. Alvarez, this isn't a time for your psycho's stunts, okay. Put down that stone, now!" may awtoridad niyang utos. Umirap ako. The heck! Lolo ko nga, hindi ako nasisindak. Sa kanya pa kaya. "Nope!" pagmamatigas ko. "Sige, humakbang ka pa, talagang ibabagsak ko 'to sa bumper ng kotse!" pagbabanta ko. At humakbang din ako sa gilid kung saan naroon ang side mirror ng kotse. "or tatangalan ko ng isang tenga 'tong kotse mo? Mamili ka! Bibigyan mo ako ng singsing ngayon or pupunta ng emergency room 'tong kotse mo?" Napahilot siya sa kanyang batok. "Come on, please. We just go home, alright?" mahinahon niyang sabi. Humakbang ito muli palapit sa kinatatayuan ko. "Then, tomorrow, I promise to give you the ring that you wanted." suko niya. "Promise!" Saglit akong natigilan at napa-isip ngunit nanaig talaga ang princess radar ko. I always get what I want. "No! I want it now!" I demanded. Natampal nito ang sariling noo at napamura. "God! Damn it!" anito at napasuntok sa ere. "Come on, Ms. Alvarez. Bukas, pangako iyon. Okay?" "I said, don't go near me!" babala ko. When he started to walk again near me. "Talagang sisirain ko 'tong side mirror mo at hindi ako nagbibiro." Mukhang natakot naman siya kaya dahan-dahang siyang umatras. "Okay. Okay!" suko niya. Dinukot nito ang cellphone niya sa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Lumayo ito ng bahagya at may kinakausap sa kabilang linya. Pagkatapos niyan ay bumalik na rin siya sa dati nitong pwesto. "I already called Milo and any minute he will bring your demands. Kaya please…Damn it! Bitawan mo na iyang bato." "Okay!" mabilis kong tugon. Mabilis pa sa alas kwatro na tinapon ko ang bato at saka ngumiti. "Ang dali mo naman palang kausap eh." komento ko. Habang pinapaypayan ang aking sarili dahil bigla akong nakaramdam ng init sa labas. "Let's go inside while waiting for Milo," he said. Walang ka ngiti-ngiti itong lumakad papasok muli sa loob ng kanyang restaurant. Pagpasok ko, may iilan na ring customer sa loob. Ngumiti sa akin ang attendant na naroon at dahil maganda ang suot niya na sapatos. Nginitian ko rin siya ng pang-VIP kong ngiti. Nakasunod lang ako sa likod ni Blamore habang naghahanap siya ng mapwestuhan. Pinili nito ang mesang medyo hindi kalayuan sa entrance. Nauna itong umupo at hindi na ako pinaghila ng silya. Langya! "Hello!" I snapped my finger in the air to gain his attention. "What now!?" singhal niya. Tinuro ko ang silya gamit ang aking nguso. "Please!" I smiled. Iyong pang-VIP kong smile. "Bakit? Nawalan ka na rin ba ng kamay. Do it yourself." aniya. Umirap ako. "Ah talaga ba?!" Tinapunan niya ako ng nakamamatay niyang titig. "Bakit? Are you gonna threaten me again? What now? Babasagin mo ang flower base or what? Go on! Basagin mo lahat ng gusto mong basagin dito. I don't care. Ipahiya mo ang sarili mo." "Bakit? May sinabi ba ako?" pamimilosopiya ko. Tumingin ako sa aking paligid. I spotted some marites in the corner. Palihim na nakamasid lang sa amin. Pinaypay ko iyong isang waiter na nag-serve sa amin kanina. Mabilis naman itong lumapit sa akin. "Yes, ma'am." ani nito na nakangiti ng malapad. "Please!" ani ko. Sabay turo sa silya. "Mukhang may regla kasi ang amo ninyo ngayon. Tinutupak na naman." ani ko. Nagpipigil namang hindi matawa ang waiter. Tiningnan naman ako ni Blamore ng masama ngunit binalewala ko lang. Hmmmp! The hell I care! "Sure, madam." ani ng waiter. Pinaghila na ako ng silya at kaagad din akong umupo. "Thanks. You can get lost now." taboy ko na sa waiter. Ngumiti ito sa akin bago lumakad palayo. Umayos ako ng upo at tinuon na ang mata sa nakasimangot na binata sa aking harapan. "Do you know what being independent means?" makahulugan nitong tanong. Kumunot ang aking noo. "Oo naman. Hindi ako bobo, okay." sagot ko. Saka umirap. "Alam ko meaning non." "I'm not asking you the meaning. I'm asking you the essence of it." Bigla akong naguluhan at medyo naiirita na. "Teka nga! Ano na naman ba ang pinupunto mo. Diretsahin mo nga ako." He scoffed. "Sure. Gusto mo pala ng deretsahan ah. Sige, dederetsahin kita. You're a big baby. Isip bata. Weak! You're good for nothing and just a spoiled brat." Ouch! Ang hard niya 'ha. Tiningnan ko siya ng masama. "Correction, hijo." Sumandal ako sa upuan habang nilalabanan siya ng titigan. "Baby face 'to. Young at heart and sexy. That's the correct term to describe me." Umangat ang kaliwa niyang kilay. Saka umiling-iling at sumandal rin sa kanyang upuan. "You know what, I will not waste my energy arguing with you today. Ilang oras pa lang tayo nagkakasama pero mukhang drain na drain na ang energy ko sa'yo. You're a day wrecker. You seem like somebody that dont bring a good day to anyone." Umalis ako sa pagkakasandal at nangalumbaba habang nakangiti na nakatingin sa kanya. I feel a bit hurt though. But this is me, Harley Alvarez. Ang babaeng, hindi magpapatalo. Unbothered to anything. "Gusto mo ng kiss? Sabi nila energy booster 'yon eh. Maybe it will help. Wanna try?" biro ko sabay kindat. Pero if he says yes, why not. Eh, di pagbigyan natin. Hindi naman ako madamot. "No, thank you." aniya. Ngumisi ito ng mapang-asar. "I don't wanna die early." "Grabe ka 'ha. Wala namang lason ang halik ko." sabay irap. "Gusto mo ba ng kiss o hindi?" sigaw ko. Sinadya ko talagang nilakasan para maagaw ang atensyon ng mga tao sa paligid namin. I succeeded. Halos lahat napatingin sa kinaroroonan namin. Well, he wants war, I give him right away. Anong tingin niya sa akin. Kaya niya akong ikahon. A big No. Biglang nanlaki ang mata nito sa akin. "Are f****g serious right now?! Nasisiraan ka na ba ng bait?" galit nitong sabi. "OMG!" malakas kong bulalas. Iyong punong-puno ng energy at may ngiti sa aking magandang mukha. People are still staring at us. Which is the purpose I'm doing these scenes. "Sabi ko na nga ba eh." bahagya akong tumawa. "You really can't deny that my kiss always made your day, honey." I said in my sweet tone. Bigla naman siyang namula. Hindi ko rin matukoy ang dahilan. It's either kinikilig siya o dahil sa galit at inis sa akin. Bahagya nitong inilapit ang kanyang ulo sa akin. Parang may gustong ibulong . "Stop this nonsense, okay. Nakakarami ka na 'ha." ani nito. Sinadya niya talagang hininaan ang boses. Pero syempre. Nobody can tame me. "Oh! That's so sweet. Awwww! I love you too, honey." ani ko. Nilakasan pa rin ang boses. Natampal naman niya ang sariling noo. "Damn it!" pabulong nitong mura. "Please, tumigil ka na! Nakakahiya ka!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Ah ganun pala 'ha!" ani ko. May pagbabanta sa boses ko. Tumayo ako at biglang hinawakan ko ang magkabila niyang mukha gamit ang palad ko. A moment later. I kissed him right away on his lips. Nagulat pa ito sa ginawa ko kaya hindi na niya nagawang makapalag o kumilos man lang. He was just staring at me. Kahit ako ay nagulat rin sa ginawa ko. This is my first kiss and I can't deny that I like the feeling when my lips touch his. The feeling is unexplainable and makes your heart beat faster like you're in a race. "S–sir? M–Ms. Alvarez?" boses ni Milo. Kaagad kaming humiwalay na para bang nabuhusan kami ng malamig na tubig. "S–sorry to interrupt you—but here's the one you asked me to bring here, sir." Inilapag nito ang maliit na kahon sa mesa. Kaagad ko iyong kinuha at binuksan. Tumambad kaagad sa aking mata ang nakakasilaw na diamante ng singsing. "Oh my God!" Hindi ko mapigilang mapanga-nga sa ganda ng singsing. Napasulyap ako kay Blamore. "Ano pa ang hinihintay mo! Suot mo na sa akin." utos ko. Inilahad sa kanyang harapan ang kaliwa kong kamay. Tiningnan niya muna ako ng masama bago kumilos at kinuha ang singsing. Ipinasuot iyon sa aking daliri. "Yey!" masigla kong bulalas. Itinaas ang aking daliri sa ere. Tumayo naman ang mga tao sa aming paligid kasama na ang mga trabahante sa restaurant. Pumalakpak ang mga ito na may mga ngiti sa kanilang mga labi. Akala nila kasi may proposal na naganap. "Congratulations, sir and Ms. Alvarez." si Milo. Ngumiti naman ako sa kanya at bigla ko na lang nakalimutan ang atraso nito sa akin. "Thank you," sagot ko. Nginitian din si Blamore kahit na blanko ang ekspresyon ng mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD