(Blamore)
She was walking towards me. God! The heck she was doing? Huminto siya sa harapan ko at tiningnan ako sa mata. Ilang beses akong napalunok. This is my first time seeing her face so close.
Indeed, she's perfect. Makinis ang balat nito na tila hindi nakaranas matubuan ng tigyawat. Ang maliit ngunit matangos nitong ilong na bumagay lang sa baby face niyang mukha. Her dazzling eyes, they are glowing and I see my own reflection on it.
"W–what are you trying to do?" I asked in a panic when she tiptoed towards me while holding on to my shoulder.
Is she trying to kiss me? The heck! I think she is. Muli akong napalunok.
Pumikit siya at dahan-dahan na niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. I can't help but to stare at her pinkish lips. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi makapag-isip. I will stop her or just let her do what she really wants to do.
Curiosity running down my mind too. What if those soft lips touch mine? How does it feel?
"Sir? Ma'am?" untag ng waiter sa amin. Tila pareho kaming nahimasmasan. Kaagad kaming dumistansya sa isa't isa. "N–nandito na po iyong— order ninyo." Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa aming dalawa.
"Uhmm, thank you." ani ko sa waiter. Muling napalunok. Isa-isang nilapag ng mga ito ang pagkain sa mesa.
Bumaling ako sa kanya at ngayon ay nakayuko ito at tila hindi komportable. "I already texted Milo to bring everything that you need." bulong ko sa kanya.
Unti-unti namang nabawasan ang pangamba sa mukha niya kaya parang nabawasan na rin ang aking alahanin.
Ngumuso ito at tila nagdadalawang isip kung uupo ba ito o tatayo hanggang sa dumating si Milo.
"You can wait in the comfort room if you want." suhestiyon ko. "I'll bring the things you needed when Milo came."
Tumango naman ito at nagsimula ng humakbang. Napatingin ako sa upuan na inupuan niya. May konting tagos nga ngunit hindi masyadong halata. Good thing na rin dahil kulay pula ang cover ng silya.
Hinila ko ito at tumawag ng isang waiter. Kaagad namang may lumapit.
"Yes, sir?" ani nito.
"Please, change this to a clean one." utos ko. Itinuro ang silya.
"Right away, sir." ani nito. Kinuha nito ang maduming silya at pinalitan ng malinis na nasa kabilang table.
I looked at my phone. Milo just texted me na paparating na siya. Nakahinga ako ng maluwag.
Lumabas na ako upang abanga ito sa entrance ng restaurant. Five minutes at dumating naman siya. Iniabot lang nito ang paper bag niyang dala saka umalis rin.
Dumiretso na ako sa comfort room ng mga babae. "Ms. Alvarez?" Kumatok ako sa pinto. Pinag-buksan naman ako.
Walang pasabi-sabi na basta na lang nitong hinablot ang paper bag na hawak-hawak ko. Saka muling sinara ang pinto sa mismong harapan ko. Ni hindi man lang ito nagpasalamat. What a psycho!
Bumalik na lang ako sa aming mesa. Ilang minuto ay lumabas rin siya. She doesn't look happy.
"The heck is wrong with Milo?" galit niyang tanong. Habang akay-akay ang mahaba nitong saya. I really didn't expect that Milo would buy a medieval era dress. Iyong tipong kapanahunan pa ni Queen Elizabeth 1. "Does he even have a fashion sense?"
Bumuntong hininga siya saka umirap. Padabog na umupo sa mesa. Habang ako ay nagpipigil lang na hindi matawa.
"Why? What's wrong?" tanong ko.
"This f*****g dress is wrong." nag-gagalaiti niyang sabi. "The heck is wrong with your secretary?"
Kumibit-balikat ako. Wala naman kasi akong kinalaman sa choices ni Milo. Basta ang sabi ko lang, something presentable to wear. "Well, It's quite cute," komento ko. Ngunit hindi ko na napigilan ang tinitimpi kong tawa sa aking lalamunan. I laugh so hard. "Para ka ngang pupunta ng costume party eh." dagdag ko. Muling tumawa.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya't tumigil na rin ako.
"Kinunchaba mo si Milo ano?" ani nito. Halata pa rin ang matinding inis sa kanyang mukha.
"Why would I?" depensa ko naman. "Ano ako? Isip bata?"
Muli siyang umirap. Dinampot nito ang tinidor at tinusok ang potato fries sa gilid ng kanyang plato. "Ang baklang 'yon!" aniya. Sabay subo sa pagkain. "Humanda talaga siya kapag muling mag-krus ang landas naming dalawa!"
Saglit naman akong natigilan. How does she know?
"How did you know that Milo is a gay?" curious kong tanong. Sinimulan ko na ring galawin ang aking pagkain.
"He doesn't like me." she quickly answered.
Kumunot ang aking noo. The heck with this woman. Kapag hindi ba siya nagustuhan ng isang lalaki ay bakla na kaagad sa paningin niya?
"Well, I don't like you. But I'm not a gay." I said.
Tumingala siya at nangalumbaba habang nakatunghay sa akin. "No! You like me…soon." confident niyang sabi.
Tumawa ako ng bahagya. "I really don't like you." tuwid kong sabi. "Isa pa, you don't have the same mind as mine. Magulo ka. "
Sumimangot siya. "Ikaw nga 'tong magulo kausap." mahina nitong sabi. Uminom ito ng kanyang juice. "Basta, mark my word. You will like me soon." Ngumiti siya at muling itinuon ang atensyon sa pagkain.
"Why? Do you like me?" I asked.
Uminom muna ito bago muling nagsalita. "Well…yes."
My eyes widened. This woman is totally nuts.
"The last time, you said. Hindi mo ako type. What makes you change your mind?" tanong ko.
Muli itong nangalumbaba habang nakatingin ng diretso sa akin. "I don't know either." kibit balikat niya. "Masama ugali mo at mahangin ka. Akala mo, ikaw lang ang matalino at magaling sa lahat ng bagay. Gwapong gwapo ka pa sa sarili mo. Feeling perfect. Hmmmm, maybe, I really like beautiful things." dagdag pa niya. Ipinagpatuloy na muli ang pagkain.
My jaw dropped. This woman is a real psychopath. Siya iyong tipo ng tao na walang araw na hindi niya sisirain.
Nagpanting ang tenga ko. Hindi iyon nagustuhan ng pandinig ko. The heck she compared me to a thing.
"You're really a psycho!" inis kong sabi. Masama rin ang tingin sa kanya.
Umirap siya at tinaasan lang ako ng kilay. "Kung psycho ako, eh ano ka?" nang-aasar niyang tanong.
Dinedma ko na lang at hindi ko na pinatulan pa.
"Ohhh! Bakit hindi ka na kumibo?" tanong niya maya-maya.
Tiningnan ko siya ng masama. "Would you atleast give me peace of mind while I'm enjoying my food?" paki-usap ko.
"Well, sorry. I love to talk when I eat with somebody. Lolo Martin and I always do that." aniya. "At isa pa, I can talk whatever I want. Hindi mo 'to bibig. Hindi pa nga tayo kinakasal, ang dominant mo na. Hmmmp!" umirap ito.
I pressed my nose between my eyes. Tila nagbabanta na naman ang migrain ko.
"God!" bulalas ko. Pinunasan ko na ang gilid ng aking bibig. Mukhang nawalan na ako ng gana.
"Busog ka na?" pangungulit niyang muli. "Don't you know, maraming bata ang nagugutom sa mundo tapos ikaw? Sinasayang mo lang ang food mo."
Tiningnan ko siya na puno ng iritasyon sa aking mukha ngunit mukhang madhid ang babaeng ito. Tila wala itong pake sa nararamdaman ng ibang tao sa kanyang paligid. Nilabanan nito ang aking tingin.
Ngumuso pa ito sa plato ko na tila nagsasabing ubusin ko ang pagkain na nasa plato ko.
At ewan ko kung anong mahika meron ang babaeng ito dahil natagpuan ko na lang din ang aking sarili na kumakain muli.