(Harley)
"Ms. Harley, hindi pa po ba kayo babangon para mag-breakfast?" tanong ni Nilda. Nakapasok na pala ito sa loob ng kwarto ko.
Sinilip ko ang oras sa cellphone ko. Malapit na rin pa lang mag-alas diyes ng umaga. I yawn but I'm not really that sleepy. I'm just bored.
Pansamantala ko munang itinabi ang cellphone ko. I don't know why but I felt a bit down today. Hindi kaya, dahil hindi ako pinagbigyan sa date na hinihingi ko sa mokong na iyon? God! Ito na ba iyong lovesick na sinasabi nila. No way! Umiling-iling ako. Ewww!
"Leave me alone! I'm not hungry." sigaw ko kay Nilda.
"Okay po, madam." mabilis nitong sagot. Lumabas kaagad ng pintuan.
Langya! Di man lang ako pinilit. Hmmmmp! Wala na yatang may nagmamahal sa akin now a days. Hindi man lang siya concern if I'm okay or not. Anyway, hindi ko naman sila masisisi. Sabi nila, you can't please everybody. So deadma na lang sa mga bashers ko. Taray! Celebrity?
Speaking of being a celebrity. I checked my photogram, my one and only social media account. Na may dalawa.
Oh! Hindi dalawang milyon or libo followers 'ha. Dalawa lang talaga. Si Nilda at si Lolo Martin. Well, it's fine with me. I don't need it anyway. Baka marami pa ang magkasakit dahil sa inggit sa akin. Perfect kasi ang buhay ko. Charot!
"Madam! Hindi po ba talaga kayo babangon?" tanong muli ni Nilda. Bigla kong nabitawan ang cellphone ko at bumagsak iyon sa maganda kong mukha.
Langya! Nasa loob na naman pala ito at hindi ko napansin.
"Hindi nga eh! Ba't ang kulit?" angil ko. "Go away!" taboy ko.
"Kahit may gwapo na naghahanap sayo sa baba?"
Napabalikwas ako ng bangon. Biglang nagising ang aking diwa.
"Si Blamore ba iyon?" I asked.
Nakangiting tumango naman si Nilda na may kasamang panunukso. "May flowers pa pong dala." ani pa nito. Mukhang kinikilig pa. Echosera talaga! "Yayain daw po kayo ng lunch sa labas."
My God! I heard a loud consecutive thud inside my chest. Marahil nag-papaltipate lang ako. Resulta ng abuso sa kape.
I snap my finger in the air. "Call my glam team!" utos ko.
"Madam, wala na po kayong glam team. Ulyanin po?" si Nilda.
Tiningnan ko siya ng matalim. "What did you just say?"
Nanlaki ang mata nito. "Ahhhh, ang sabi ko," sabay turo nito sa banyo. "umpisahan ko na ang paghahanda sa gamit ninyo sa paliligo." ani nito.
Lumakad na ito patungo sa banyo ko. Sinundan ko lang siya ng matalim kong titig.
Hmmmm, pasalamat siya at good mood ako today. Hindi lumabas ang maldita radar ko. Dahil kung hindi, malamang kanina pa siya naging agahan ko.
Sumulyap ako sa salamin.
I smiled.
Teka!
What?
Did I just smile? Oh my God! No! Walang ibig sabihin ang ngiti ko.
Kung meron man ay iyon ang pag-asang makukuha ko na ang mga babies ko sa madaling panahon. That's it.
Mabilis na akong umalis sa kama at nag-tatakbo na papunta sa loob ng walk in closet ko. I look at every single dress that hangs inside my giant closet. Pero bakit ganun? Parang wala akong damit na maisuot.
I look everywhere. Tumingin ako sa kabila at may nakita akong Forever 21 na floral A-line dress. Pastel purple ang kulay at above the knee ang haba. Mabilis ko iyong kinuha at syempre iyong GUCCI sneaker ko na lang ang sapin ko sa paa na kulay puti. Wala naman akong pagpipilian pa eh.
Pansamantala ko munang itinabi ang outfit ko for today at nag-tatakbo na patungo sa banyo. Sakto namang palabas na si Nilda.
"Please, tell him. I'll be out in a minute." utos ko. Hindi ko na sinabi ang exact kung ilang minuto dahil baka abutin pa nga ako ng ilang oras sa pag-aayos sa aking sarili.
"Noted, madam." nakangiting sagot ni Nilda.
Umirap ako at kaagad ng pumasok ng banyo. I need to be fresh at mabango. Baka kasi mamaya may masabi na naman siyang something fishy.
Siguro malapit-lapit sa twenty minutes bago ako nakalabas ng banyo at iyon na ang pinaka-mabilis ko.
Nadatnan ko kaagad si Nilda sa loob. Nakangiti ito sa akin. "Anything po na pwede kong maitulong sa inyo, Madam?" ani nito. Halata talaga ang tuwa at saya sa kanyang mukha. Dinaig pa ako. Akala niya, siya ang may date.
Umirap ako. "Yes, you have. Para may silbi ka naman. Hindi iyong puro ka buntot ng buntot sa akin." ani ko. Sabay irap. Naupo ako sa silya at humarap sa naiilawan kong makeup mirror. "Marunong ka bang kumulot?" tanong ko.
Napangito ito ng malapad. "Aba'y, oo naman po. Huwag kayong mag-alala madam. Pagagandahin ko iyong buhok ninyo today. Ako po ang bahala."
Matalim ko siyang tiningnan mula sa repleksyon sa salamin. "Pagagandahin? Bakit? Pangit ba ngayon ang buhok ko?"
"Naku, hindi po! Syempre, maganda po kayo. Kahit nga hindi na po kayo mag-ayos. Perfect kayo eh. Gusto nyo huwag na lang kayong mag-ayos?" paliwanag nito.
Umirap ako. "Gawin mo na kaya ang trabaho mo. Ang dami mo pang satsat eh."
"Eto na nga eh, Madam perfect." saka ngumiti.
At alam ko naman na pinaplastik lang ako ng isang 'to. Pero okay lang, as long as alam ko sa sarili ko na maganda ako, outside.
Inside? Medya-medya lang. Iyon ang hindi ako gaano ka confident kung maganda ba talaga ang panloob kong anyo. Kayo na lang ang humusga.
After a few minutes. Natapos na rin si Nilda. She really does a good job in turning my hair into bouncy big curls. Iyong pang-hollywood ang peg.
Syempre, ako na ang naglagay ng make-up sa aking sarili. Pagdating kasi diyan ay wala akong tiwala kay Nilda. Hindi niya nga magawang pagandahin ang sarili niya. Mukha ko pa kaya? Anyway, I don't need heavy makeup. Diba nga, I'm pretty na.
"Okay, I'm done." I said. After putting my favourite shade of lipstick on my lips.
Tumayo na ako at sinukbit ang itim kong Prada na bag. Naglakad palabas ng pinto.
Lumapit ako sa pasamano ng hagdanan at dumuwang sa baba. I saw him. Comfortably sitting on our luxurious sofa. Binili pa yan ni Lolo sa bansang Italy.
Dahan-dahan na akong bumaba at bigla naman siyang tumayo ng makita akong pababa. Infairness, ang gwapo niya today. He seemed like he was in his casual mood. Madalas kasi lagi ko siyang nakikita in his formal attire.
He's just wearing a medium wash denim jacket at kulay itim na t'shirt ang panloob. Naka-pantalon ito ng itim at puting sneakers.
"Why do you suddenly change your mind?" walang ka ngiti-ngiti kong tanong.
Hindi naman niya ako sinagot. Hindi rin siya nakangiti. He handed me the flowers he was holding instead. "I don't know if you like roses. You can give it to your assistant if you don't want." Tumingin ito kay Nilda. "Bibili na lang kita ng panibago."
Si Nilda naman ay parang bulate na kinikilig. Galaw ito ng galaw. Sumakit tuloy mata ko sa kakatingin sa kanya. Tiningnan ko ng masama kaya ayon tumigil din.
Saka ko binaling ang paningin ko kay Blamore. "I love red roses," ani ko. Hindi pa rin ngumingiti. Kinuha ko na ang bulaklak na inabot niya. Inamoy ito. Ginaya ko lang kung ano ang mga napanood ko sa tv. Parang ito rin naman ang ginagawa nila.
I snapped my finger in the air. Ilang segundo, nagkukumahog namang bumaba si Nilda palapit sa akin.
"Put this in a flower vase and put it inside my room." utos ko. Inabot ko na kay Nilda ang bulaklak. Kaagad naman itong umalis sa aming harapan.
"Uhh-ummm, shall we?" he asked.
Tumango naman ako. Paglabas namin, naka-abang na pala sa b****a ng mansyon namin ang kotse niya.
Infairness pa rin, pinag-buksan ako ng pinto ng kotse. Kahit papaano may gentle side naman pala itong si Mr. Sungit.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Nang nasa loob na kami ng kotse at palabas na ng gate namin. Siya ang nagmamaneho at ewan bigla akong napangiti.
Parehong kasing walang naka-buntot sa amin na mga assistant kaya solo namin ang isa't isa.
"You can decide," he answered. Nasa unahan ang tingin.
Umangat ang kaliwa kong kilay. Nawala ang ngiti sa aking labi. "The heck, niyaya mo ako. Tapos wala kang plano." reklamo ko.
Nababagot naman niya akong tiningnan. "Atleast, I'm cooperating." kibit balikat niyang sagot. "I already sacrificed a lot today. Kaya huwag ka ng magreklamo. At least, na witness ngayon ng mga maids mo sa bahay na mukhang may koneksyon na tayong dalawa. They can relay it to your Lolo Martin. Perfect plan iyon."
Oo nga naman may point siya. Since member ng Marites association ang lahat ng mga maids namin sa mansyon. The news will easily spread at mababawi ko na sa madaling panahon ang aking mga babies.
Lolo will think we have something special going on with Blamore. Kahit hindi naman totoo. Chismis nga eh.
"Okay then," kibit balikat ko rin.
Ngumisi ito. "Don't tell me, you assume that I'm really gonna take you on a date? A real date? Sabi ko naman sa'yo, para lang iyon sa mag-couple na in-love sa isa't isa. We're not."
Bumuntong hininga ako saka umirap. "No! Why would I?" pagsisinungaling ko. "So, san na ba tayo pupunta?" naiinis kong tanong.
"Sa hindi mataong lugar." sagot niya.
Bigla akong napangiti. "Ikaw talaga!" sabay hampas sa kanyang braso ng mahina. "Gusto mo talaga akong solohin ano?"
Umarko naman ang kanyang kilay at kunot ang noo na tumingin sa akin. "You wish! I'm only doing this, para tumigil ka na sa pamimiste sa akin. And besides, I hate crowded places."
Sumimangot ako. Isang 'to parang hindi naman mabiro. Sumandal ako sa upuan at ibinaling na lang ang aking paningin sa harapan.
"Teka!" bulalas ko. Kunot ang noo na napasulyap naman siya sa akin. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bag. "Halika! Lapit ka sa akin ng konti." utos ko.
"Why?"
"Let's take a selfie. E-upload ko sa photogram ko." sabay ngiti sa kanya.
"I hate selfies," walang emosyon niyang sagot.
Pero syempre, magpapatalo ba ang inyong prinsesa. Malamang hindi. I always get what I want.
Umakbay ako sa kanya at dinikit ang pisngi ko sa pisngi niya. "Say cheese!" ani ko. Ngumiti ako ng malapad at pinindot ang button para sa camera. Kaagad ko rin siyang binitawan. Nagwawala na kasi.
"Ugali mo ba talaga ang mangulit?" angil niya. "Pag-sinabi ng isang tao na ayaw niya, please. Be considerate." sermon niya.
Umirap ako. "Well, not me."
Ayon, tumahimik na lang siya. Sorry na lang siya, made of metal kasi ang ulo ko.
I look at our picture. Hindi rin naman masama. Maliban lang sa mokong na tila gold ang ngiti. I put a bit of filter and uploaded it to my social media account. Job done!
.
.
.
.
.
.
****
Siguro mga nasa kalahating oras din bago namin narating ang sinasabi niyang hindi mataong lugar. At hindi nga matao. Maliban kasi sa mga trabahante sa naturang restaurant at kaming dalawa ay wala ng talagang ibang tao.
"Haunted restaurant ba 'to?" pabulong kong tanong. Luminga-linga ako sa paligid. Mukhang kami lang talaga ang customer. Base sa itsura ng restaurant, classy din naman ang dating. Everything is perfectly fine including its ambience. Tamang-tama lang ang ilaw, maaliwalas at malinis tingnan ang loob. Minimalist ang dekorasyon pero iyong tipong simple pero elegante ang dating.
"Hello sir, ma'am, good morning po." bati ng lalaki. Naka-uniporme ito ng pang-waiter. Tinanguan naman ito ni Blamore. "I will guide you to your table. This way please," nauna na itong humakbang. Sumunod naman kaming dalawa.
Nang makarating kami ay kaagad akong pinaghila ng upuan ni Blamore at sumunod na rin siyang umupo. Binigay ng waiter ang menu sa aming dalawa.
" I want fish and chips, then a watermelon shake." ani ko sa waiter.
Ngumiti ito sa akin. "Noted ma'am." Kay Blamore naman ito tumingin
" Grilled chicken and greek salad. And one dragon fruit juice, thank you." ani nito sa waiter.
"Noted sir," sagot naman ng waiter. Kaagad na itong umalis sa aming harapan.
Dumukwang ako ng bahagya palapit sa kanya. "Siguro, hindi masarap ang pagkain dito kaya walang masyadong customer." mahina kong sabi. Iyong tipong siya lang ang makakarinig.
Tinitigan ako nito ng matalim. "I owned this place." aniya. "At kaya walang tao dahil pinasara ko ng isang araw."
"Sorry naman!" ani ko. Sabay irap. "Hindi mo naman kasi sinabi."
"Bakit? Nagtanong ka ba?"
Muli akong umirap. "So, bakit parang kasalanan ko?" ani ko. Iyong tipong ginagaya ko si Bea Alonzo. "Bakit parang galit ka? Ay, oo nga pala. Normal face mo na yan." pang-aasar ko. Tumawa ng bahagya.
Hindi naman siya natuwa. Given naman. Napa-iling lang ito at muling itinuon ang atensyon sa cellphone nito.
Kinuha ko rin ang cellphone ko sa bag at tiningnan kong ni-like na ba ni Lolo ang picture na pinost ko.
Well, si Nilda pa lang.
"Oh my God!" bigla akong nagpanic. Nang may nararamdaman akong kakaiba.
"W–why?" tanong nito. Halata sa mukha nito ang pag-alala.
"s**t!" muli kong usal. Napahawak ako sa aking puson. Habang makahulugan siyang tiningnan. "I think I have my period today."
Namilog ang mata nito at napalunok. "You mean, the thing you girls have every month?"
Tumango naman ako. Pambihira sa dinami-dami ng araw. Bakit ngayon pa siya bumisita?
"What should I do?" nagpapanic kong tanong.
Kumunot muli ang kanyang noo. "Ba't ako ang tatanungin mo? Ano ang alam ko diyan?"
Nasapo ko ang aking noo. Now, ko lang naramdaman kung gaano ka halaga sa buhay ko si Nilda.
"Does it have a stopper or something?" anito. Nakakunot ang noo niya. Parang gusto kong ihampas ang noo ko sa mesa. Anong stopper pinagsasabi ng gonggong na 'to. Tingin niya sa alaga namin, gripo?
Tumayo na ko at alam kong tumagos talaga sa inuupuan kong silya. I looked around for something to cover my back area pero wala akong makita.
"Here!" anito. Bigla akong napalingon. Mabilis nitong hinubad ang suot niyang jacket at pinasuot sa akin. For a second. My heartbeat became wild. I could smell his minty breath and manly perfume when he went near me. I looked at his eyes and I don't know but It helped me to calm down. Hindi na ako nagpapanic. It feels like I am safe now. "Hindi na siya kita." anito. Bahagya na itong dumistansya sa akin.
Hindi na nga siya kita dahil naging mahaba ang jacket nito ng ako na ang sumuot.
Parang may sariling buhay ang aking mga paa. Natagpuan ko na lang aking sarili ma humahakbang palapit sa kanya habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.
Huminto lang ako ng nasa harapan na niya ako.
Should I give him a hug or a kiss? Tanong ng aking isipan.
Within a second, I had my answer.