Chapter 6 A sweet day

2727 Words
(Harley) Time check! It’s 8:00 o'clock in the morning. Kahit inaantok ay pinilit ko talagang bumangon ng maaga. Isa lang naman kasi ang pakay ko. Ang maka-usap si Lolo dahil palaging maaga itong umaalis ng bahay patungo sa kanyang opisina. “Oh! My! God!” bulalas ni Nilda. Naka-awang pa ang bibig nito. Mukhang labis itong nagulat ng makita akong pababa ng hagdan. Sino ba naman kasi ang hindi. Actually, I'm not a morning person. I always woke up around 10:00 A.M. “Ms. Harley? Nanaginip ba ako?” Umirap ako sabay kibit balikat. “Maybe!” “Or maybe binabangongot po ako.” ani nito. Bigla akong napahinto at matalim siyang tiningnan. “Well, sana hindi ka na magising.” mataray kong sabi. Nilampasan na siya. Parang tuta naman siyang sumunod. “Or kayo po ang nanaginip, Ms. Harley.” muli na namana niyang hirit. Muli na naman akong napahinto. Hinarap siya na naka-krus ang mga braso at tiningnan ng masama. “B–biro lang po, Ms. Harley. K–kayo naman eh, h–hindi kayo mabiro.” nauutal nitong paliwanag. Nag-peace sign pa. “H–hindi lang kasi ako makapaniwala na maaga kayong nagising ngayon. First time kasing nangyari.” Hindi pa rin ako kumibo bagkus ay nakatingin lang sa kanya ng masama. “S–sorry na po. Baka po, ako po talaga ang nananaginip.” “Then?” naka-angat ang kilay na tanong ko. “Sampalin nyo po ako para magising ako.” Ayon kaagad ko naman siyang sinampal. Iyon ang sabi niya eh. Sinunod ko lang. “Ms. Harley, di naman kayo mabiro.” anito. Sapo-sapo ang pisngi niyang nasampal ko. No worries, hindi naman siya malakas. Hindi naman ako ganun ka maldita at mapanakit na amo ‘no. I still have a little bit of kindness towards pets. I flip my hair at humakbang na palayo. Tinungo ko ang malapad at magarbo naming hapag-kainan. Naabutan ko roon si Lolo na pinagsisilbihan ng tatlong katulong namin. “Good morning, Lolo dear.” nakangiti kong bati. Iyong pang-VIP kong ngiti ‘ha. Napahinto pa si Lolo sa pagsubo at naka-awang ang bibig na nakatingin sa akin. Iyong tipong parang nakakita ng multo. Multong maganda! “H–hija?” anito ng makabawi. “B–bat ang aga mo yatang nagising?” tanong nito. “Are you sick or something?” Umiling at ngumiti naman ako. Nilapitan ko siya upang bigyan ng halik sa pisngi. “Hmmmm, well…I just want to see you before you leave. That’s why, maaga akong nagising. Besides, I miss having breakfast with you.” malambing kong sabi. Biglang nagliwanag naman ang mukha ng matanda. He gently caressed my hand. “I remember those days when you were still in Elementary. Kahit sabado, gumigising ka pa rin ng maaga. Just have breakfast with me.” “Awwww!” teary-eyed kong sabi. “Me too, I miss those days.” Muli ko siyang hinalikan sa noo. “Then, have a seat.” nakangiti nitong utos. “Join me.” Tumalima naman ako at naupo sa silya sa kabilang dulo ng mesa. Nilagyan ni Nilda ng scrambled egg at bacon ang plato ko. Iyon kasi ang paborito kong breakfast. “By the way, hija.” si Lolo. Huminto naman ako sa paghiwa sa bacon at tumingin sa kanya. Napansin kong biglang umaliwalas ngayon ang mukha ng Lolo ko. “Your Lolo Claude just told me the good news yesterday. I just want to congratulate you in advance. You don’t know how happy I am to see you one day in a lovely white dress. I hope they can see it too.” May konting lungkot akong nababanaag sa mata ni Lolo. All of a sudden. I was speechless too. Parang may kakaibang pakiramdam ang humaplos sa aking dibdib na hindi ko matukoy-tukoy. Ito ba ay lungkot dahil sa pangungulila o lungkot din dahil hanggang sa ngayon ay may sugat pa rin na hindi naghihilom sa aking puso. “Hmmm, Lolo?” Napatingin naman sa akin si Lolo. “May request lang po sana ako.” sabay ngiti. “What is it?” he asked. “Can you give me back my babies?” Napatigil si Lolo Martin sa pagnguya. Binitawan na nito ang hawak-hawak na mga kubyertos. “I’m sorry. Not now, hija.” anito. Kinuha nito ang napkin at pinunasan ang bibig. “See you, later.” paalam nito. Pagkatapos ay tumayo na rin. “But Lolo,” habol ko. “Tinupad ko naman ang usapan natin, right? We're getting married. Ano pa ba ang gusto mo?” “Prove me first that you are serious about this marriage,” he said. “That you are not playing a game here. Marriage is not a joke, hija. Remember that.” Kumunot ang noo ko. “Paano naman?” tanong ko. “Ikaw lang ang makakasagot niyan, hija. Don’t ask me.” Tuluyan na itong tumalikod at iniwan ako. Naiwan naman akong napa-isip ng malalim. “Shittt!” ingos ko. Pinadyak-padyak ko ang aking mga paa sa sahig. Hindi rin sinasadyang nasobsob ko ang ulo ko sa plato na may laman pang pagkain. “Ma’am, okay lang po kayo?” tanong ng isang katulong. “Do I look like I am?” singhal ko. Lumapit naman si Nilda at pinunasan ng tissue paper ang ilang dumi sa mukha ko. “Alam ko na!” bulalas ko nang may sumaging ediya sa aking isipan. Ngunit kailangan ko ang cooperation ng Mr. Sungit na yon. Hinawakan ko si Nilda sa magkabilang balikat. “Call my glam team.” utos ko. “W–wala na po sila, Ms. Harley.” ani ni Nilda. “At bakit? Namatay silang lahat? Bakit sila nawala.” “Pinatanggal na po sila ng Lolo ninyo.” “What!” nanlaki ang mata na bulalas ko. “At bakit?” Kumibit balikat naman si Nilda. “Sagutin mo ako!” sigaw ko. Umuusok na ang ilong ko sa galit. Hindi pwede na wala akong glam team. Alam kong maganda na ako pero ang gusto ko ay magandang-maganda ako araw-araw. Nahahapo akong napa-upo sa silya. “Bakit ngayon pa?” ingos ko. “Shiit!” Muli akong tumayo at padabog na umalis. “Meron pa po palang bad news, Ms. Harley.” Naka-awang ang bibig na tiningnan ko naman siya. “Meron pa? H–huwag mong sabihin na pati credit cards ko ay nawala na rin sa akin.” “Yes po. Tama po kayo.” si Nilda. “s**t!” So ibig sabihin niyan wala munang appointment sa Gajaylly Salon at pooreta na ako. **** Since I don’t have a glam team ay ako na lang ang nag-ayos sa sarili ko. I just put a light make up at tinali ko na lang rin ang mahaba kong buhok. I was wearing my Dior femme pink mini-dress at ang itim kong high heels na sinuot ko kahapon. Ito lang naman kasi ang heels na natira sa malaki kong walk in closet. So, no choice. Naglalakad ako ngayon patungo sa office ni future husband. Since my Lolo wanted me to prove to him that I will take this marriage seriously. Well, I need to give him the answer that he wants. “M–Ms. Alvarez?” Tila nagulat si Milo ng makita ako. Sakto kasing palabas ito ng pinto. “Ano po ang ginagawa nyo dito.” halos pabulong nitong sabi. Maingat nitong sinara ang pinto. “He's not available right now.” “No worries, mabilis lang ako.” pabulong ko rin na sagot. “I just wanted to see him. Saglit lang talaga ako, promise.” “Hindi nga po pwede. Pwede nyo po siyang hintayin diyan.” sabay turo sa upuan na katabi ng babae. Marahil ay assistant ni Milo. “Saglit nga lang ako eh. At isa pa, maarte ang pwet ko. Hindi ako umuupo sa mga pipitsugin na upuan.” reklamo ko. “Ohh God!” napabuga ng hangin si Milo. “Please, Ms. Alvarez. Makisama ka naman kahit ngayon lang, please.” pakiusap nito. Mukhang nagising ang maldita radar ko. Ngumiti ako sa kanya na tila may kalokohan na namang nagbabadya na gagawin ko. “I’m sorry, Milo. But you left me no choice.” wika ko. Sabay taklob ng basurahan sa kanyang ulo. Ginamit ko naman ang pagkakataon na iyon para makapasok sa loob. As you expected. All eyes on me ng makapasok ako. Lahat sila napatigil at gulat na gulat. Iyong iba naman ay naka-kunot ang noo. Ang iba ay namamangha. Pero syempre ang nangingibabaw ang ekspresyon sa lahat ay iyong hindi nagbabago at mukhang wala nag pag-asa na mabago pa. Ang mukha ni Mr. Sungit na naka-upo sa bandang dulo. Matalim ang tingin nito sa akin. “Soo–ry to i–interrupt you guys. Ahhh, I badly miss him that is why.” sabay turo kay Blamore. “Hi, babe.” bati ko sa kanya. Sabay kaway at ngiti ng pang-VIP. Mukhang hindi ito natuwa. Tumayo ito na walang ka ngiti-ngiti. “Okay, guys. Maybe we will end our meeting here.” ani nito. Isa-isa namang nag-sikilos ang mga tao sa loob. Nagliligpit na ang mga ito ng kani-kanilang portfolio at iyong iba ay nauna ng lumabas. Nang kami na lang dalawa ang naiwan ay bigla itong napapikit at tinikom ang kanyang mga kamao. Panay ang hithit buga nito ng hangin. Mukhang pilit na pinapalma niya ang kanyang sarili. Which is good. Dapat lang talaga. Manage your own stress at huwag ibuntong sa iba. Right? Itinukod nito ang kaliwang kamay sa sandalan ng upuan habang nakapamulsa naman ang isang kamay. Tiningnan niya ako ng tuwid sa mata. “Why are you here?” he asked. Bagama’t banayad ang pagkakatanong nito pero ramdam mo pa rin na galit talaga siya. I show him my VIP smile. “Taaaada!” sabay pakita sa kanya ng lunch box. Pinaluto ko sa personal masterchef namin. “I brought you some lunch.” “Do I look like I’m hungry?” angil nito. Biglang naglaho ang ngiti sa aking mga labi. Gustong lumabas ng maldita radar ko pero kailangan ko munang pigilan. Alang-alang sa mga babies ko. Ngumuso ako. “No. But you look angry.” sagot ko sa mababang tono. Parang boses ng bata na pinagalitan ng ina. Bumuntong hininga ito at napa-sulyap sa mamahaling suot niyang relo. “Follow me.” utos nito. Nauna na itong humakbang palabas sa balcony ng kanyang opisina. May dalawang upuan na naroon at table. The place seems to give you comfort. Malamig ang dapya ng hangin rito at tanaw na tanaw mo talaga ang kulay puti at bughaw na mga ulap sa kalangitan. Idagdag mo pa ang ilang halaman at bulaklak na narito na mas lalong nagbigay ng kaaliwalasan sa paligid. I considered it my sweet day today. Who knows, there is more sweeter than candy that can happen to me, today. “D–dito ka kumakain?” tanong ko. “Yeah.” tipid niyang sagot. Pinaghila ako nito ng upuan. “Have a seat,” aya nito. Lihim naman akong natuwa. May gentleman side din naman itong si Mr. Sungit. Umupo naman ako at ganun din siya. Kaagad ko nang binuksan ang paper bag na pinaglagyan ni Nilda ng mga pagkain. Mayroon tatlong tupperware sa loob at isa-isa ko iyong binuksan. Inihain sa kanyang harapan. Iyong isang tupperware ang laman ay chicken salad. Iyong isa ay ham and cheese sandwich. Iyong isa ay assorted sliced fruits. “It’s all for you,” ani ko na nakangiti. “It’s a lot. Hindi ko mauubos ito. We can share it together.” aniya. Mabilis naman akong umiling. “I already eat.” pagsisinungaling ko. Totoo niyan, I don’t eat lunch. Only fruit juice for my diet. Tamad kasi ako mag-exercise kaya ginugutom ko na lang ang sarili ko. “Here’s your spoon and fork.” sabay abot sa kanya ng mga kubyertos pati na rin ang cloth napkin na pinambalot sa mga kubyertos. Tinanggap naman niya iyon. Nilagay nito ang cloth napkin sa kanyang kandungan at nagsimula ng kumain. Nilagay ko rin sa tabi niya ang bote ng mineral water. He ate the salad first. “How do you know, it’s my favourite?” tanong nito. Sabay turo sa kinakain niyang chicken salad. “Google?” I answered. He smiled. And I was frose for a moment. Para akong nakakita ng fireworks sa aking harapan. Hindi ko alam na ganun pala ka powerful ang ngiti ng damuhong ‘to. Hindi na rin normal ang pagtibok ng puso ko. Tila nagwawala ito sa loob. Iyong pakiramdam na mararamdaman ko kapag nakaharap ko na si Lee Jong Suk. There is something that melts inside of me. Wait! Hindi kaya ang maldita radar ko? No way! “By the way, why are you really here? he asked. Matapos malunok nito ang nginunguyang pagkain. Bumalik naman sa wisyo ang utak ko. Tumingala muna ako sa kalangitan bago sumagot. Humihingi ng saklolo kay Lord. “Let’s have a date.” ani ko. Bigla itong napa-ubo kaya kaagad itong napa-inom ng tubig. “Date!” ani nito. Umirap ako. “Oo, hindi ka naman siguro bingi.” “Sorry, I’m busy.” ani nito. Ipinagpatuloy na ang pagkain. “Hindi pwede,” nagpapanic kong sabi. “You have to date me for the sake of my babies.” Umangat naman ang kilay niya. Itinabi na nito ang kutsara at tinidor na hawak-hawak. Pinunasan nito ang gilid ng kanyang labi. “ I hate dates and I don’t date.” Tumaas ang isa kong kilay habang nakatingin ng diretso sa kanya. “Sus! Tingin mo? Nagulat pa ako tungkol diyan?” ani ko. “Sino naman kasi ang magkaka-interes na makipag-date sa’yo kung pati pagngiti ay hindi mo magawa ng maayos.” “That’s why I don’t do dates,” he insisted. “And why do we need to date when we are not a typical couple that is so in love with each other?” “Eh, gusto ko lang ma experience. Masama ba iyon?” sagot ko. He sighed. “ I’m really sorry. I really can’t.” “Bakit naman? Hindi pwede iyon, were engaged at karapatan ko na yayain kitang e date mo ako.” He snapped his fingers. “Rule # 5: You mind your business, I mind mine.” sabay ngiti na mapang-asar. Nagdikit ang mga kilay ko. “So? Hindi naman kasali sa rules mo na bawal kang e date.” I argued. “Bakit ba ang kulit mo?” Pinaikutan ko siya ng mata. “Bakit ba hindi ka na lang umoo para matapos na?!” He sighed once again. “Why are you doing this? What is your deal this time?” “It’s for my babies, okay.” mabilis kong tugon. “Ibabalik lang sila ni Lolo sa akin kung makikita niya na seryoso ako sa relasyong ‘to. So please, let’s date. Let's show them that you know…w—were in love. Even though it's not real.” Sunod-sunod itong umiling-iling. “Babies? Do you mean your bags or your shoes? Is it?” Tumango naman ako. “The hell! Ang babaw naman non. Oh, come on, Ms. Alvarez.” Nagpanting bigla ang tenga ko sa salitang mababaw. Eh, ano ang alam niya sa nararamdaman ko? Para hamakin niya lang ito. “They are my babies and they matter to me.” Palaban kong sabi. “Okay, ganito na lang.” May kinuha ito sa pitaka niya. It’s a card. “This is my credit card, buy the bags that you want and stop pestering me about the date thingy.” sabay abot nito sa akin. Tiningnan ko lang ito at biglang nanginginig ang kalamnan ko sa inis. “I don’t need your f***ng money.” Marahas akong tumayo. Sinukbit ko na ang dala kong bag. “Do you want to know why I badly want them to be back? Hindi dahil milyon ang halaga nila. It’s because they belong to my mom. Iyon lang ang tanging naiwan niya sa akin bago nila ako iniwan ni Daddy.” Bahagya akong tumingala sa kalangitan dahil ayokong maiyak. I'm brave and a brave person doesn't easily cry. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at tuluyan ko na siyang iniwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD