(Harley)
Hinimas-himas ko ang namumula kong balat sa pulsuhan ko banda dahil sa walang pusong paghatak na lang sa akin ng demonyong gwapo na nasa harapan ko ngayon. Pareho kaming magkaharap, naka-dekuwatro at masama ang tingin sa bawat isa.
Para kaming naglalaban na dalawa ng walang kukurap at kapwa ayaw magpatalo.
“Ahhem!” Umigham si Milo kaya nabaling ng tingin naming dalawa sa kanya. Ngumiti si Milo sa akin. “Would you like some coffee or juice, Ms. Alvarez?” magalang nitong tanong.
Inirapan ko naman siya. Pake ko sa kape nila. Hindi naman ako patay gutom at marami kaming kape sa bahay. Isa lang naman ang pinunta ko rito at iyon ay ang kaligtasan ng mga babies ko. Kailangan ko silang mabawi sa lalong madaling panahon.
I hate marriage too at ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang pag-aasawa. It’s boring kaya!
I don’t understand why there are some people that are so excited to be tied up forever in a relationship. Mukhang hindi naman exciting. Iyong iba nga, ilang buwan lang kinasal. The next day, nagpa-Tulfo na.
“No, thanks.” sagot ko. Saka ibinalik na ang tingin ko sa gwapo kong kaharap. Sumandal ako sa upuan at naupo ng komportable. “So? What are we gonna do now, my future husband?” mapang-asar kong tanong. Sabay kindat. Nakita ko kong paano ito mapikon at tingnan ako nito ng masama. Pati pagtagis ng mga bagang nito. Kulang na lang ay lunukin ako nito ng buhay. “Well, sabi kasi ng Lolo mo, planuhin na raw natin ang ating pagpapakasal. Isn't it exciting? Excited ka na ba na makasal sa akin?”
Bahagya itong ngumisi at muling nagdilim ang kanyang anyo. “You wish!” masungit nitong sabi. Sumandal rin ito sa upuan at nakatingin sa akin ng tuwid. “What makes you change your mind all of a sudden, Ms. Alvarez? I smell something fishy here. Tell me, what’s your game?”
“Fishy?” bulalas ko. Umalis ako sa pagkakasandal at bahagyang inamoy ang kili-kili ko. “Anong fishy?” ngumuso ako. “Naligo ako ‘no. Amoyin mo ako?” sabay lapit sa kanya ng leegan ko. “Ang mahal kaya ng perfume ko. Kung maka-fishy-fishy ka dyan.” sabay irap. Kay Milo naman dumako ang mata ko. “Hoy! Baka umutot ka ha? Be honest,” sita ko. “Mas sensitive pa pala ang ilong ng amo mo sa ilong ko eh.”
Pigil namang hindi matawa si Milo habang si Mr. Sungit ay nakahawak naman sa kanyang sentido. “Oh, bakit? May mali ba sa sinabi ko?” kunot noo kong tanong.
“Do you even understand what I’m trying to say?” iritableng sagot nito.
Jusmiyo! Highblood na naman si pogi.
“Oo! Gets ko naman ah!” pasinghal ko ring sagot. “Ano tingin mo sa akin, kinder lang ang tinapos? Hoy! For your own info, I can understand English, okay. Tatlong taon kaya akong tumira sa America.” pagmayabang ko. Pinag-krus ko ang mga braso ko.
Bahagya itong yumuko at nakahilot na naman sa kanyang sentido. Mukhang lahat yata ng stress sa mundo ay tila napunta sa lalaking ito.
Napa-angat ito ng tingin at seryoso ang mukha na ako’y tiningnan sa mata. “So, ibig bang sabihin nito ay pumapayag ka na? At bakit bigla ka na lang pumayag? What’s your deal?”
Pina-ikutan ko siya ng mata. “Paulit-ulit?” bored kong sabi. “Hindi ako magpapakasal sayo dahil may gusto ako sayo ‘no. Yuck! I’m doing this for my babies.”
Umirap rin ito. “ I’m just making sure. Lalo na at tila maluwag yang mga turnilyo diyan sa ulo mo.”
Pinandilatan ko siya ng mata. “Atleast, hindi kasing gloomy ng mundo mo ang mundo ko. Iyong tipong parang pasan mo ang problema ng buong Pilipinas. Hay naku! Life is too short to be grumpy, you know. Paano ka magkaka-lovelife niyan kung simangot ka ng simangot araw-araw?” Bigla akong napatakip sa aking bibig at bahagyang natawa. “OMG! Hindi ka na pala magkaka-love-life kasi ako na ang life mo.” sabay kindat. “Ang cheesy, right? Kinilig ka ba?” Hindi ko mapigilang mapa-hagikhik.
Ngunit mas lalo lang nagdilim ang anyo nito. Muli itong sumandal sa upuan at bahagyang niluwagan ang suot nitong neck tie. “Can—you atleast be serious?!” he demanded.
“Oo na, Mr. sungit. Mag-seryoso na po.” malumanay kong sabi. Palihim na inirapan siya.
“Good!” Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga bago ako muling tiningnan. “Since, we both agreed to be married even though without love involved. Nararapat lang siguro na mag-set din tayo ng kanya-kanyang boundaries.” anito
Kumunot ang aking noo. “You mean, rules?” tanong ko.
“Yes!” tango nito. “I already wrote some. You are free to add kung may gusto kang idagdag.” Lumapit si Milo sa akin at may inabot itong papel. Kaagad ko naman iyon pinasadahan ng aking mata at binasa. Ito ang ilan sa mga nabasa ko.
King’s Rules:
1. My money is my money. Yours is yours.
Napa-angat ako ng tingin sa kanya. “No, worries. I have my own money. Hindi ko kailangan ng pera mo.” sabay irap.
2. Cheating is not allowed as long as we are still both married.
Muli akong napa-angat ng tingin. “Huwag kang mag-alala. Loyal ako. Maliban lang kong ligawan ako ni Park Soo-Jeon.” sabay kindat sa kanya.
3. You mind your own business, I will mind mine.
Kunot ang noo na napatingin ako sa kanya. “Sure, darling. Shopping, iyon lang naman ang business ko kaya. It's fine.”
4. If you stay in my house, maids are not allowed. I am always alone. So, make sure you do your part as my wife.
“Teka, teka!” bulalas ko ng mabasa ang rule number 4. “Walang maid? Tapos ako ang gagawin mong maid? Ano ka, sinuswerte? Aba’y pinanganak akong prinsesa at hindi alila ‘no!”
Ngumiti ito ng nakakaloko. Iyong tipong nang-iinis. “Well, wala ka ng magagawa tungkol diyan. I always live alone and that is the consequence of marrying me. It’s either you deal with it or we stop this tortured wedding.”
Napa-awang ang aking bibig. “The heck!” Nanghihina na napasandal ako sa upuan.
“Bakit? Mag-ba-back out ka na ba?” he asked. With an annoying grimace on his face. “It’s not too late. I can talk to my Lolo and tell him that you suddenly changed your mind. Alam kong maiintindihan niya ‘yon.”
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang damuhong ‘to!
Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Alang-alang sa mga babies ko. Muli na kaong nagmulat nag ipinagpatuloy ang pagbabasa.
5. Galit ako sa makalat, so better you behave. Make sure you return all the stuff that you used in the proper places.
6. Don’t touch my personal stuff without my permission. Everything that is inside in my room.
7. Maintain cleanliness inside my house.
We sleep in separate beds and rooms. Maliban lang kung bibisitahin tayo ng mga Lolo natin. Kailangan nating magtabi.
8. No s*x. No seduction.
“Bakit walang s*x?” tanong ko. “Hindi ako payag.” ani ko. Labis naman niya itong ikinagulat at pati na rin si Milo.
“S–sira ka ba!” nauutal nitong sabi. “How can we make love when we are not even a real couple? We all know, we are only doing this for the sake of our own interes. Nothing less.”
“Basta hindi ako payag.” Pinag-ekis ko ang aking mga braso. “I want s*x. Sabi pa nga ni Kathryn sa Barcelona na movie, s*x is good for your soul. So we need it.”
Bigla namang napa-ubo si Milo. “ ‘Crying is good for your soul’ po iyon, Ms. Alvarez.” pagtatama ni Milo.
“So mali pala napanood ko?” ani ko kay Milo. Muli akong napasulyap sa kanya. “Eh di, bawal na ang s*x kung ayaw mo. Hindi kita pipilitin. Hindi naman siguro gold yang hotdog mo.” sabay irap sa kanya.
Umiling-iling naman ito at napatingin sa suot nitong relo. “How about you? Wala ka bang idadagdag?” tanong niya.
“Sa ngayon ay wala pa,” sagot ko.
“Then you can go home.” taboy nito. At ikina-angat ng kilay ko. “We can talk about it next time.”
“Pinapalayas mo ba ako?” singhal ko.
“Bakit? May sasabihin ka pa ba?” tanong niya. “I have a lot of stuff to deal with today. So, kung may tanong ka pa. Magtanong ka na.”
“Wala na!” irap ko. “Heto na nga at maka-alis na. Hmmmp! Akala mo ba gustong-gusto kitang makita?”
“Bakit? May sinabi ba ako?”
Inignora ko na lang siya. Sinukbit ko na ang aking bag at humakbang na patungo sa pinto.