Chapter 4 The random proposal

1694 Words
(Blamore) The sky is blue but why is my mood too? Nakaupo ako sa swivel chair habang nakatanaw sa kulay asul na kalangitan mula sa bintana na hindi pa natatakpan ng blindfold curtain. Malalim ang iniisip. She declined and I must be happy but I felt something weird. Bakit parang hindi ako masaya? Maybe it's about my ego. "Hindi niya ako type?" kunot noo kong bulalas. "How come?" Napatingin si Milo sa akin. "A–ko po ba ang kinakausap ninyo, sir?" tanong ni Milo. Luminga-linga ito sa paligid. "No!" tipid kong sagot. Umayos ako ng upo at tumingin na ng tuwid sa malapad na screen projector. Tapos ibinalik rin ang tingin kay Milo. "Sa tingin mo? Hindi ba ako ideal man?" tanong ko ulit. "May kulang pa ba sa akin?" Tinuro ni Milo ang kanyang sarili. "Ako na po ba ang tinatanong ninyo, sir?" "Malamang!" sagot ko. "May iba pa bang tao dito na nakikita mo na hindi ko nakikita?" "Yes sir." tugon nito. Tumingin ito kay Dally, ang sekretarya ni Lolo Claude. Kasalukuyang naglalagay ng mineral water bottle sa parihaba na mesa. Binalik rin ang tingin sa akin at bahagyang inayos ang suot nitong salamin sa mata. "Is it about Ms. Alvarez po ba, sir?" Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Just answer my damn question, okay?!" singhal ko. Just hearing her name makes my anger rise to its highest level. Umigham si Milo. "Well, if you asked me. You are ideal, sir. You're smart, tall, handsome and rich. Walang babae ang tatanggi sa inyo." "Exactly!" bulalas ko. "Kaya nga nagtataka ako. Why did that little brat psycho decline my proposal?" "Iyan po ang hindi ko masasagot, sir. Tanging si Ms. Alvarez lang po ang makakasagot niyan. You want me to call her and ask?" Bigla akong napa-ubo. "No way!" sigaw ko. The hell, I care about that woman anyway. It's a good thing anyway that she declined. Atleast, mababawasan ang sakit ko sa ulo. Wala naman akong interes na magpakasal sa kanya. "Anyway, what's on my schedule today?" tanong ko. Kaagad namang kumilos si Milo at tiningnan ang planner book nito. "Uhmmm, you have a meeting with the board members today, sir. Tungkol sa launching ng bago nating produkto. Then after that, you have a dinner meeting with Mr. Tan. About the partnership of the new resort that they are planning to build in Tagaytay." "That's all?" Nagtataka kong tanong. Usually kasi punong-puno ang schedule ko. Maybe it's perfect timing. I'm not in the mood to work today anyway. "Anong oras ba ang board meeting?" naiinip kong tanong. Mukhang kanina pa kasi ako nakaupo sa loob ng conference room. "10 A.M, sir." Tumingin ako sa suot kong relo. Ilang minuto na rin at magsisimula na rin pala ang meeting. Umayos na lang ako ng upo habang naghihintay sa iba ko pang kasamahan at kay Lolo. Nauna na ako sa conference room since I hate lates. Kaya ni minsan ay hindi pa nangyari sa buhay ko na na-late ako sa mga meeting ko. Ten minutes before the meeting start ay kailangan nasa loob na ako ng meeting venue. Ilang minuto ang lumipas ay isa-isa na rin nagdatingan ang ilang opisyal ng aking kompanya. Kasama na roon si Lolo. Kinamayan ko ang mga ito at binati maliban sa aking ama na isa rin sa mga board of directors ng kompanya. Nasa kalagitnaan na kami ng aming meeting ng may narinig kaming mga boses mula sa labas ng pintuan. Masyadong agaw atensyon iyon sa aming lahat dahilan sa bahagyang pagtigil sa pagsasalita ni Mrs. Santos, ang product development manager ng Ferrer Food Industry Corporation. Sininyasan ni Lolo si Milo para lumapit. "What the hell is that?" tanong ni Lolo kay Milo. "Titingnan ko, sir." sagot naman ni Milo. Kaagad itong umalis at tumungo sa labas. "I badly need to talk to him, okay!" boses ng babae. Rinig na rinig pa rin namin sa loob. "Hindi nga po pwede, ma'am. Nasa kalagitnaan po sila ng meeting." boses ni Dally. Mukhang ito ang kausap ng babaeng nag-iskandalo sa labas. "Ahhhh, so ayaw mo akong papasukin?" May halong inis sa boses nito. "Fine!" "Ms. Alvarez?" boses ni Milo. "Ano po ang ginagawa 'nyo dito." Napa-angat naman ng tingin si Lolo sa akin. "Is that Harley?" tanong nito sa akin. Hindi ako kumibo at nagkibit-balikat lang. Kahit na sigurado akong siya nga iyon. Napasandal ako sa aking upuan at tahimik lang na nakikinig sa labas. Pero ang labis na ipinagtataka ko lang ay kung bakit sumugod ito dito ng napaka-aga. Ano ba ang pakay niya? "I need to talk to your masungit na boss, please. It's urgent!" paki-usap ng babaeng nag-iskandalo sa labas. Hay! Psycho talaga! Does she even know the word 'wait'? At sinong masungit? "Sorry, Ms. Alvarez, but not now." paliwanag ni Milo. "You can wait for him in his office if you want. Dally will take you there. One hour more to go and the meeting will be over." "No! I can't! I don't have that much time. My babies need me." Umawang naman ang mga bibig ng mga tao sa loob na nakarinig sa kanya. All of a sudden, lahat sila nakatingin na sa akin. The hell! Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to? "Did you happen to have a son accidentally?" pang-asar na tanong ng aking ama. Ngumisi ito. "Naka-buntis ka ba at tinakbuhan mo, anak?" "No!" angil ko. "I'm not like you, dad!" "Hindi talaga pwede sa ngayon, Ms. Alvarez." paliwanag pa rin ni Milo. "Wrong timing po kayo. Mamaya po, promise. You can talk to him." "No!" pagmamatigas pa rin nito. "Hindi ako titigil sa pag-iskandalo rito hanggat hindi ko siya nakaka-usap." Muling sumenyas si Lolo Claude sa isang assistant na babae sa loob. Lumapit naman ang babae kay Lolo at may ibinulong si Lolo sa kanya. Pagkatapos niyan ay lumabas na rin ang babae. Sunod na nangyari ay nasa harap na ng mata ko ang psycho na sumira ng araw ko ngayon. Makahulugan kong tiningnan si Lolo. The hell is wrong with this old fella? Bakit niya pa pinapasok ang babaeng ito? Mukhang wala namang ibang pakay ito kundi ang manggulo. Luminga-linga ang psycho na babae sa paligid at alam ko naman na ako ang hinahanap ng mata nito. "There you are!" ani nito. Kumikinang ang mata na tila naka-jackpot ng malaking halaga na premyo. Mabilis akong tumayo at sinalubong siya. Hinawakan sa pulsuhan nito at kinaladkad sa gilid. "The hell is wrong with you?" singhal ko kaagad sa kanya. Syempre, sa mahinang boses. Baka marinig ni Lolo at ako naman ang mapapagalitan. Sabihin, hindi ako gumalang sa mga kababaihan. Pinandilatan ako nito ng mata. "I'm here to talk to you, idiot!" singhal rin nito. Napakurap ako bigla. This little psychopath reaĺly knows how to make my blood boils in anger. "Psycho ka ba? Sinabi na nga ng sekretarya ko na busy ako ngayon, diba? Hindi ka ba, makaintindi?" "Sila ang hindi makaintindi sa akin!" baluktot nitong katwiran. "Sabing urgent! Pero mukhang hindi nila alam ang salitang urgent. Ang tatanga! Hay, ano ba yan!" Bigla akong napahilot sa aking sintido. Lord, Please! "Uhh Hmm!" umigham si Lolo Claude. Parehas naman kaming napalingon sa matanda. "Hija, Harley? Why are you here?" nakangiti nitong tanong. Marahas namang winakli ng babae ang kamay kong nakahawak sa kanya. Naglakad ito papunta kay Lolo. "Hello po, Lolo Claude." magalang nitong bati. Tapos, bigla na lang itong natameme. Na-realized na niya siguro na maraming mata ang nakatingin sa kanya. Umayos ito ng tayo at ngumiti. "Hello, good morning din sa inyo." Kumaway-kaway pa ito na akala mo artista. Bumabati sa kanyang mga fans. Biglang tumayo ang aking ama at naglakad ito palapit sa kanya. "Hija? Hi!" bati ni Daddy sa kanya. Tumingin siya sa akin at tila nagtatanong ang mga mata kong sino ang taong ito. Humakbang naman ako palapit sa kinaroonan niya. "His my Dad," pakilala ko. Sa kanya lang nakatingin. "Ohhhh!" Bahagya itong nagulat. "H–hello po. I'm sorry! I'm Harley." "And you are his?" My dad asked. Sabay turo sa akin. "F–fiancee!" mabilis nitong sagot. Sabay kapit sa braso ko. Ngumiti sa akin habang nakatingin ng diretso. "Right?" Nanlaki ang mata ko sa gulat. Ilang beses napakurap. Muli ko siyang kinaladkad sa gilid. "What the hell are you talking about? You already said no." mahinahon kong bulyaw. "Pinagloloko mo ba ako?" Umirap ito sa akin. "Kumalma ka nga! Chill lang, Mr. Sungit. Ako bahala sa'yo." Kumindat pa ito sa akin. "Let me go!" Marahas nitong winakli muli ang aking kamay. Oh! God! Mas lalong sumasakit ang batok ko sa kanya. Anong siya ang bahala sa akin? Hindi ba niya na gets na ayaw ko rin sa kanya. "I thought you said no to Blamore." wika ni Lolo Claude. Mukhang naaliw itong nakatingin sa aming dalawa. "No, Lolo Claude," the psycho said. "Ang sabi ko, pag-iisipan ko. I didn't say no." Sa akin naman ito sumulyap. "Ikaw talaga! Advance ka mag-isip." sabay kurot sa pisngi ko. Nagtawanan naman ang lahat ng tao sa loob. Sinamaan ko siya ng tingin habang nagngingitngit ang aking kalooban sa inis. "It's good news then," tuwang-tuwa na saad ni Lolo. Itinaas pa nito ang dalawang kamay sa ere. "Let's call it a day. Cancel this meeting and let these two talk about their plans for their coming wedding." Nagsi-tayuan naman ang lahat at nagpalakpakan. Isa-isang nagsilapitan pa ang mga ito at nakipag-kamay sa aming dalawa. "Congratulations in advance, my future daughter in law." saad ng aking ama. Bahagya nitong niyakap si Harley. "Welcome to our family." "Thank you po." sagot ng babaeng psycho. Muli itong sumulyap sa akin na nakangiti. "Masyado bang mahal ang ngiti mo?" siko nito sa akin. "Tingnan mo, everyone is congratulating us. Smile naman diyan." "Smile mong mukha mo!" nag-gagalaiti kong sabi sa mababang boses. "Mamaya tayo, magtutuos." banta ko. "Oh my God!" Napatakip ito sa kanyang bibig. "You want a kiss?!." sabay ngiti ng mapang-asar. Luh! Mas lalong lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Lalo na nagsimulang maghiyawan ang mga tao sa loob ng 'kiss'! 'kiss'! 'kiss'! Walang pasabi-sabi na hinawakan ko siya sa pulsuhan at kinaladkad palabas ng conference room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD