Chapter 3 The Princess fall down

1968 Words
(Harley) "Bwesit na lalaking 'yon!" Hindi ko napigilang ibulalas sa labis na inis na aking nararamdaman sa mga oras na 'to. I was mad. Furiously mad. "Aaaaahhhhh!" sigaw ko. Mukhang labis naman iyon na ikinagulat ng driver at ni Nilda. Dahil kamuntikan na nitong mabitawan ang water bottle nitong hawak-hawak. "How dare he," dagdag ko pa. Halos hindi na maipinta ang mukha ko sa sobrang inis. Marahil ay kasing pula na rin ito ng kamatis. "Po? T–tinatanong nyo po ba ako, Ms. Harley?" si Nilda. Tiningnan ko siya ng masama. "Bakit? May narinig kang Nilda mula sa bunganga ko?" galit kong sabi. "W–wala naman po. Akala ko kasi ako kinakausap 'nyo eh." "Ewan! Basta, makinig lang kayo. Wala ako sa mood. Okay?!" ani ko. Muli akong sumandal habang nakahalukipkip pa rin ang mga braso ko. "Ang walang modo na 'yon. Napaka-walang hiya niya talaga! Arrrghhh!" sigaw ko muli. Sabay tapon sa tissue box na nasa tabi ko. Hindi sinasadyang napunta naman iyon sa kandungan ni Nilda. "Ma'am? Okay lang po ba talaga kayo?" tanong nito. "Do I look like I'm okay?" angil ko. "Well, hindi ako okay! "Okay po!" halos pabulong nitong sagot. Sabay yuko ngunit muli na naman itong tumingin sa akin. "What?!" angil ko. "Natatae ka ba or what? Teka nga," umalis na ako mula sa pagkaka-sandal. "bakit ba tanong ka ng tanong?" "Eh, kasi po, Ms. Harley. I–itatanong ko lang po kung hindi pa ba tayo bababa? Mukhang magdadalawang oras na po tayo sa loob ng kotse. Overtime na rin po si Mang Johnny." paliwanag ni Nilda. Bahagya akong sumilip sa labas. Nasa tapat na nga kami ng porch ng mansyon at gabi na rin. Sinilip ko ang oras sa aking telepono. Malapit na rin mag-9 o' clock ng gabi. Tumaas ang aking kilay at umismid. "So? Pake ko! Babayaran naman kayo ng overtime pay nyo diba?" "H–hindi naman po sa ganun…kaya lang kasi Ms. Harley," lumingon ito sa kinaroroonan ni Mang Johnny. "Birthday kasi ng anak niya ngayon. Baka po, pwede na siyang maunang umalis." Huminga ako ng malalim sabay pikit. "Open the door." utos ko. Dali-dali namang bumaba si Nilda para pag-buksan ako. "Bilis! Ang bagal naman!" reklamo ko. Habang nasa daliri ko ang aking mga mata. Mukhang need ko na kasi ng manicure. Maka-book nga ng appointment sa Gajaylly Salon. Pinaka-mahal at magandang salon sa buong Pilipinas. VIP ako roon 'ha. "Pwede na po kayong bumaba, Miss Harley." nakangiting sabi ni Nilda. Inilahad nito ang kanyang palad para alalayan ako sa pagbaba. Ewan ko ba kung bakit masaya ang babaeng ito. Eh, hindi naman siya ang makaka-uwi ng maaga. Pwee! Ito talagang mga ordinaryong tao mababaw lang ang kaligayahan. "Oh, ba't ka nakangiti?" sita ko kay Nilda. "Ikaw ba ang may birthday?" "Hindi po." sagot nito. Sabay tikom sa nakangiti niyang bibig. "Ma'am Harley?" magalang na wika ni Mang Johnny. Syempre, hindi naman ako bastos kaya huminto ako at nilingon siya. "Oh Bakit na naman?" angil ko. "Huwag mong sabihin na aabsent ka bukas. Well, hindi pwede. May beauty salon appointment ako bukas." sabay flip sa mahaba kong buhok. "Naku, hindi po ma'am. Gusto ko lang po magpa-thank you." ani ni Mang Johnny. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko kasi gets kung bakit labis na ang tuwa nila sa ginawa ko. "Whatever! Just get lost!" taboy ko. Nagsimula ng humakbang papasok sa loob ng mansyon. Si Nilda naman ay nakabuntot lang sa akin at bigla akong huminto. "Bakit po, Miss Harley? May nakalimutan po ba kayo sa loob ng sasakyan?" "Wala! Heto, paki-abot kay Manong driver." sabay abot sa kanya ng dalawang libo. "P–para po saan 'to, Ms. Harley?" Pinandilatan ko siya ng mata. "Bakit ba hindi ka nauubusan ng tanong? Paki-bigay na lang sa kanya at pakisabi na rin na happy birthday sa anak niya." sabay talikod. Nauna na akong humakbang. "Sige po, Ms. Harley. Salamat po." Pasasalamat nito sa masigla nitong boses. "Siguradong matutuwa po nito si Mang Johnny." Pina-ikutan ko lang ito ng mata. Pwee! Maliit na bagay. Ewan, pero parang may konting saya ang biglang humaplos sa aking dibdib. Ewww! Parang bigla akong nanlamig. Hindi yata bagay sa akin ang maging mabait. "Good evening, Ms. Harley." bati ng nakasalubong kong katulong namin. "My evening is not good kaya tumabi ka." sagot ko. Literal na tumabi naman ito. Jusko po! Hindi mabiro. Umakyat na ako ng hagdan papunta sa kwarto ko at ngayon ko lang napansin na tila hindi ko naaamoy ang aura ni Lolo Martin ngayon. Bigla akong nalungkot. Kadalasan kasi lagi itong naka-abang sa malaking sala namin sa aking pag-uwi. "Saan naman kaya nagpunta ang matandang iyon?" pabulong kong tanong. "May dinner meeting daw po." sagot ng isang boses. Muntik na akong mapa-atras sa gulat. "What the heck are you doing here?" sita ko kay Mara. Isa sa mga katulong rin namin. "Naglilinis po." tipid nitong sagot. "Ganitong oras?" kunot noo kung tanong. "Bakit? May masama po ba sa paglilinis sa gabi, ma'am?" Pabalik nitong tanong. Huminga ako ng malalim at pinandilatan siya ng mata. "Walang masama!" singhal ko. "Pero iyong pangit mong mukha ang masama. Bakit kaya hindi muna yan ang una mong linisin?" "Grabe naman kayo ma'am porket maganda kayo!" pabulong nitong sabi. Yumuko na ito at ipinagpatuloy na ang ginagawa. Eh, alangan tumunganga ako sa kanya habang naglilinis. Syempre humakbang na rin ako papunta sa kwarto ko. Kaagad ko itong binuksan since wala si Nilda na magbubukas ng pintuan sa akin. Pagbukas ko pa lang ay agad ng tumambad sa akin ang mabango, maaliwalas at syempre ang bagong palit na bed sheets sa aking king size bed. Kaagad na akong naghubad ng aking sapatos at padapang nahiga sa aking kama. Hindi naman ako nag-shopping ng bonggang bongga pero parang pagod na pagod ngayon ang aking katawan. Parang tinamad na rin akong maligo. Utusan ko na lang kaya si Nilda na paliguan ako. Napa-angat ako ng tingin dahil may napansin akong kakaiba. Naka-bukas kasi ang malaki at malapad kong walk in closet. Bumangon ako at tinungo iyon. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. All my babies are gone. May two hundred babies. Wala na ang mga ito sa kani-kanilang estante na gawa sa mamahaling salamin at kung saan sila naka-display. Napahawak ako sa magkabila kong pisngi at umikot-ikot sa aking paligid. Lahat ng mamahalin kong sapatos ay wala na rin. Dalawang pares lang ang tinira. Isang rubber shoes at may heels. "The heck!" Ang mga damit ko naman ay hindi naman ginalaw. Walang bawas ang mga ito. Abot langit ang kaba at galit ang aking nararamdaman. Naghahalo sila, actually. Kaagad akong nag-martsa palabas. "Mara!" sigaw ko. "Yes, ma'am?" sagot naman nito. Saglit itong tumigil sa kanyang ginagawa. "Nasaan ang mga babies ko?" "Hala!" napatakip ito sa kanyang bibig. "May anak na po kayo, ma'am? Kailan pa po?" "Punyeta ka! Stupid! Ang mga bags ko na mahal pa sa buhay mo ang tinutukoy ko. Lahat sila nawawala. Nasaan na? Ninakaw mo ba?" "Grabe naman kayo ma'am!" anito. Sabay tapon sa basahan sa sahig. Mukhang napikon na. "Una, tinawag 'nyo akong pangit. Ngayon naman, magnanakaw? I can't take it anymore." sabay hubad sa apron nito. "Wow! English ha!" ani ko. "Hoy! Hindi kita tinawag na pangit 'ha. I mean… hindi direkta." "Whatever! I quit!" sigaw nito sa pagmumukha ko. Aba'y ang hampas-lupang 'to. "Seryoso ka?" sigaw ko. Pababa na kasi siya ng hagdan. "Mukha ba akong nagbibiro, ma'am?" pasigaw din nitong sagot. "Kung ano kasi yang kinaganda ng mukha ninyo, eh ganon naman ang kinapangit ng ugali ninyo." Ouch! Nasaktan ako roon 'ha. "Hmmmmp! Whatever!" pande-deadma ko. "N—-nilda!!!!!!" sigaw ko na lang. Kaagad ko namang nakita si Nilda na nagkukumahog maglakad papunta sa akin. Ngumunguya pa ito. Mukhang kumakain pa ng 2nd batch niyang hapunan. "Bakit po, Ms. Psycho? Este, Ms. Harley." hinihingal nitong tanong. I try to ignore doon sa nadulas ang dila niya at tinawag akong Psycho 'ha. Since, ang kalagayan ng mga babies ko ang importante sa ngayon. "All my babies are gone!" sumbong ko. "Kailangan mong tumawag ng detective." wika ko. "Di po ba police ang tatawagin natin sa ganitong insidente, Ms. Harley? Bakit detective?" "Eh, nasosolve kaagad ni Detective Conan lahat ng cases niya eh." paliwanag ko. "Hindi ba maigi na detective ang tatawagin natin?" "Huwag na kayong magsayang ng oras pa." boses ni Lolo. Nakatanaw ito sa amin mula sa baba. Mukhang kararating lang nito at katabi nito si Lilith. Ibang klase rin itong si lolo. Matanda na pero ang pandinig ay active pa rin. Akalain mo iyon, naririnig niya pa ang usapan namin ni Nilda mula rito. "Huwag kayong mag-alala, Ms. Harley. Safe na safe po ang mga babies ninyo." si Lilith. Bahagya pa itong ngumiti. Kaasar! "Pero Lolo!" naiiyak kong sabi. Tumakbo ako pababa sa kanya at yumakap. "Ano ang gagawin ko? I can't live without them. At isa pa, bakit nyo naman sila kinidnap?" Mahina naman akong tinapik-tapik sa braso ni Lolo. "You can live without them, hija. I'm sure of that. Mabubuhay ka kahit iisa lang ang sapatos at bag mo. Maniwala ka. Wala pa akong nabalitaan na tao na namatay dahil iisa lang ang sapatos niya." "Maliban sa akin!" matigas kong katwiran. "I'm special and those fancy babies are the ones that make me breathe." "Then let see, kung bukas ay buhay ka pa." ani nito. Nilampasan na ako. "Lolo naman eh!" pagdadabog ko. "Ibalik nyo na sila sa akin, please. Parang awa 'nyo na." "No!" sagot nito. Dumeretso ito sa loob ng kanyang mini-bar. Para naman akong tuta na naka-buntot sa kanya. Nagsalin ito ng paborito niyang alak sa baso. "Hangga't hindi ka tumutupad sa usapan natin. Hindi kita ibabalik sa buhay na nakasanayan mo." "What?! Ano 'to sapilitan? Lolo naman! Ayoko nga sa lalaking masungit na 'yon. Hindi ka ba natatakot na baka maging battered wife ako kung siya ang mapapangasawa ko?" Bahagya namang natawa si Lolo. "Naku na bata ka! Puro ka kalokohan. Blamore is a nice guy. I'm sure of that. I see him growing up." Nagsalubong ang kilay ko. Kasabay nito ang ngitngit na nararamdaman ko. "Paano ka naman nakakasiguro sa ugali ng lalaking iyon na pinaglihi sa sama ng loob. Parang feeling niya, gold iyong ngiti niya." "Because he's a Ferrer." sabay kindat na nakangiti. "Okay, fine!" suko ko. "Papayag na ako pero baka pwede nyo na munang ibalik sa akin ang mga babies ko. Please! They are the only ones that make me feel that I'm not alone. I need them back!" I demanded. Lolo tapped my shoulder. "That's not true hija." Ngumiti ito ng makahulugan. "May isang bagay pa rin na mas higit na magpapasaya sa'yo at hindi iyon mapapantayan ng kahit ano mang materyal na bagay. I hope someday, you will find it. And if you make it, I'll be the first to be proud of you." Tuluyan na nito akong iniwan. "Damn it!" usal ko. Sapo-sapo ang aking noo. Naitikom ko ang aking kamao nang muli na namang sumagi sa isipan ko ang huling sinabi ng diablong si Blamore na 'yon. "Haizzz!" Pagdadabog ko. "Ms. Harley? O–okay lang po ba kayo?" tanong ni Nilda. Tiningnan ko naman siya ng masama. Why does everybody ask me if I'm okay when it's obvious that I'm not. Tsk! "I hate you!" sigaw ko. Napahawak naman ito sa kanyang dibdib dahil sa gulat. "Susmaryosep naman!" bulalas nito. "Ano na naman po ba iyong nagawa kong kasalanan, Ms. Harley?" "Wala! I just hate you all!" ani ko. Hindi ko na rin napigilang maiyak. "Hindi ninyo ako naiintindihan. Walang may gustong umintindi sa akin." sabay martsa paakyat patungo sa kwarto ko. Padabog ko itong sinara, dumapa sa aking kama at isinobsob ang aking luhaang mukha sa unan. Hinayaan ko lang umiyak ang aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD