“WHAT is your dream wedding, Lexie?” Ilang beses kumurap ang dalaga habang pinagmamasdan ang tatlong pares ng mga mata na nakatitig sa kanya - si Esmeralda, si Aiden at ang wedding coordinator ng mga ito. There was an expectant look in Aiden’s gaze. Nang-aasar ba ito sa tanong nito? “I-I have no idea,” kaswal na sagot niya. “Wala naman sa plano ko ang magpakasal. This is your wedding, right?” “Esmeralda has no idea either. From a woman’s perspective, maybe you can help us out,” anang wedding coordinator na si Wendy. Mukhang mali yata na sumama pa siya sa meeting na iyon. But Aiden demanded it. Perfectionist daw siya. Mas alam niya kung ano ang gusto nito. She knew what he wanted to achieve in that wedding. “A simple Bohemian wedding,” nausal niya nang maalala ang proposal dinner sa

