Chapter 15

2836 Words

Nagpa-panic na si Nylanna. Halos mapudpod na ang daliri ni Lexie sa kada-dial sa condo ni Aiden. Walang sumasagot doon. Maging ang cellphone nito ay naka-off. Mag-aalas-dose na pero di pa rin ito dumadating ng opisina. Mabuti na lang at wala itong meeting. Kung kailan naman nakahanda na siyang sabihin na pumapayag na magpakasal dito, saka naman hindi ito dadating. Nadadagdagan lang ang anticipation na nararamdaman niya. Hindi pala madaling mag-propose ng kasal. Napilitan na siyang tawagan ang villa sa Tagaytay nang alas dose na ay wala pa rin ang binata. Nang nakaraang Biyernes ay sinabi nito na tutuloy ito doon matapos ang nabigong meeting nito kay Mr. Wang. “Manang Tonyang, nandiyan na po ba si Sir Aiden?” tanong niya sa caretaker. “Hindi pa po kasi siya dumadating dito sa opisina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD