Lexie was overwhelmed. Kahit kailan ay di sumagi sa isip niya na doon mauuwi ang gabing iyon. Sinapo niya ang dibdib. Parang gusto na lang niyang himatayin. Nang nakaraang araw ay muntik nang mabingit sa kamatayan ang buhay nila. She gave herself to him. At kung kailan sinusubukan niyang bumalik sa normal na buhay dahil ayaw niyang maging awkward ang samahan nila ni Aiden sa opisina ay aalukin siya nito ngayon ng kasal. But her heart was overflowing with joy. Aiden occupied a very special place in her heart. He was her first lover. At kung susundin niya ang standard ng moralistang lipunan, she must accept his proposal. “Why?” naitanong ng dalaga. “I think you are the perfect girl for me.” “J-Just because we had s*x?” That was not good enough foundation for people to get married. Ma

