Nakatulog siya habang iniisip ang lahat ng banta na gagawin niya kay Aiden. Nagising siya nang tapikin ng binata ang balikat niya. “Lexie, we are here.” Nang dumilat sila ay nasa harap sila ng isang Swiss villa. May mga pine trees sa paligid. “T-This is your vacation house,” usal niya. “Nandito ang special girl mo?” “Yes. Let’s get inside.” Pasimple muna niyang sinipat ang mukha sa compact mirror kung hindi ba siya oily bago binuksan ni Aiden ang pinto ng sasakyan. Malakas ang kaba sa dibdib niya nang alalayan siya nitong bumaba. Isang matandang babae ang sumalubong sa kanila. “Si Manang Tonyang, ang caretaker dito sa bahay.” “Nice meeting you po,” aniya sa matandang babae at kinamayan ito. “Ako po si Lexie, ang assistant ni Sir Aiden.” “Bata ka pa pala at talagang maganda.” “Manan

