“ANG sakit ng katawan ko. I want a massage by the beach,” usal ni Lexie at nag-inat matapos bumaba sa eroplano nila. “May massage parlor kaya dito?” “A hilot maybe,” anang si Aiden at nagpasalamat sa piloto nang ibaba ang bagahe nila. They landed in an airstrip at the island of Bugsuk at Balabac, Palawan. Iyon na ang pinakahuling bayan sa Palawan na ang kasunod ay Sabah, Malaysia na. Di na bago kay Lexie ang bumiyahe. Nakarating na siya sa iba’t ibang bansa bilang assistant ng binata, sanay na siya na lumapag sa magugulong airport. Sa pagkakataong ito ay sa isang private airstrip sila bumaba. Nagtataasang puno ng niyog ang nasa paligid at sa di kalayuan ay ang dagat. Masasabi niya na iyon na ang pinakaliblib na lugar na napuntahan niya. She had a surreal feeling a while ago while on a

