Chapter 3

2433 Words
“Ten more minutes. Come on, Lexie. Fly!” usal ng dalaga habang nag-I-sprint sa Lexie sa lobby ng main office ng Brava International. Maagang natulog nang nagdaang gabi ang dalaga. Ayaw niyang nale-late. Gusto niya ay nakahanda na ang lahat kapag dumating si Aiden sa opisina. Sa kasamaang-palad ay may nagbanggaan sa kanto nila at kalahating oras din sila na-stuck. Inabutan na siya ng traffic sa EDSA at papunta sa hotel. Tapos na isang linggong training ni Lexie. Hindi siya nahirapan sa training dahil mas mahirap pa noon ang ginagawa niya sa dating kompanya. Ang kaibahan lang ay mas malaki ang Brava International. At may bagong boss na pakikisamahan. Now she was on her own with Aiden. And she wanted to be ready for battle. Or she should be. Gusto niya na maging maganda ang impresyon ni Aiden sa kanya. Gusto niyang ipakita dito na professional siya. Ayaw niya na bigyan ito ng rason para sisantehin siya. Sana lang ay di siya nito maunahan. Malakas na malakas pa ang t***k ng puso niya nang sa wakas ay makarating sa desk. Ilalapag pa lang niya ang gamit nang biglang bumukas ang pinto sa opisina ni Aiden. Sumandal ito sa pinto a humalukipkip. “Good morning!” he greeted with a warm smile. “Sir, g-good morning. I am sorry if I am late.” “To my office, please,” malambing na sabi nito. Kinakabahang sumunod dito ang dalaga at binitbit ang laptop sa para sa instruction nito. Nagtaka siya nang lumabas ito. Matiyagang naghintay dito ang dalaga. Pagbalik ito ay may dala na itong tasa ng kape. Tumayo siya bigla. “Sir, sana po ako na lang ang pinakuha ninyo ng kape ninyo. That is my job, Sir…” “Di ko naman naalala sa pinirmahan mong kontrata na tagatimpla ka ng kape ko. Kaya ko namang mag-isa.” “That is a given. Hindi na kailangang ilagay pa sa kontrata o sa job description.” Kung simpleng pagtitimpla lang ng kape ay di niya magampanan, anong klaseng assistant siya? O baka naman nang-aasar lang ito dahil unang araw pa lang ng official working day niya ay late na siya. Inilapag nito ang kape sa harap niya. “Hindi iyan para sa akin kundi para sa iyo.” Umawang ang bibig ng dalaga. “Bakit mo ako ipagtitimpla? Ako ang assistant mo. Hindi mo ako dapat pinagsisilbihan.” “As your boss, inuutusan kita na inumin ang kape na itinimpla ko. No arguments,” he said in a playful tone. Tinitigan niya ang tasa ng kape. “Walang lason iyan,” untag ng binata sa kanya. Nang iangat niya ang tingin ay nakangiti ito sa kanya. Wala ngang lason pero baka gayuma meron. Bakit siya nito ipinagtimpla ng kape? Bakti siya nito pinagsisilbihan? Hindi siya sanay sa ganoon. Sanay siya na siya ang nagsisilbi. Naguguhitan niya ang linya sa pagitan nila ng amo niya. Alam niya kung saan siya lulugar. Not like this. He was blurring the lines. “Have some so we can start working,” sabi nito at inilahad ang palad. Tumikhim siya at uminom ng kape. It was good. Humigop siya ng isa pa. Wala siyang pakialam kung may gayuma man iyon. “Thank you for the coffee, Sir.” “Pwede na ba akong mag-apply na tagatimpla ng kape?” Inubo siya at bahagyang natawa. Di pa rin kasi niya ma-imagine na ang isang katulad nito ay magiging tagatimpla lang ng kape. “Di yata bagay, Sir.” “Bakit naman hindi?” “With your degree from an Ivy league university, I don’t think so.” Huminga siya ng malalim. Masyado na yatang gumagaan ang usapan kahit na oras ng trabaho. Kailangan niyang bumalik sa pagiging assistant nito. “I apologize for being late, Sir. I assure you, wala akong record ng tardiness sa dati kong pinapasukan. I am always on time.” “You were on time a while ago.” “I don’t consider that on time. Kayo na mismo ang nagtimpla ng sarili ninyong kape at naunahan ninyo akong pumasok.” Itinaas niya ang tasa ng kape. “Kayo pa mismo ang nagtimpla ng kape para sa akin.” Pinagsalikop nito ang palad. “Ah! Hindi mo siguro alam na nag-training ako dito sa hotel noong teenager pa lang ako. Mula sa pagiging messenger, janitor at kasama na rin ang tagatimpla ng kape.” “Ginawa nila iyon sa iyo?” gulat niyang bulalas. Karaniwan sa mga kwentong nalalaman niya tungkol sa mga may-ari ng kompanya, they would just assumed the position they want. A degree from an ivy league school would be more than enough. Nagkibit-balikat ito. “I want to earn my position. Gusto kong maintindihan kung ano ang nangyayari sa kompanya at kung paano ginagawa ang trabaho mula sa baba. Bata pa lang ako alam ko nang may shares ako dito sa hotel. Katuwang ako ng kapatid ko sa pagpapalago ng kompanya. Hindi ko magagawa iyon kung hindi ko na narasan ang ginagawa ng mga ordinaryong tao. Kaya naiintindihan ko kung ma-late ka man. Nakita ko sa traffic update na late sa dadaanan mo.” “Thanks for understanding, Sir,” sabi ni Lexie at nakahinga ng maluwag. Malaking bagay na nauunawaan nito ang pinagdadaanan ng ordinaryong empleyado kagaya niya. Kaya marahil mas magaan itong makitungo sa mga tauhan kumpara kay Amadeus. At lalong di si Amadeus ang magtitimpla ng kape para sa tauhan nito. He had this alpha boss in him. While Aiden was the cool one. “Hindi ako mahigpit na boss. Gusto ko ng magaan na office relationship. As long as you do your job, it is okay to joke with me. Pwede ring huwag mo akong tawaging “Sir”. Pwedeng Aiden na lang.” Umiling ang dalaga. “No. I can’t do that.” Umupo ito sa tapat niya. He leaned forward until their faces were almost even. “Nakakasakal kapag tinatawag akong Aiden lang. I want us to be friends.” “Friends.” Friends na pa-fall. Then you will fire me! “Mas gusto ko pa rin na tawagin kayong “Sir”. Saka ko na po siguro kayo tatawagin sa first name ninyo kapag matagal na akong nagtatrabaho sa inyo. A year or so, maybe?” Kung aabot man siya nang ganoon katagal. Bawat kabutihang ipakita ni Aiden sa kanya, pakiramdam niya ay patibong na nakahanda para siluin siya. “So, do you want to discuss your itinerary for the day, Sir?” anang si Lexie at pormal na ngumiti. Everything went smoothly. Hanggang sa wakas ay I-dismiss na siya ng lalaki para ma-accommodate na nito ang first appointment nito. “What is your perfume?” tanong ng lalaki at nakasunod pa sa kanya hanggang palabas siya ng pinto. Tumaas ang kilay niya. “Elizabeth Ardent Green Tea.” ”It is more heavenly than the flowers,” sabi nito at parang sinasamyo pa ang bango niya. “I like it.” “Thank…” It was supposed to make her feel good as a woman. Para pag-interesan ng lalaki ang pabango mo, there was a subtle hint of s****l interest or attraction there. Or maybe not. Tse! Bet mo siguro ang pabango ko kasi pang-girl. Ayon sa nabasa niyang article, may mga lalaki daw na kuntodo puri sa pananamit, ayos ng buhok, make up at iba pa na mayroon ang isang babae, di dahil attracted ang lalaki dito kundi wini-wish nito na sana ay makaporma din ito nang ganoon. Ayan na ang senyales! Bawal ma-fall. Aasa ka lang sa wala. “Thanks for the coffee,” mahinang bulong niya at lumabas ng opisina. Gay or straight, her boss was dangerous. Mas mapanganib pa kaysa sa boss niyang manyakis. Mas mapanganib ang mga paasang lalaki. Hindi na nga interesado sa iyo at sasaktan ang puso mo, aalisin ka pa sa trabaho kapag na-in love ka. Hinding-hindi mahuhulog si Lexie sa patibong nito. Kung ganoon kasadista ang trip nito, hindi ito magtatagumpay sa kanya. Tiisin nito na may sekretary ito na di mapapaalis sa kompanya o mai-in love dito. "YES! I got here on time." Pakiramdam ni Lexie ay nanalo siya sa Olympics nang makatapak ang paa sa lobby ng Brava Hotel wala pang alas otso ng umaga. Sa wakas ay magagawa na niya ang trabaho niya. First thing first, she must brew some coffee. Sa tantiya niya ay alas ocho y media dumadating si Aiden. Sapat na ang oras para makapaghanda siya sa pagdating ng binata. Wala pang ibang tao sa opisina. She was an early bird. It was eerily quiet but the sound was welcoming. Gusto niya kapag siya ang nauuna sa opisina kahit sa dati niyang trabaho. She loved being first. Ibig sabihin ay eager na gawin sa trabaho. Babawi siya mula sa kapalpakan niya nang nagdaang araw nang ma-late siya at siya pa ang ipinagtimpla ng kape ni Aiden. Napansin agad ng dalaga ang cattleya orchids na nakalagay sa crystal vase sa desk niya pagdating niya. Sino kaya ang naglagay niyon? Wala namang nakalagay na card o note na may mensahe. Wala naman siguro siyang secret admirer na dadating nang ganoon kaaga? Hindi rin mura ang ganoong klaseng bulaklak o ang arrangement. Hindi orchids ang karaniwang ibinibigay ng mga lalaking nagpapakita ng paghanga. Mas madalas ay rose ang ibinibigay. Kapareho ng mga bulaklak sa kuwarto ni Sir Aiden. Sa kanya kaya galing? Nope. Iba ‘yung pinuri niya ang ganda ko o ang pabango. Pasok na pasok iyon sa gaydar. Kung bibigyan niya ako ng bulaklak, it doesn’t make sense. Hindi ko alam kung paano papasok sa gaydar iyon. Puno pa rin ng tanong ang isipan ng dalaga nang pumunta sa pantry para magtimpla ng kape. Pero nagulat siya nang makitang nandoon na si Aiden at nagsasalang ng kape sa coffee maker. “Sir Aiden!” singhap ni Lexie. "Good morning!" nakangiting bati nito sa kanya. "I am glad you are here early. Too early." "Not as early as you. Alas otso pa lang pero mas maaga pa kayo sa akin, Sir. Umuuwi pa ba kayo sa condo ninyo?" tanong niya. Ang alam niya ay may condo ito sa bandang Taguig. "Yes, I do. Hindi ba sabay pa tayong umalis ng opisina kahapon?” Naitanong lang naman niya. May sarili rin itong kuwarto sa hotel pero pinipili nito na umuwi sa sarili nitong condo. "May importante ba kayong gagawin? Baka makatulong ako sa inyo,” marahan na tanong ng dalaga. May inilabas na dalawang mug ang binata. "Nah! Maaga lang akong pumasok para makita kang ngumiti kapag nakita mo ang bulaklak sa desk mo." "What?" bulalas niya. Dito galing ang bulaklak. Kumabog ang dibd "Nakita mo na ang bulaklak, hindi ba? Cattleya really suits you. You are rare and unique beauty. Hopefully it can cheer you up." Flowers on her desk. Mga lalaki lang na may interes sa babae ang gumagawa ng ganoon. Ibig sabihin interesado ito sa kanya? Must be another trap. Para di ko mahalata na isa siyang pamintang nakakabahing. Paasa level 9999999. "Hindi naman ninyo kailangang gawin, Sir.” "But I want to. Too bad I missed to see your smile. I didn't expect you coming this early." Ngumiwi siya. Iniisip siguro nito na lagi siyang late. "Gusto kong nandito na ako at naka-ready na rin ang kape ninyo pagdating mo, Sir." She wanted to be a perfect employee. And she was failing every single time. Ibang klase kasi si Aiden. Kumabaga sa Olympics, nakarami na ito ng gold medal. Hindi niya mabasa ang kilos ng lalaking ito. Nagkibit-balikat ito. "No big deal. Mas gusto ko lang magtimpla ng sarili kong kape kapag maaga ako. Nakasanayan ko na. Coffee and flowers are perfect to start our day at work. Nakakagaan ng loob. Here.” At inabot nito ang mug sa kanya. Na-touch ang dalaga nang makita ang mug na may pangalan niya. That was sweet. Noong una ay iniisip niya na baka hindi siya nito gusto bilang assistant nito dahil hindi naman ito ang nag-hire sa ngayon. Pero nag-abala pa itong magpagawang personalized mug niya. "Thank you sa bulaklak, sa mug at sa kape, Sir. Salamat po sa pag-welcome. I really appreciate it,” anang dalaga at humigop ng kape. "Anong bulaklak ang gusto mo bukas? Or do you want me to surprise you?" Maang niya itong pinagmasdan. Iba na talaga ito. "Sir, hindi ninyo ako kailangang bigyan ng bulaklak araw-araw. Ayokong mapag-usapan tayo ng mga tao at isipin nila na nililigawan ninyo ako o interesado kayo sa akin kaya kinuha ninyo ako para magtrabaho sa inyo." "Dahil lang sa bulaklak? I don't care. I want you to start your day great with flowers and a cup of coffee," nakangiti nitong sabi at ipinagsalin ang sarili ng kape mula sa percolator. Wala itong pakialam dahil lalaki ito. Di naman ito ang mapupulaan ng mga tao kung hindi siya. Kahit na hindi siya ang nagpakita ng interes, iisipin ng mga tao na siya ang nang-akit. Na para bang lagi na lang biktima ang mga lalaki. "Totally unnecessary, Sir. Hindi ako mahilig sa bulaklak. Sayang lang,” aniya at pilit na ngumiti. "So, what can make you happy? Chocolates?" Do I look like a teenager to you? Duh! “Hmmmm… Let me see. Huge money on my bank account and having my own resort or hotel someday,” aniya at malapad na ngumiti. "Parang mahirap kang pangitiin. At mahal. How about boyfriend? Or a Prince Charming?” he asked in an expectant tone. “How about your ideal man? Sabi mo wala kang balak makipag-date. Pero siguro naman may hinahanap ka sa isang lalaki.” Umasim ang mukha niya. “Walang forever, Sir.” “Life is short. Don't be so hard on your self." "Individual differences. Just be happy that with my driving passion, I will surely give my best. And I will try to be the best employee." “Well, my brother picked you because of that. Pero araw-araw pa rin akong maglalagay ng bulaklak at ipagtitimpla ka ng kape hanggang makita kitang ngumiti. ‘Yung totoong ngiti dahil napasaya kita at hindi lang dahil kailangan.” Nagkibit-balikat ang dalaga. “You are more than welcome to try, Sir. Babalik na po ako sa desk ko.” Sumige lang ito sa pagpapalambot sa kanya at natitiyak ng dalaga na hindi ito magtatagumpay. Pero nang makita niya ang bulaklak sa mesa at pinagmasdan iyon habang umiinom ng kape ay di niya mapigilang ngumiti. Hindi naman kailangang malaman ni Aiden na napangiti siya nito, hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD