Chapter 4

2763 Words
“Ano kayang bulaklak ang ibibigay sa iyo ni Sir Aiden?” kinikilig na tanong ni Nylanna nang sabay silang pumasok sa Brava International Hotel. “I don’t know and I don’t really care. Hindi ko nga alam kung bakit pa siya nagtitiyaga na araw-araw akong bigyan ng bulaklak. Sinabi ko nang hindi iyon kailangan,” nakangiting sabi ni Lexie at hinayaan ang security na I-check ang bag niya matapos niyang ipakita ang ID. “Maybe because he likes you. Ilang beses ka na nga niyang niyayang magkape at kumain sa labas pero lagi mong tinatanggihan. Wala ka namang ginagawa sa bahay kundi mag-marathon ng mga series o magbasa ng libro. I mean, that is soooo boring. What is wrong with you?” “Porke’t tinanggihan ko si Aiden dela Merced may mali na sa akin? Bakit pa kakain o magkakape sa labas kung ganoon din naman ang ginagawa namin sa opisina?” tanong niya. “Boring,” nakatirik ang matang sabi nito. “At baka nakakalimutan mo na mawawalan ako ng career kapag pinatulan ko ang date-date na iyan.” “Correction. Pwede kang makipag-date nang hindi nai-in love. Pwede mong isuko ang Bataan nang hindi nai-in love. Try mo lang para naman ma-experience mo. Give your body but don’t you dare fall in love.” Napamaang siya. “Kaibigan ba talaga kita? Parang gusto mo akong mapahamak ‘no?” “Alam mo naman na weakness ko ‘yang si Sir Aiden.” “Pansin ko nga mas mahalaga pa siya sa iyo kaysa sa pagkakaibigan natin. Kulang na lang itali mo ako sa poste at ialay mo sa kanya. Bakit di na lang ikaw ang makipag-date sa kanya?” “Virgin at sariwa ata ang gusto niya,” anito at humagikgik. “Baliw. Gagawin mo pa akong virgin sacrifice.” Mag-iisang buwan na siya bilang assistant ni Aiden. Wala naman siyang masasabi dito bilang boss nito. He was not strict. Lenient pa nga ito sa mga trabahador. Hindi ito mahirap katrabaho. And he also had fresh ideas that he loved to tackle with her. May vision ito para sa hotel pero sa pagtataka niya ay hindi naman nito ipine-present sa kapatid nito o sa board. Parang gusto lang nito na pag-usapan. Di naman nito sineseryoso. As if it was just a passing thought. Di rin niya nararamdaman na parang nagte-take advantage ito sa kanya. Makulit lang ito kapag niyayaya siyang lumabas. Parang bata ito na gustong mamasyal. At di pa rin ito tumitigil sa pagtitimpla ng kape para sa kanya at paglalagay ng bulaklak sa mesa niya. Hindi na rin siya nagpilit na makipagpaligsahan dito sa maagang pagpasok sa opisina. Maaga talaga itong dumating at nababawasan lang ang beauty rest niya kung ipipilit niyang kunin ang gold medal dito sa maagang pagpasok sa opisina. Subalit pagdating niya sa desk ay kapuna-puna na ang bulaklak kahapon pa rin ang nakalagay doon. Wala pa ba si Aiden? Baka naman di pa lang nailalagay ang bulaklak o kadadating pa lang ng opisina. Kinatok niya ang kuwarto nito pero naka-lock pa rin. Tumuloy siya sa pantry pero wala pang tao doon. Mukhang di pa rin nagagamit ang coffee maker. Siya na lang ang nag-brew ng kape. It was weird. Sanay siya na ito ang nagbe-brew ng kape para sa kanya. Pagdating niya ng pantry ay sinasalubong na siya ng ngiti nito at nagtatanong kung anong series ang pinanood niya nang nakaraang gabi. Interesado ito sa ginagawa niya sa labas ng opisina. Nakaka-miss din pala. Nasanay na akong masyado na siya ang nauuna sa akin. At least, sa pagkakataong ito ako naman ang maghahanda ng kape niya, na dapat naman noon ko pa ginagawa. Lumakad ang oras. Ginawa lang ni Lexie ang trabaho niya. Di naman niya inaalala kung wala pa si Aiden dahil pagkatanghalian pa naman ang susunod nitong schedule. Pero bandang alas diyes na at nagsunud-sunod na ang dokumento at report na kailangan nitong basahin at pirmahan nang maalarma siya. Parang walang balak na pumasok ang lalaki pero di naman ito nagpapasabi. Tinawagan niya ang cellphone ng lalaki. “H-Hello,” he answered in a breathy bedroom voice. Parang kagigising pa lang nito. And it was sexy. Parang uminit ang opisina kahit na fifteen degrees lang ang temperatura doon. “Sir Aiden, this is Lexie. I didn’t mean to interrupt your sleep.” Umungol ito. “Past ten na?” “Yes. Mamaya pa namang ala una ang appointment ninyo pero may papers kayo na kailangang pirmahan. Anong oras kayo dadating, Sir?” “I-I will be there by lunchtime. I will try…” Naputol ang sasabihin nito nang may marinig siyang bumagsak sa sahig. Napatayo siya sa kinauupuan. “Sir Aiden! Sir Aiden! Nasaan kayo? Tatawag ako ng 911,” natataranta niyang sabi. “What 911? I-I am fine,” sabi nito pero narinig niya na parang nahihirapan ito. “Sir, anong fine? Mukhang bumagsak kayo.” Mahina itong tumawa. “That is nothing. Nalaglag lang ako sa kama.” “Are you… drunk or sick? Anong nangyayari diyan?” Ang alam niya ay nag-party ito nang nagdaang gabi dahil binuksan ang bar ng kaklase nito noong high school. Niyaya pa nga siya nito pero mas gusto niyang umuwi na lang at magpahinga. Mabuti sana kung lasing lang ito. Paano kung nag-uwi pa ito ng babae kaya di ito nagising nang maaga? O kaya naman ay malala pa ang sakit nito. “Just some chills and colds. Nothing that a glass of orange juice can’t fix. And probably a good soak at the bathtub,” anang lalaki at bahagyang tumawa. But it was a weak laugh. Ibig sabihin ay mas masama pa ang lagay nito kaysa sa kina-claim nito. Hindi talaga siya matatahimik. “Sir, huwag na po kayong pumasok kung hindi pa ninyo kaya. Mas mabuti kung magpapatingin kayo sa doktor,” sabi ni Lexie. “Gusto ba ninyong tawagan ko ang family doctor ninyo para tingnan kayo?” “No. You don’t have to,” tutol ng lalaki. “I am fine.” “Let me be the judge of that. Sir, ika-cancel ko muna ang meeting ninyo mamayang hapon. Pupuntahan ko kayo diyan ngayundin. Huwag kayong aalis. Hintayin ninyo ako,” mariin niyang bilin sa lalaki. Tinapos agad niya ang tawag bago pa makakontra ang lalaki. She cancelled his appointment for the day. Nagpaalam siya sa admin at dinala ang mga papeles para mapirmahan ang dokumento. Na di ito makakapasok dahil may sakit. Di pa niya matawagan ang family doctor nito dahil kailangan muna niyang I-assess kung ano ang kondisyon nito. Baka mamaya ay lasing lang ito o kaya ay may kasamang babae kaya di nakapasok agad. Mapahiya pa siya. Nasa taxi na siya nang makatanggap siya ng text message mula kay Aiden. Six digit number. Kumunot ang noo niya. Password ba iyon? Pinatuloy agad siya ng mga guwardiya sa thirtieth floor pagdating sa condo unit ng lalaki sa BGC. She pressed the doorbell pero walang sumagot. Wala rin siyang marinig na kaluskos mula sa loob. Doon na niya ginamit ang ipinadalang number ni Aiden sa kanya. Matapos I-encode at isara ang cover ay narinig niya ang mahinang click mula sa loob. Binuksan niya ang pinto at saka pumasok. The place was a two-bedroom unit. Natatanaw niya ang parke na may fountain sa di kalayuan. She could breathe in here. She liked his place. Any girl would be impressed. Perfect place to go after a party. Nagsalubong ang kilay ng dalaga. Sinamyo niya ang hangin. Baka sakaling makalanghap siya ng pabango ng babae. Nada. She could smell Aiden’s fresh scent instead. Like he marked the place with his masculine scent. Nasaan na kaya ito? “Sir Aiden! Sir Aiden!” tawag niya sa lalaki. Wala pa rin itong sagot. Ang tanging naririnig niya ay ang musika na nagmumula sa isa sa mga silid. Sinundan niya ang tunog at kinatok ang pinto. “Sir Aiden.” Nang di ito sumagot ay pinihit niya ang seradura ng pinto. Napansin niya ang bahagyang gusot na kama. Walang tao doon subalit narinig niya ang lagaslas ng tubig sa shower. Kinatok niya ang pinto ng bathroom. “Sir Aiden, okay lang po ba kayo diyan?” malakas niyang tanong nito. “Sir Aiden!” Kumabog sa kaba ang dibdib niya nang di sumagot ang lalaki. Paano kung natumba ito habang nagsa-shower at nabagok ang ulo? Di na siya naghintay ng sagot nito at binuksan ang pinto. “Sir Aiden!” tawag niya agad dito. Inaasahan niyang nakahandusay ito sa sahig. Sa halip ay isang hubad na Aiden ang nakita niyang nakatingala sa shower. Walang kwenta ang clear glass partition wall dahil kitang-kita pa rin niya ang buong katawan nito sa kabila ng fog na dulot ng steam ng shower. Halos wala nang itinago ang binata sa kanya. Lexie was frozen from where she was standing while her mouth was a agape. She knew that he was a fine specimen of a man. Pero di niya inaasahan na ganito ito ka-hot at maaapektuhan siya. She could hardly breathe and her knees nearly buckled. His muscles were lean - from his wide shoulders that spoke of his love for swimming down to his fine ass. Akala niya ay manhid siya. Ilang beses siyang sinabihan na frigid ng kaibigan niya dahil wala siyang naramdaman na kahit ano sa ibinabalandra nitong hubad na katawan ng mga Cosmo Bachelors. She found men with brains and power sexier, not in a feminine-tingling sense. Aiden had a different effect on her. She wanted to walk towards him while shedding off her clothes then join him on the shower. Her hand was itching to touch every contours of his muscle. She wanted to see what else was hidden on her view, if his back was a good as his front. Parang narinig naman ng binata ang sinabi niya dahil dahan-dahan itong humarap. He was toned from chest to his abs. Hindi iyon gaya ng mga naglalakihang pandesal na pilit ina-achieve ng mga gusto ng six-pack abs. Nanlaki ang mata niya nang makita ang family jewels nito. He was huge. He was not even arouse. Paano kapag arouse na ito? Ito ba ang tipo ng lalaki na magtitiyaga sa virgin at inosenteng gaya niya? He will rip me in two if he would take me. I don’t think it will fit. “Lexie?” tawag ng lalaki sa pangalan niya. Bigla siyang bumalik sa huwisyo at nakita itong ihinilamos ang palad sa mukha. Dali-dali siyang tumalikod. “Sir, sorry po. Hindi ko po sinasadyang manilip… I mean makita ang flag pole…” “Naninilip? Flag pole?” Shet! Ano bang pinagsasasabi ko? Where is the articulate Lexie who graduated c*m laude and hired by Amadeus dela Merced himself? Nakakita lang ako ng katawan ng isang lalaki, nawala na ang pagiging articulate ko. At the rate I am going, mawawalan ako ng trabaho. Just because of my boss’ gorgeous body. Where is my head? Tumingala siya at naramdaman ang pamamasa ng mata niya. Gusto na niyang maiyak sa kapalpakan niya. Focus! Focus on this job. Kung tatagal siya ng anim na buwan, mas tataas ang sweldo niya at may kotse pa. “Sir, s-sorry po talaga. Tinatawag ko kasi kayo kanina at di kayo sumagot. Nag-alala ako baka nadisgrasya kayo at walang malay kaya pumasok na po ako. Pasensiya na kayo, Sir. Sa may sala ko na lang po kayo hihintayin. Sabihin lang po ninyo kung ipagtitimpla ko kayo ng kape o oorder ako ng pagkain.” Hinawakan niya ang seradura ng pinto at handa nang tumalilis nang tawagin siya nito. “Lexie!” “Y-Yes, Sir?” halos di humihinga niyang tanong. Please don’t fire me. Di ko naman kayo masyadong pinagnasaan, Sir. “Nakalimutan ko ang tuwalya ko. Pwede mo bang kunin mo sa ibabaw ng kama ko?” “Yes, Sir,” sabi niya at nagkukumahog na lumabas ng kuwarto. Dali-dali niyang kinuha ang puting tuwalya na nasa ibabaw ng king size bed nito. Binuksan lang niya ang pinto ng banyo at saka inabot ang tuwalya. “Sir, heto na po ang tuwalya ninyo. Abutin na lang po ninyo.” “Step inside, Lexie. Ikaw na ang mag-abot sa akin. I am weak right now. Hindi ko maaabot iyan.” Muntik nang mag-hyperventilate ang dalaga. Wala namang gagawing masama sa kanya ang lalaki. After all, she thought he was gay. Hindi siya nito bet. Paano naman ako, Sir? Nanghihina din ako. Kayo ang weakness ko. Hashtag Frailties of a Woman. Isang mata lang ang nakadilat kay Lexie nang pumasok siya ng banyo. Itinaas niya ang tuwalya at itinakip sa mukha di niya makita ang hubad na kakisigan ng lalaki. Pero malakas na malakas ang kabog ng dibdib niya habang palapit dito. Nang ibaba niya ang tuwalya ay nakatitig lang siya sa mukha nito. “Tuwalya ninyo, Sir,” sabi niya at tumalikod agad pagkaabot dito. “Bakit ayaw mong tumingin sa akin? Do I look so bad?” tanong nito sa malungkot na boses. “Hindi naman sa ganoon, Sir.” “I don’t really mind if you will look.” At naramdaman niya ang init ng katawan nito sa likuran niya. Napagkit na ang paa niya sa tiles. Dapat ay kumaripas na siya ng takbo palabas at bumalik na lang kapag nakadamit na ito. Bakit di pa siya gumagalaw? Ano pang hinihintay niya? She just heard the rustle of towel against his bare, wet skin. At kahit nakataligod siya ay malinaw niyang nakikita sa imahinasyon niya. Lumunok ang dalaga. “S-Sir, may kailangan pa kayo?” “Yes. Alalayan mo ako please? I really feel dizzy.” She groaned inwardly. Heto na naman ang panibagong tukso sa buhay niya. But his voice was weak and raspy. Parang naghahabol ito ng hininga. Humarap siya at nakitang nakatapis na ang tuwalya sa baywang nito. Safe. I’m safe. She realized her mistake when he put his arm on her shoulder and leaned against her. His minty scent assaulted her senses. And she loved the feel of his strong, hot body against hers. Nakakapaso ang init nito. Parang matutupok siya. “You are hot,” usal niya. “Yes, I am,” anitong may pagmamalaki pa sa boses. “Ikaw lang ang ayaw maka-appreciate noong una.” “Hindi, Sir. Mainit talaga kayo,” sabi niya at sinalat ang noo nito. Mainit na mainit talaga ito. “Tumawag na ba kayo ng doktor?” “No. I am fine. Konting sinat lang iyan. Nabasa kasi ako ng ulan sa party kahapon. Maya maya lang wala na ito. Baka kasama mo pa ako pag bumalik sa opisina.” “Hindi kayo babalik sa opisina,” sabi niya at inupo ito sa kama. “Kailangang ma-check up muna kayo ng doktor. Makakapaghintay ang trabaho. Ni-reschedule ko na ang appointment ninyo sa araw na ito. Health is more important.” “I am the boss,” giit nito kahit sa nanlalambot na boses. “Until the doctor says so, I’m the boss,” giit niya. “Where is your first aid kit? May thermometer ba doon? We need your temperature para mai-report ko sa doktor ninyo, Sir.” Akala niya noong una ay kokontra ang lalaki pero itinuro nito ang direksyon ng banyo. “Nasa ibabaw ng sink ang first aid kit. May thermometer na doon.” Matapos lagyan ng alcohol at isubo sa binata ang thermometer ay lumabas ng kuwarto para kunin ang cellphone sa bag. Tinawagan niya ang family doktor nitong si Dr. Lopez at sinabi dito kung gaano kataas ang lagnat ni Aiden. Nag-request na dalawin ang lalaki. Kalahating oras pa daw ito bago dumating dahil may pasyente ito. Kalahating oras pa niyang kailangan na bantayan si Aiden. “Doctor Lopez is on his way,” sabi niya at napansing tumayo ang lalaki pero mabuway iyon. Dali-dali niya itong dinaluhan. “Sir, bakit pa kayo gumalaw?” “I need to get dressed,” anito. “I will get it,” sabi niya at binuksan ang closet nito. Pumili siya ng gray t-shirt at itim na boxer shorts para dito. Dali-dali niyang isinuot ang T-shirt dito. Hinawakan niya ang boxer shorts at natigilan. Siya rin ba ang magsusuot ng boxer shorts dito? “Sir…” untag niya. Nakayuko ang lalaki at parang inaantok na. “Yes?” “Yung boxers po n’yo, pwedeng ako na ang magsuot sa inyo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD