Chapter 5

2432 Words
Umangat ang gilid ng labi nito. “Thank you.” Napatingin siya sa boxer shorts nito. It came out wrong. Dapat ay itatanong niya dito kung ito ang magsusuot. Hindi siya dapat nagprisinta. Stupid, Lexie! Malapit ka nang maka-quota. Lumuhod siya sa harap ng lalaki. “Wala itong malisya, Sir. I am not going to look. Hanggang tuhod ko lang isusuot.” “Ano pa bang itatago ko sa iyo, Lexie? You’ve seen everything. No need to explain. No need to be defensive. Gusto ko lang magbihis.” Too defensive. Nagmumukha tuloy siyang guilty. Isinuot niya ang boxers sa binti nito. Parang napakabagal ng pag-usad ng oras habang inaangat niya ang boxers. Pigil pala niya niya ang hininga hanggang makarating ang boxers sa tuhod. Iyon na rin ang laylayan ng tuwalyang nakatapis sa baywang nito. Pwede na siguro doon. “Higher,” anito sa seryosong boses na may bahid ng panunukso. Nang iangat niya ang tingin ay nakapikit ito. Mabuti naman at di ito nakatingin. Matutunaw siya sa kahihiyan kung panonoorin siya nito. It reminded her of that garter tradition kung saan isinusuot ng isa sa mga single na bisita ang nasalong garter mula sa bride sa single na babae na nakasalo ng bouquet. Hanggang kalahati ng hita lang siya nakarating dahil hanggang doon lang ang safe zone. Parang napaso siyang tumayo. “Kumain na ba kayo, Sir?” tanong niya. “Nag-agahan na ba kayo?” “Well, I… am not hungry yet.” Napapalatak siya. “Magkakasakit ka talaga kung di ka kumakain. You must eat,” angil niya at iniwan ito. “Pasaway. Gusto ng sakit ng katawan.” Pumunta siya sa kusina at nadismaya nang buksan ang ref. Walang laman iyon kundi isang jug na gatas at malamig na tubig. Walang laman pati ang cupboard nito kahit de lata. Mukhang sa labas laging kumakain ang lalaki o kaya ay nagpapa-deliver lang. Dahil wala na siyang para umorder ng pagkain ay kinalkal na lang niya sa bag ang survival pack - egg sandwich na siya ang gumawa at no-cook noodles. Isinalang niya iyon sa microwave at saka idinala sa lalaki. Nakasandal ang lalaki sa headboard habang nakapikit. Dumilat ito nang maamoy marahil ang pagkain. Inilapag niya ang bed tray sa kandungan nito. “Saan ka nakakuha ng pagkain?” “Nag-magic,” pabiro niyang sabi. Sumandok siya ng noodles at hinipan. “Tiyagain na lang ninyo, Sir. Iyan lang ang nakayanan ko.” Inilapit niya ang kutsara na may sabaw sa bibig nito. Kusa namang ngumanga ang lalaki. Tumango ito. “This is not so bad. Masarap din naman pala ang instant noodles.” Rich boy problems. Di pa naka-experience kumain ng instant noodles. Egg sandwich naman ang inilapit niya sa bibig nito. “Bite.” Nakatitig pa ito sa kanya habang kumakagat ito. Napalunok na lang siya. Bakit seductive pa rin ito kahit kumakain lang egg sandwich? Parang inaakit siya nito. Wag ka nang umasa, bes. Guwapo rin ang gusto niyan. “Kumain ka na ba?” tanong ng lalaki. “Huwag ninyo akong intindihin, Sir. Kayo po itong may sakit.” Matitiis naman niya ang gutom niya. Nag-ring ang doorbell. “Baka si Doctor Lopez na iyan.” Pinatuloy niya ang butihing doktor na sa palagay niya ay nasa mid-fifties na. “This is a miracle. Buti pumayag siyang magpatingin sa akin.” “He has no choice on the matter,” sabi niya at iginiya ito papunta sa kuwarto ni Aiden. “Very good. You are eating. I don’t have to force you o lagyan ka ng dextroseo kung kinakailangan.” Aiden grimaced. Nilingon siya ni Doctor Lopez. “Anong himalang nangyari? Tinutukan mo ba siya ng kutsilyo? Threatened to drown his cactus?” “My former assistant drowned it already,” anang si Aiden at pinagsalikop ang palad. “Let’s just say that she is the boss.” Humalakhak si Doctor Lopez. “I am starting to like this girl.” Inilabas niya ang pinagkainan ni Aiden para mabigyan ito ng privacy habang tsine-check up ng doktor. Makalipas ang sampung minuto ay tinawag siya ng doktor. “It just fever. Mukhang nakuha niya sa pagbababad sa foam party kagabi. Make sure that he drinks his medicine, drinks lots of fluid and make sure that he will eat. Bumababa ang immune system niya dahil pababayaan ang sarili.” Ibinigay nito ang reseta sa kanya. “I am expecting that you will take care of him.” “A-Ako po?” tanong niya at itinuro ang sarili. “Hindi po ba kayo kukuha ng private nurse?” “Lagnat lang ito,” sabi ni Aiden. “I can take care of my self.” “Lagnat lang?” gagad niya dito. “Lagnat lang daw pero di maisuot ang underwear na mag-isa.” Matalim siyang tiningnan ni Aiden. Maasim lang niyang nginitian ito. Malapit-lapit na siyang bumingo sa katabilan ng dila niya. “Sir, huwag na kayong kumontra. Saka na lang po ulit kapag magaling na kayo.” “Listen to your boss. You should keep this one. She’ll do you a lot of good,” nakangising sabi ni Doctor Lopez. “As for you, young lady, kailangan mo nang kumain. You might collapse anytime.” “Hindi ka pa kumakain?” tanong ni Aiden sa mataas na tono. “Baka ibinigay niya ang pagkain niya sa iyo,” anang doktor at tinapik ang balikat. “I am heading out. Tawagan mo ako sa development ni Aiden.” “Yes, Doc. Thank you.” Isang matalim na tingin ang isinalubong sa kanya ni Aiden pagbalik sa kuwarto nito. “I could easily fire you for that stunt.” Napaurong ang dalaga. Heto na nga ba ang sinasabi niya. Masyado siyang naging komportable sa pambabara dito kanina, palibhasa ay may sakit ito. She felt like she had the upper hand. Yumuko siya. “I am sorry, Sir. I forgot my place. Di ko dapat binanggit kay Doc Lopez ‘yung tungkol sa pagbibihis ko sa inyo. That was uncalled for and very,, very unprofessional.” “Not that.” Mariing pumikit si Lexie kasabay ng malakas na kaba sa dibdib. She is so dead. Napansin ba ni Aiden na pinagnasaan niya ito kanina? Goodbye, magandang future na ba? Gahd! She didn’t act on it. Iningatan pa nga niya ang puri ng lalaki. Di naman niya inalay ang virginity niya dito. “Bakit ibinigay mo sa akin ang pagkain mo tapos ikaw naman pala ang hindi pa kumakain?” pasermong tanong nito. Inangat niya ang ulo. “G-Galit po kayo dahil doon?” “Yes. I feel terrible. Ikaw naman ang magkakasakit dahil sa akin. Anong klaseng boss ako kundi rin kita kayang alagaan?” “Uhmmm… boss na may sakit?” Pinagsalikop niya ang nanlalamig na palad. “Sir, kayo lang naman ang inaalala ko. Huwag na po sana kayong magalit. Pero kung aalisan ninyo ako ng trabaho dahil dito…” “I won’t. Doc Lopez likes you. Kapag nalaman niyang sinesante kita ngayon at wala na akong bantay, magpapadala siya ng dalawang malalaking nurse. And he will have my ass injected just for his sadistic satisfaction.” Humagikgik siya sa nabuong imahe sa isipan. He would look like an errant child held by two huge nurses with a huge syringe. Tumikhim siya nang makitang nakatitig sa kanya si Aiden. Irritation was written all over his face. “Sorry, Sir. I didn’t’ mean to laugh.” Humalukipkip ang lalaki. Hindi siya sanay na umasta itong intimidating at iritado dahil sanay siyang nakangiti ito lagi. “Laugh all you want but make sure you order lunch first.” Binuksan nito ang drawer at kinuha ang wallet. He gave her three one thousand peso bills. “Order whatever you want.” Sobra-sobra iyon pero ibabalik naman niya ang sukli at may kasama pang resibo. “Yes, Sir.” “Call Tita Florida. I know my house is bare with necessities. Sa kanya ka magbilin ng mga supplies na kailangan.” Binuksan niya ang note ng cellphone at inilista doon ang mga bilin nito. Mabuti naman at naisip nito ang supplies. He couldn’t survive with a jug of milk. “Anything else, Sir.” “Call your friend. Tell her to prepare your stuffs. You need to stay here for the night.” Natigilan siya. “O-Overnight, Sir? Dito ako matutulog?” “I don’t have a nurse, do I? Ikaw ang binilinan ng doktor ko. And the only reason why I haven’t fired you yet is because you are here to take care of me,” he said in a saccharine sweet voice. “Pero kung ayaw mo akong bantayan, that’s fine…” “No. Tatawagan ko po siya agad,” aniyang malakas ang kabog ng dibdib. May sakit ito pero ito pa rin ang boss niya. Hawak pa rin nito ang kapalaran niya. “Pero paano po ang papeles na pipirmahan ninyo at dadalhin sa opisina?” “The messenger will get it. Messenger na rin ang kukuha sa kaibigan mo ng mga gamit mo para dalhin dito. But for now, order your lunch. Bumalik ka dito kasama ang pagkain mo.” “Para bantayan kayo, Sir?” tanong niya. “Para bantayan ka at matiyak na kakain ka.” Bumuga ng hangin ang dalaga. Nabaligtad ang sitwasyon. Siya pa ngayon ang babantayan nito. Tumango na lang siya. “Yes, Sir.” NANLAKI ang mga mata ni Lexie habang hawak ang red lacy bra and bikini bottom. “What the f*ck, Nylanna! Bakit ito ang ipinadala mo sa akin?” “F*ck! I like the sound of that. Ready to get hot and dirty with the dirty boss,” nanunuksong sabi ng kaibigan. Umungol ang dalaga at mariing pumikit. Alas sais na ng gabi nang dumating ang mga gamit niya na padala ni Nylanna. Matapos pirmahan ang mga report na kailangan sa opisina ay natulog na ang binata. Marami siyang naiwang trabaho at report na kailangang tapusin. Ipe-present pa niya iyon kay Aiden kapag mas mabuti na ang pakiramdam nito. Bahagya nang bumaba ang lagnat nito. Hindi naman ito mahirap alagaan dahil parang may malaking bata lang siyang alaga. Bandang alas nuwebe na nang matapos niya ang trabaho. Magbibihis na sana ng pantulog pero wala siyang makitang T-shirt at pajama na madalas niyang isuot kapag natutulog. “Stop it. We won’t f*ck or anything. We won’t even kiss. At ito lang talaga ang ipinadala mo sa akin? I sooooo wanna break your neck right now,” panggagalaiti niya. Bukod sa damit na isusuot niya bukas pagpasok niya sa opisina, underwear lang at ilang toiletries ang ipinadala nito. “Nope! I won’t touch your hideous sleeping garment. Dati ko pa ngang gustong sunugin iyon tapos gusto mo ipadala ko pa sa iyo?” “Gusto mo nakahubad lang ako kapag humarap sa boss ko?” “Buti nga nagpadala pa ako sa iyo ng underwear. Gamitin mo na iyan. Pinag-ipunan ko ‘yan two years ago para iregalo sa birthday mo pero di mo pa rin nagagamit hanggang ngayon. Put it to good use. Di ‘yung puro underwear ng lola mo ang isinusuot mo.” “Gusto mo talaga akong mawalan ng trabaho?” angil niya dito. “You really think this is funny? Gusto mong I-seduce ko ang boss ko na may sakit? You are impossible.” Humagikgik si Nylanna. “May sakit naman siya at binigyan ka niya ng permiso na alagaan siya. Strike while he is weak. Rawr! Malay mo dahil sa iyo ma-discover niya na hindi naman pala talaga siya gay.” Ipinamaywang niya ang isang kamay. “No. Because it will only cost me my job and my career. Na-imagine mo ba ‘yung mga ibang babaeng nauna nang nasisante? Malamang inakit din nila si Sir Aiden pero walang epekto. Kahit pa ialay ko ang Bataan, hindi niya papansinin.” “Hindi mo pa nga inaalay, paano mo naman malalaman kung tatanggapin niya o tatanggihan niya?” “Kaibigan ba talaga kita? Gusto mo talaga akong mapahamak. I know you are enjoying torturing me. Friend, kahit laway na laway ka kay Sir Aiden, hindi mga tipo natin ang type niya. Ayaw niya sa magaganda at sexy. Aiden dela Merced is gay, okay? GAY!” “So, I am gay.” Nanigas ang buong katawan ni Lexie nang marinig ang boses ni Aiden. Awtomatiko niyang pinindot ang end call button at di nag-abalang magpaalam sa kaibigan. In-off na lang niya ang cellphone at mariing napapikit. Dahan-dahan siyang lumingon at nakitang nakasandal ito sa hamba ng pinto ng kuwarto nito. Hindi man lang niya napansin na gising na pala ito dahil abala siya sa pagkontra kay Nylanna. Aiden was smiling. Isang ngiting tagumpay. Nanlamig siya nang maaalala na simula’t simula pa lang nang I-hire siya ng kapatid nitong si Amadeus para maging assistant nito ay kontra na sa kanya ang binata. Ngayon ay binigyan na niya ito ng bala para sesantehin siya. “H-Hindi po iyon ang ibig kong sabihin.” Humakbang ito palapit sa kanya. Hindi na mabuway ang lakad nito. And there was confidence in his every step. Like a wolf who cornered its victim. “I didn’t know I am gay,” he uttered then showed his perfect white teeth. It was similar to a wolf showing his big teeth the better to eat her. Siyempre hindi pa ito nagka-come out sa pink na aparador. Aaminin ba nito na ito si Darna samantalang di naman sila close? At sa pagkakataong ito, problema na niya kung paano sasagipin ang sarili. Sa dinami-dai kasi ng pagkakataon na gigising ito, doon pa sa sinasabi niya sa kaibigan na badinger-Z ito. Isang kampanteng ngiti ang sumilay sa labi niya. “S-Sir, okay lang naman po sa akin kung aamin kayo. It will be our secret.” Tumigil ito sa harap niya hanggang isang dipa na lang ang pagitan nila sa isa’t isa. “Secret?” “Yes. Hindi naman po ako manghuhusga ng tao base sa gender preference. Ititikom ko po ang bibig ko sa anumang natuklasan ko.” Itinaas niya ang isang kamay. “Swear!” “Natuklasan mo?” tanong nito at humalakhak. “What kind of sick joke it this?” Hinawakan nito ang tiyan. “I haven’t laughed this much for years. That’s mind blowing. I am a gay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD