Hindi galit si Aiden pero hindi rin naman inaasahan ni Lexie na pagtatawanan lang siya nito. Siguro ay dina-downplay lang nito ang natuklasan niya para itago ang galit at takot nito. Maaring ituring siya nitong kaaway, isang banta. “Sir, naiintindihan ko naman po kung gusto ninyong itago ang sekreto ninyo. Not everyone will understand.” Baka conservative ang pananaw ng mga taong nakapaligid dito. They might have expectations. “At para makatiyak kayo na di ko ipagkakalat ang tungkol sa sekreto niyo, I am willing to sign a non-disclosure agreement. Pwede po ninyong idemanda ako kapag nilabag ko iyon. Kakausapin ko po si Nylanna para pumirma rin ng agreement. Hindi naman po niya ipagkakalat ang napag-usapan namin. I swear.” Nanginginig niyang pinindot ang power button ng cellphone. “S-Sir,

