(Assumptions) ILANG ulit na niyang binalik-balikan ang internet upang malaman ang sagot sa kanyang tanong. Maaari bang coincidence lang na magkaroon ng kamukha? Kanina pa siya umalis sa hotel at dumiretso sa tinutuluyang condo. Naudlot ang dapat sana ay paghahanda niya sa meeting na gaganapin sa Bros Shopping Mall. Noong una, napakamisteryoso para sa kanya na si Karen ang nakalista sa guest book samantalang may iba itong kasama na ipinakilala nitong pinsan. Hindi binanggit ang pangalan sa kanya dahil hindi naman daw magtatagal sa hotel. Pangalawa, ang maliit na bata na nakita niya ay…kahawig niya! Bago niya makalimutan, pamilyar din pala ang boses ng babae sa kanyang pandinig. “T*** **a!” malakas niyang sabi. Nag-echo ang boses niya sa buong silid. Hindi maaari rin basta na lang siya m

