(The heartbeats only for him) SA wakas ay nakalabas na ang dalawa niyang bisita. Nagpaalam ang mga ito sa kanya kahit na nasa loob siya ng silid. Tahimik na rin si Gideon hanggang sa matapos itong dumede. Dinala niya ito sa sala, maglalaro silang mag-ina. “Mamaya na lang ako maliligo.” May malaking telebisyon sa sala kaya nanood na rin sila. Tinanggal na rin niya ang suot na facemask dahil pilit din iyon inaabot ni Gideon. Kinuha niya ang walker sa malaking kahon na dala nila. Pinaghirapan ni Sab sa ibalot iyon upang hindi na sila bumili pa. Nakakalakad naman na si Gideon ng maayos ngunit kapag dalawa lang sila ay inilalagay niya roon ang anak upang makaiwas disgrasya. Bigla kasi siyang nakaramdam ng gutom at dahil may kalayuan ang sala a kusina kailangan niyang maging maingat. Mataman

