(Igniting the desires) HINDI SIYA agad nakagalaw. Nawalan siya ng lakas dahil pakiwari niya ay naigupo na siya ng lakas na hatid ng halik ni Lorcan. Ang isa niyang kamay na nakatukod sa mesa ay bahagya ng nanginig sa nakakaubos na enerhiyang nawala sa kanya. Kulang na lang ay mawalan na siya ng ulirat. Tila hinihigop ng lalaki ang lahat ng mayroon siya. Wala yata sa bokabularyo nito ang maghinay-hinay. Huli na nang mapagtanto niyang naipalibot na niya ang dalawang kamay sa palibot ng leeg nito kaya naman nagawa siya nitong buhatin at iupo sa ibabaw ng office table. Tumaas ang suot niyang skirt sa kanyang baywang na naging dahilan upang malayang dumampi roon ang mainit na palad nito. Napakislot siya lalo pa ng ibaba niya ang tanaw sa mga hita niyang bukakang-bukaka na napapagitnaan ang ka

