(The feelings that never fades) ALL EYES sa kanya ang lahat nang pumasok siya ng conference room including Lorcan na bahagya pang may ngiti sa labi. Iniwas niya agad ang tingin dahil nagsimula na naming magrigodon ang puso niya na maaaring makasira ng kanyang konsentrasyon. Sunod na sabay-sabay pang tumayo ang mga ito including Lorcan again at binati siya. Hindi talaga nakaligtas sa mga mata niya ang nakakaloko nitong pagngisi. Kung bakit kasi naigagala pa niya ang paningin sa pwesto nito. “Good morning, everyone! Thank you for the warm greetings. I know that today is a special day for all of us. Hindi dahil it is my first day here but because it’s all our first day to work together. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat ako in behalf of my father dahil sa inyong serbisyo sa aming kompanya

