(The heat that never gone) “LO-LORCAN? A-ANO ang ginagawa mo rito?” Halos hirap siyang sambitin ang pangalan nito. Nakasuot ito ng dark grey suit na lalong nagpatingkad ng gwapo nitong mukha. “I’m here for the meeting. Ako ang representative ng MSB.” Sinuyod ng mga mata ang buo niya katawan. She’s trembling! Pakiramdam niya ay unti-unti nitong kinakain ang buo niyang pagkatao. Malalim ang mga titig nito na tumutunaw ng kanyang mga kalamnan. “You look sexy in a skirt.” Hindi lang nito alam kung paano na nagwawala ang kanyang sisitema. Hakab ang suot niyang palda sa kanyang katawan na binagayan na naka-tuck in niyang pink na long sleeve. “Thank you.” Iniwanan niya ito at humakbang na. Hindi na niya kakayanin pa ang magtagal na kaharap ito. Natutunaw ang depensa niya sa sarili. Hindi iyo

