(The beginning of a new part) MAAGANG nagising si Arwa kinabukasan. Kailangan niyang pumunta sa kanilang kompanya upang malaman ang current status. Dumaan siya sa silid ng kanyang ama upang magpaalam. Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Domingo. “Are you sure, anak?” pagkumpirma nito. Siniguro niyang wala si Martha nang pumasok siya sa silid ng ama. “I think it’s the right time, Papa. Ako lang ang nag-iisa mong anak kaya marapat lang na simulan ko ng pag-aralan ang kompanyang itinayo at itinaguyod sa buong buhay ninyo.” Sukat sa kanyang sinabi ay biglang naluha ang Papa niya. “Pa?” “Masaya lang ako, anak. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. Akala ko hindi ko na kailanman maririnig sa iyo ang mga salitang iyon. Salamat, anak.” Niyakap niya ang ama at hindi na rin napigilan ang maiy

