(A moment of simplicity to genuine happiness) NAKAPAMAYWANG LANG siya habang pinagmamasdan si Lorcan na naghahanda ng mga ingredients sa lulutuin nitong nilagang baboy. Nakasuot ito ng puting t-shirt na pinatungan ng apron at khaki shorts naman sa pang-ibaba. Hindi siya nito hinayaan man lang na kumilos simula ng dumating sila sa unit nito. Yes, pinagbigyan niya ang lalaki na mag-undertime sila sa trabaho sa opisina given na kailangan nilang gawin busy ang mga staffs. Ayaw niya lang na walang maging resulta ang araw-araw na pagpasok niya at siyempre pinanghahawakan niya ang pangako nitong babawi sila sa susunod na araw. Pagbibigyan niya ito katulad ng pagbibigay niya sa kanyang sarili. “Sigurado ka bang kaya mong magluto?” tanong niya. Hindi niya mapigilang makagat ang ibabang upang s

