(Too much of a love making) “TAKE OFF your clothes, honey,” ani ni Lorcan sa kanya nang makapasok sila sa unit nito. Narinig niyang ni-lock pa nito ang pinto. Inilapag niya ang dalang bag sa maliit na center table sa living room. Kanina pa hindi niya maintindihan ang sarili. Kung ilang beses niyang tiningnan ang relo niya para lang malaman kung anong oras na. Excited siya na makasamang muli ang lalaki, iyon ang sinasabi ng isip niya at malalakas na kalabog naman ang tugon ng puso niya. Sa loob pa lang ng sasakyan ay panay na ang paggala ng kamay nito sa kanyang hita at may paminsa-minsang pumipisil doon pagkatapos ay ipagsasalikop ang kamay sa kamay niya which she found sweet. Hindi naman iyon ang unang beses ngunit pakiramdam niya bumabalik lang lagi siya sa unang beses na may nangya

